Inday Trending

Inday Trending

Napagbintangang Miyembro ng Budol-Budol Gang ang Dalagang Ito Kaya’t Gumuho ang Kaniyang Mundo; Sa Teatro Niya Lamang Pala Muling Mahahanap ang Sarili

Napagbintangang Miyembro ng Budol-Budol Gang ang Dalagang Ito Kaya’t Gumuho ang Kaniyang Mundo; Sa Teatro Niya Lamang Pala Muling Mahahanap ang Sarili
InspiringStoriesSuccess

Kakagraduate lamang niya noon ng high school sa kanilang lugar. Mainit at matayog ang kaniyang pangalan dahil nagkapagtapos ito na may kasamang mga parangal.

Presidente rin siya ng ibat-ibang organisasyon sa kanilang eskwelahan. Sumali at nanalo sa ibat-ibang patimpalak, pagandahan, patalinuhan o labanan ng talento. At may mga poster din ang dalaga sa kanilang lugar na galing sa mga pulitikong bumabati . Kilalang-kilala ang dalaga sa maganda at postibo nitong katangian.

Siya si Ashley Bartolome ang naging biktima at napagbintangang kasali sa budol-budol gang na mainit na pinag-uusapan sa kanilang lugar.

Tandang-tanda pa ni Ashley ang mukha ng babaeng nambiktima sa kanya noong Abril 7, 2006.

“Hija, ikaw ba ‘yong nasa poster na iyon?” Wika ng isang ale sa dalaga na noo’y naghihintay ng jeep na masasakyan.

Likas na mabait ang bata, kaya naman kinausap niya ito agad. “Ay nakakahiya naman po, nakilala niyo ako? Opo ako nga po yan.” Nahihiyang sagot ng dalaga sa ale.

“Sakto naman hija, papunta kasi ako ngayon sa school niyo at hahanapin sana kita. Balita ko magaling ka raw kasing mag-host. Kukunin sana kita sa darating na teacher’s day sa aming eskwelahan.” Sabi ng ale.

“Ay talaga po ba? Sige gusto ko po ‘yan, kailan at saan po ba?” Sagot naman agad ng bata sa ale.

“Tsaka na natin pag-usapan yun. Punta muna tayo sa school niyo, patingin naman ako ng faculty room niyo, balita ko raw maganda.” Wika ng ale, sabay hawak nito sa dalaga.

“Ahh sige po, tara.” Masunuring sagot ni Ashley.

At nagpunta sila sa eskwelahan, sabay na pumasok ang mga ito at tila nakayakap na halos ang ale sa bata na para bang siya ang ina nito.

At nang makarating sila sa faculty room, inutusan ng ale si Ashley na bumili ng meryenda sa labas. “Hija, itong 1,000 ohh bili ka ng makakain natin, tapos sa iyo na ‘yang sukli.” Utos ng ale.

Walang kaimik-imik ay lumabas naman si Ashley ng building at bumili ng foot long sandwich at mango shake.

Image courtesy of www.google.com

“Ashley, yung tita mo umalis na.” Wika ni Mang Nestor sa kanya, ang guard na nakaduty ng mga oras na iyon.

“Ha? Tita? Sino pong tita ang sinasabi niyo Mang Nestor?” Nagtatakang tanong nito..

“Yung kasabay mo kanina pagpasok dito. Mukhang ang bigat nga noong bag niya, pero nagmamadali ito. May emergency daw.” Sagot ni Mang Nestor kay Ashley.

“Hindi ko po ka ano-ano iyon Mang Nestor, samahan niyo nga po ako faculty room.” Kinakabahang wika ni Ashley.

Pagdating nila sa faculty room, limas ang mga gamit ng teachers doon, nawala ang mga laptops at ilang bags. Mabilis ang mga pangyayari.

