Pinagsusuntok ng Bangag na Binata ang Nakita Niyang Tikbalang, Nang Mahimasmasan Siya ay Napaiyak Siya sa Nagawa
Bata pa lamang si Rene ay ang lolo niya na ang nagpalaki sa kanya. Wala siyang masyadong ideya tungkol sa mga magulang niya, hindi rin naman kasi siya interesado dahil iniwan na nga siya ng mga ito diba? Okay na siya sa buhay niya, basta nariyan ang kanyang lolo Damian.
Ang matanda ang tumayong nanay at tatay niya, sa pamamagitan ng pagtitinda ng puto bumbong at bibingka ay nabuhay siya nito.
“Apo kumuha ka nga muna ng margarine dyan, makikiabot na rin ang dahon ng saging. Ubos na itong narito,” sabi ng lolo niya. Ang kamay nito ay punong puno ng bumbong kaya hindi ito makakilos. Kahit na hindi Pasko ay dinarayo sila ng mga bumibili dahil mabait ang lolo niya at magaling makisama.
“Ako rin lolo, pasubok po,” sabi ni Rene.
“Mamaya apo ha, tuturuan kita. Unahin muna natin ito naghihintay kasi ang customer,” nakangiting sabi ng matanda.
Sobra ang close nilang dalawa, pero nagbago ang lahat ng iyon pagtungtong ni Rene sa highschool. Maling barkada kasi ang nasamahan niya, palagi siyang nasusulsulan ng mga ito na iba pa rin kung nanay at tatay niya ang kasama. Dito rin siya natutong mag-bisyo, naninigarilyo na siya at umiinom. Kadalasan ay hindi siya umuuwi dahil nakatambay sila sa abandonadong bangko at doon ay nagra-rugby.
“Putang *na, bitin ako sa tama ng hayop na ‘to,” sabi ni Rene habang nakatulala. Para kasing wala nang epekto sa kanya ang rugby. Tatawa tawa namang nakatingin lang ang apat na tropa niya.
“Na-try mo na ba ang tobats?” tanong ni John Paul.
Takang nakatingin lang naman si Rene at medyo naguguluhan kung ano ang tinutukoy nito.
“Ano’ng tobats?”
“Gunggong, bato! Shab! Drga!” sabi nito.
“Di ba mahal yon? Wala akong budget tol. Kita mo nga tong pang-rugby natin hirap na hirap pa akong ipunin. Tang*na kasing buhay to,”
Dumura muna ang kaibigan niya bago nagsalita, “May kilala ako, si Tetet. Nagpapautang yun ng tobats, tara?”
Dahil hindi pa nasusubukan ay pumayag si Rene at tinungo na ang sinasabi ng kaibigan. Ilang sandali pa ay humihithit na sila at kapwa naaapektuhan na.
“Uwi na ko ‘tol,” bangag na sabi niya, ngiting ngiti at pulang pula ang mga mata.
Tumatawa pa siya at nagsasalitang mag isa dahil sa epekto ng tinira nila, nasa loob na siya ng bakuran nila at isasara na ang gate nang paghawak niya sa bakal ay isang mabalahibong kamay ang dumampi sa palad niya.
Napapitlag siya at naialis ang kamay, dali dali siyang tumakbo sa loob pero ramdam na ramdam niyang may sumusunod sa kanya.. at hindi iyon tao.
Sana pala ay naniwala siya sa mga kwento ng lolo niya noong bata pa siya tungkol sa tikbalang dahil tila iyon ang humahabol sa kanya ngayon. Katawan ng lalaki pero kabayo ang ulo, namumula ang mata nito at tumutulo ang laway.
“L-lo, Lolo!” tawag niya. Ayaw niyang lumingon dahil alam niyang nasa likod niya lamang ang nilalang.
Walang sumasagot sa kwarto ng lolo niya. Hindi kaya..
“Hayop ka! Ano’ng ginawa mo sa lolo ko?!” sigaw niya. Oo at bulakbol siya pero mahal niya ang matanda at hindi niya mapapatawad ang kahit na sino’ng mananakit rito.
Hindi sumasagot ang tikbalang at nanlilisik lang ang mata sa kanya. Nilapitan ito ni Rene, nawala lahat ng takot niya at pinagsusuntok ito. Hindi siya tumigil hanggang hindi niya nakikitang duguan ang halimaw.
“Hay*p ka tarantado ka di ako takot sa’yo!” bulyaw niya paulit-ulit.
Natauhan lang siya nang magsalita ang tikbalang.
“A-Apo.. tama na..” sabi nito.
“Apo?..Lo?!” gulat na gulat na sabi niya, kinusot kusot niya ang mata at nagulat siya nang makita ang matanda sa ilalim niya. Nangingitim ang gilid ng mata nito at halos nakapikit na, putok ang labi at hindi na makahinga.
“Lolo!” natatarantang binuhat niya ang matanda at isinugod sa ospital.
Sising sisi si Rene sa nangyari. Dahil sa pagtira niya ng ipinagbabawal na gamot ay nag iba ang tingin niya sa lolo niya, akala niya ay halimaw ito na pinagsusuntok niya. Hinding hindi niya mapapatawad ang sarili.
Awa ng Diyos ay nakaligtas ang matanda, nang umigi na ang pakiramdam nito ay si Rene na ang nagprisinta na pumasok sa rehab. Nais niyang magsimula ulit ng bagong buhay.
Utang niya ang lahat sa lolo niya at dahil sa pagkaligaw niya ng landas ay nalagay pa sa alanganin ang buhay nito. Pagkalabas ni Rene sa rehab ay nag aral siyang mabuti at naka-graduate.
Ngayon ay masayang masaya silang maglolo na nagpapagawa ng maganda at malaking bahay.
“Salamat apo, ni minsan di ko inisip na makakatira ako sa ganito,” naluluhang sabi ni Mang Damian.
“Hindi ho lolo, salamat. Kung hindi dahil sa inyo, wala ako sa mundo,”