Inday TrendingInday Trending
Isang Bisita Lamang Pala sa Doktor ang Magiging Dahilan ng Muling Pagkikita ng mga Magkakapatid na Nagkanya-kanya na sa Buhay

Isang Bisita Lamang Pala sa Doktor ang Magiging Dahilan ng Muling Pagkikita ng mga Magkakapatid na Nagkanya-kanya na sa Buhay

“Kailan ka ba uuwi rito?” tanong ng ate ni May na si Miles habang magkausap sa video call.

“Eh hindi ko pa alam ‘te. Alam mo naman lagi akong busy rito sa trabaho,” sagot naman ni May.

“Eh oo nga. Pero kasi hinahanap ka rin ni mama, ate,” dugtong pa ng bunso nilang kapatid na si Mika.

“Well, alam naman ni mama yun, masyadong busy dito sa States. Saka tigilan mo nga ako, Mika, hindi ka rin naman nakakabisita kila mama ha?” pagtataray ni May.

“Grabe ka! Kakauwi ko lang ng ‘Pinas last month ate, after six months, uuwi na rin naman ako ulit,” ani ni Mika na nasa Hong Kong kasalukuyan.

“Oh eh siya bahala na kung kailan makakauwi, pag umuwi ako d’yan hindi naman ako magkakapera, alam niyo namang may mga pinag-aaral akong anak. O sige na bye na muna at marami pa akong trabaho,” sambit ni May sa dalawang kapatid.

Simula ng mag-pamilya si May, ay nagtrabaho na kaagad siya sa ibang bansa. Ang kanyang bunsong kapatid naman na si Mika, ay nasa Hong Kong rin at doon nag tatrabaho.

Habang si Miles naman, ang kanilang panganay ay kasama ang kanilang nanay na si Mylene.

Matanda na ang kanilang inay ngunit malakas parin ito para maasikaso ang kanilang maliit na tindahan. Katwiran niya’y kahit matanda na siya ay ayaw niyang maging pabigat sa kanyang mga anak na may kanya-kanya ng buhay.

Ngunit dahil rin sa katandaan ay araw-araw niyang ninanais na makasama ang kanyang mga anak.

Isang araw, naalala ni Miles na nalalapit na ang araw ng buwanang check-up ng kanyang nanay.

“Oh, ma, sa sabado ha, aalis po tayo. Check-up niyo ulit kay Dra. Ramirez,” paalala ni Miles.

“Naku, anak, kahit wag na. Alam ko namang may gagawin ka nang araw na iyon, kaya ko namang mag-isa,” sambit ng kanyang nanay.

“Ano ka ba naman ma? Siyempre sasamahan na kita,” pangungulit ni Miles.

“Ikaw talaga, napakatigas ng ulo mo. Ako na nga anak. Kaya ko naman. Nakakapunta naman ako mag-isa sa doktor,” pagpupumilit ng kaniyang nanay.

“O sige ma, pero idadaan muna kita doon bago ako dumeretso sa pupuntahan ko ha tapos ipapasundo kita pag-uuwi ka na, okay?” bilin ng kanyang anak.

Tumango na lamang ang kanyang nanay at ‘di na nakipagtalo.

Nang dumating ang sabado, gaya ng kanilang kasuduan, inihatid ni Miles ang kanyang nanay sa clinic ng doktor.

Bumalik din siya agad ng kanyang kotse, at napansin na naiwan pala ng kanyang nanay ang maliit niyang bag. Kaya naman, agad siyang bumalik sa clinic para iabot ito sa kanyang ina.

Pero hindi niya inaasahan ang mga narinig habang siya’y nasa pintuan ng clinic ng doktor.

“Misis, kailangan niyo pong sabihin ito sa mga anak niyo. Dahil sooner or later, makikita rin po ito sa inyong pangangatawan. Hindi rin natin masasabi ang eksatong araw kung hanggang kailan nalang ang buhay niyo. Pero base po sa mga results, dahil sa bilis ng pagkalat ng sakit ay isa hanggang dalawang buwan na lamang po ang meron k-“ naputol ang pagsasalita ng doktor ng biglang bumukas anag pintuan ng kanyang clinic,

“Ha?! Anong dalawang buwan ma? Anong sakit?! Bakit hindi mo sinasabi sa’min to?!” naiiyak ng sambit ni Miles.

“A-anak,” yan na lamang ang nasabi ng kanyang ina. Hindi niya alam kung saan at paano niya sisimulang sabihin ang lahat.

Sa tulong ng doktor, agad naintindihan ni Miles na kakaunti na lamang ang araw na pwede niyang makapiling ang kanyang ina. Kaya minabuti niyang agad na ibalita to sa kanyang mga kapatid.

“Please, umuwi na kayo, hindi alam ni mama na ka-video call ko ngayon. Ayaw niyang makagulo sa buhay niyo dyan dahil alam rin niyang napakamahal ng pamasahe ng biglaang pag-uwi. Pero please lang, umuwi na kayo…” umiiyak na pagmamakaawa ni Miles habang kausap ang kanyang kapatid.

Nagawan agad ng paraan ni Mika at May na agad silang makauwi.

Laking gulat rin ng kanilang nanay nang biglang kumatok ang dalawa pa niyang anak sa kanilang pintuan.

“Surprise ma!” sigaw nila.

“Oh! Bakit kayo andito? Anong problema?” nag-aalalang tanong ng kanilang nanay.

“Ma naman, sinabi sa amin ni ate. Sana hindi mo nilihim to sa’min, sana nakauwi kami ng mas maaga,” sabi ni May.

“Alam ko kasi na ayaw niyo pang umuwi. Alam ko na maayos ang buhay niyo sa ibang bansa at magiging sagabal pa kung uuwi kayo ng wala sa oras..” malungkot na sambit ng kanilang nanay.

Doon nagising ang tatlong magkakapatid. Na kahit sa nalalabing araw ng kanilang ina ay kapakanan parin nilang magkakapatid ang kanyang inisiip.

Nagsisisi rin ang magkakapatid, lalo na si May, dahil kinakailangan pang humantong sa pagkakaroon ng malalang sakit ang kanyang ina bago niya bigyang pansin ang tumatanda nyang nanay.

Nakakalungkot man ngunit mahigit isang buwan lamang ay pumanaw na rin ang kanilang ina. Ngunit para sa kanilang nanay, ang kanyang mga nalalabing araw ang pinaka espesyal na mga araw para sa kanya dahil nakapiling niyang muli ang kanyang mga anak.

Mula rin noon ay mas pinahalagahan ng tatlo ang oras nila para sa pamilya kaya naman nag desisyon si May at Mika na umuwi na ng Pilipinas at mag negosyo na lamang rito. Mahirap man ang buhay ngunit mahalaga ay magkakasama silang pamilya.

Advertisement