Image courtesy of www.google.com

Pinatawag ang principal at dinala si Ashley sa Police. Umiiyak lamang ang bata at paulit-ulit na sinasabing, “Hindi ko po talaga kilala ‘yon, hindi ko rin po kamag-anak at mas lalong hindi po ako kasabwat.” Humahagulgol na pahayag ni Ashley.

At ayon sa analisasyon ay itinuring na kasabwat ng ginang si Ashley. Siya raw ang naging daan upang maisagawa ang pagnanakaw kahit pa ito ay hindi niya kilala.

At dahil menor de edad si Ashley noon ay hindi siya ikinulong bagkus ay ipapadala raw siya sa rehabilatation center ngunit nakiusap ang ina nito na babayaran na lamang ang kalahating halaga sa mga nawala, ‘wag lang kunin sa kanila ang anak niya.

Mabuti na lamang ay pumayag ang eskwelahan at tuluyang nakapagaral ng kolehiyo si Ashely makalipas lamang ang ilang buwan.

“Ma, sorry ulit ha. Hangang ngayon may utang pa rin tayo dahil sa akin.” Umiiyak na sabi ng dalaga sa kanyang ina na si Aling Tina.

“Anak, wala kang kasalanan. Wag mo nang isipin pa ‘yong insidenteng iyon. Tsaka yung pera kikitain ulit namin yan ng tatay mo, pero yung di ka namin makasama at ituring na masamang tao e mas masakit sa kalooban ko.” Paliwanang ni Aling Tina sa anak habang hinahaplos ang likod nito.

“Hindi naman kasi pala ako matalino, bobo ako mama. Tanga ako. Inutil. Nagtiwala agad, nagpabaya at nagpaloko.” Hagulgol ng bata sa kanyang ina.

Simula noon ay napakalaki ng ipinagbago ng bata. Hindi na lumalabas ng kwarto, hindi na ngumingiti o di kaya’y sumasali sa kahit anong organisasyon. Naging sobrang kabaligtaran ng ugali niya noong siya’y nasa high school pa lamang.

Hanggang isang araw, naglalakad siya papasok ng unibersidad ng may inabot na papel sa kanya sa may entrance. Mga estudyanteng naghahanap ng bagong miyembro sa kani-kanilang organisasyon.

“Audition Now! Ipakita ang iyong talento. Sa amin ikaw ay panalo kaya sali na sa aming teatro.” Nakasulat sa papel na inabot sa kanya.

At dahil good mood naman ang dalaga, sinubukan niyang mag-audition.

“Ganito Ashley, kunwari may ibabato akong malaking bola sa iyo, paano mo ito sasaluhin?” Tanong ng isang binata na naroon sa booth na nilapitan niya.

At ibinato na ang isang gawa sa imahinasyong malaking bola, sinalo ito ni Ashley ng buong lakas. Ihinagis niya ang kanyang bag, itinupi ang long sleeves nito sabay salo habang nakabukang maigi ang mga binteiniya.

Bigay emosyon ang dalaga kaya naman nagpalakpakan ang mga taong nasa paligid nito at natangap siya sa teatro.

Image courtesy of www.google.com

Nag simulang muli si Ashley sa pagbuo ng tiwala niya sa sarili. Umaattend ito ng mga trainings at workshops sa pagpapalakas ng emosyon at pagkatao ng bawat karakter na kanyang gagampanan. Natutunan din niyang makipagkaibigang muli at magtiwala.

“Mga mata kong kay lungkot. Puso kong parating kumikirot. Pagkatao kong linimot. Ako si Ashley na puno ng takot.

May mga aral na sa aki’y sumubok.Mga aral na minsan akong dinurog.Mga aral na hanggang ngayon kumikirot.At yun ang mga aral na di ko na malilimot.

Ngunit binigyan niyo ako ng liwanagPag-asang ngayo’y aking naaaninagSalamat sa entablado at sa teatro.Ang bagong Ashley, ito na ako.”

Tulang ginawa ng dalaga at solong itinanghal sa entablado na may ngiti at kumpyansa.

More Stories