Itinaboy ng Lalaki ang Kanyang Ina na Isang Matandang Bulag, Hindi Niya Kinaya ang Sakit nang Mabasa ang Liham nito
Galit si Jake sa mama niya dahil wala na itong ginawa kung hindi ang ipahiya siya. Bakit ba kasi ito pa ang naging mama niya? Isang bulag. Oo! may kapansanan ang mama niya kaya siya ang nagdurusa dahil dito. Palagi siyang tampulan ng tukso, “anak ng bulag” kung tawagin siya sa eskwela.
Mas nadagdagan pa ang galit niya nang pumasok itong katulong sa magulang ng kaklase niya.Gusto niyang kainin na ng lupa nang puntahan siya nito sa eskwela para dalhan ng baon at nakita ito ng kaklase niya, “Mama mo ang maid namin?” malakas na tanong ng mga ito at tinawanan siya.
“Anak sorry..wala naman kasi akong ibang alam na trabaho.. at wala ring kukuha sa akin dahil sa kondisyon ko.. mabuti at mabait ang magulang ni Carlo..” nanghihinang sabi nito sa kanya.
“Palibhasa ho kasi wala kayong pinag aralan kaya wala kayong makuhang trabaho, wala na kayong ginawa kundi ipahiya ako!” maluha luhang tumakbo si Jake papalayo.
Lumipas ang taon at nakatapos ng pag aaral si Jake , nakakuha ng magandang trabaho sa Ortigas at nagpakasal. Tuluyan niya nang kinalimutan ang mama niya na wala namang ibang ibinigay sa kanya. Hindi na siya umuwi sa probinsya nila dahil ayaw na niyang matawag na ‘anak ng bulag.’
Samantalang ang mama naman ni Jake ay hindi nakalimot, araw araw ipinagdarasal nito ang kaligayahan ng anak, isang araw ay nabalitaan nitong magkakaapo na siya.
Kay saya niya at bumyahe papunta sa Ortigas, kahit na hindi niya alam kung anong lugar at saan iyon. Wala namang ibang narating ang bulag na tulad niya kundi ang munti nilang baryo.
Mabuti at sinamahan siya ng pamangkin niyang si Oscar hanggang sa sakayan ng bus at nakiusap sa mga kondoktor na ihatid nalang siya sa address na nakasulat sa papel.
Gamit ang marupok na baston ay kakapa kapa ang matanda hanggang marating niya ang address. Sabik siyang mahagkan at makita ang apo,
Ngunit nawasak ang puso niya nang tumambad si Jake sa pintuan at sinabing “Umalis kana rito, hindi nila alam na buhay pa ang nanay ko! Nakakahiya ka talagang bulag ka tigilan mo na ako!”
Walang nagawa ang matanda, hindi niya inalam ang sasakyan pauwi dahil umasa naman siyang ihahatid siya ng anak.Wala siyang alam sa siyudad, naligaw ang matanda.
Nasagasaan ito at hindi na inabot ng buhay sa ospital.
Nang makarating ito sa kapatid ng matanda ay galit na galit ang babae, kaya pinuntahan nito sa bahay si Jake.
“Kung tungkol na naman ito sa matandang bulag, ayoko nang makarinig ng kahit ano. Di nyo ba nakikita na nagbagong buhay na ako?” paangil na sabi niya sa tiyahin.
“Alam ko. At wala na akong pakialam sa’yong bata ka. Basahin mo lang ang sulat ng mama mo dahil matagal niya itong itinago.” Yun lang at tumalikod na ang babae.
January 18,1988
Jake,
Mahal ko, siguro ay binata ka na habang binabasa mo ito o baka nga may pamilya ka na.Gusto ko lang malaman mo na love na love ka ng mama, kahit na ipinanganak kang bulag.Hindi iyon nakabawas sa pag ibig ko sayo anak. Wag kang mag alala, ilang araw na lang ay masisilayan mo na kung gaano kaganda ang mundo anak. Mundo na kaya kong ibigay para sayo, lahat para sayo. Kung bibigyan man ako ng pangalawang buhay, pipiliin ko pa ring ibigay ang mga mata ko sa’yo, pipiliin kong magdilim ang buhay ko, kung kapalit non ay liliwanag ang sayo. Wag na wag mong sisisihin ang sarili mo sa desisyon kong ito anak, at kung dumating ang oras na pabigat na ako sayo ay pagpasensyahan mo sana. Isinusulat ko ito dahil ito na ang huling beses na makakakita ako, bago tayo operahan. Mahal na mahal ka ng mama baby ko…
Iyon lang at parang gumuho ang mundo ni Jake, tumakbo siya papunta sa ospital pero huli na ang lahat…