Inday TrendingInday Trending
Itinakbo ng Babaeng Ito ang Pera sa Paluwagan ng mga Mababait na Kapitbahay, Ang Karma ang Humabol sa Kanya

Itinakbo ng Babaeng Ito ang Pera sa Paluwagan ng mga Mababait na Kapitbahay, Ang Karma ang Humabol sa Kanya

“Sandra, sasahod na tayo sa Biyernes ano?” tanong ni Aling Nimfa, isa sa mga kasali sa paluwagan na hinahawakan ni Sandra. Malaki ang tiwala sa kanya ng mga kapitbahay kaya nang sinabi niya na magbubukas siya ng paluwagan ay agad na sumali ang mga ito, magaling rin kasi siyang mangumbinsi. “Oo te.” simpleng sagot niya lang, itinatago ang isang ngisi, sa totoo lang kasi, Martes pa lang ngayon at bukas ay luluwas na siya sa Maynila. Naroon na ang asawa niya, at dalawang anak. Sapat na ang hawak niyang pera ng paluwagan para makapagsimula ng bagong negosyo roon. Hah! Mangmang talaga ang mga tao rito, ang daling utuin. Nasa 48 anyos na si Sandra at mayroong dalawang anak, isang nag aaral sa kolehiyo at isang nasa high school, ang asawa niya ay tricycle driver ngunit dahil mayabang ang lalaki at masama ang ugali ay maraming nakakaaway na kasamahan. Tumigil na ito sa pamamasada at umasa na lang sila sa paluwagan. Nasa 22 katao ang kasali roon at ang hulog nila ay 1400 sa dalawang linggo, pumapatak na 100 isang araw. Kung tutuusin ay maliit lang pero sa mga mahihirap na kasali ay malaki na ang halagang iyon, lahat sila ay umaasang maibabalik ang pera. 16,800 na ang total na naihuhulog ng bawat tao kay Sandra, anim na buwan na kasi ang kanilang samahan. Kinabukasan, maagang umalis ang babae sa probinsya para wala nang makapagtanong sa kanya kung saan siya pupunta, malaya siyang nakaalis sa lugar na iyon. Hindi pa mainit ang araw ay nasa Maynila na siya, agad niyang niyaya ang mag-aama na kumain sa mamahaling restaurant para sa almusal. Biyernes na at ilang beses nang tumatawag ang mga kapitbahay sa cellphone ni Sandra pero di niya sinasagot iyon, nang makulitan siya ay sinubukan niyang sagutin ang tawag mula sa may edad na kapitbahay pagdating ng Sabado. “Hello?” iritableng sagot ni Sandra. “S-Sandra? Si Ate Mely mo ito, kahit wag mo nang ibalik ang lahat, kahit kalahati lang sana. N-Nasa ospital ang anak ko at wala kaming panggastos, iyan lang ang inaasahan ko Sandra.” umiiyak na sabi nito sa kabilang linya. Binabaan niya lang ang babae at walang pakialam na ipinikit ang kanyang mata, narito siya ngayon sa isang beauty salon at nagpapa-pedicure. Mabilis lumipas ang mga araw at taliwas sa plano ng mag-asawa, hindi sila nakapagpatayo ng negosyo. Mabilis naubos ang pera dahil sumobra sila sa paggasta, araw araw sila sa mall na akala mo ay di na mauubos pa ang hawak na salapi. Pag uwi ni Sandra ay agad niyang hinanap ang panganay na anak, alam niya kasing walang pasok ang dalaga ngayon. Pero ganoon na lang ang gulat niya nang maabutan itong nakahandusay sa kusina, nang dalhin nila sa doktor ang dalaga ay sinabi nitong may sakit na leukemia ang kanyang anak, isang uri ng cancer sa dugo. Wala nang natirang pera si Sandra, at kung sinu sino ang nilapitan niya para lang mapagamot ang anak. Habang nasa ospital ay hawak hawak niya ang kamay ng nanghihinang dalaga, alam niya sa sarili na ito na ang kanyang karma. Ngayon imbes na malalapitan niya ang mababait na kapitbahay ay walang kahit na sino ang tumutulong sa kanila, kung hindi sana siya nanloko ng kapwa, hindi siguro nangyayari ang lahat ng ito ngayon. sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement