Inday TrendingInday Trending
Isang Lalaki ang Nakapulot ng Isang Lumang Pitaka, Ito Pala ang Magiging Daan Upang Muling Magkita ang Dating Nagmamahalan

Isang Lalaki ang Nakapulot ng Isang Lumang Pitaka, Ito Pala ang Magiging Daan Upang Muling Magkita ang Dating Nagmamahalan

Naglalakad si JM pauwi isang gabi, nang makapulot siya ng isang wallet. Pinulot niya ito at tiningnan ang loob kung may ID ba o kahit na anong contact number para matawagan niya ang may ari at maisauli ito. Pero wala itong ibang laman kung hindi isang 50 pesos, at isang sobre na parang napakatagal na panahon nang naroon. May punit sa mga gilid gilid ang sobre , sa unahan nito ay may nakasulat na address ng nagpadala. Binuksan niya ang sobre at tumambad sa kanya ang isang nakatuping papel na nang kanyang tingnang mabuti ay isa palang liham, nakaipit rito ang isang larawan, na sa tingin niya ay kuha noong taong 1949. Babaeng babaeang pagkasulat ng mga letra sa papel na kahit luma na ay masasabi mo paring kulay asul. May bulaklak ito sa bandang gilid. Ang sulat ay para sa lalaking nagngangalang ‘James’, sinasabi rito ng nagpadala na hindi na sila maaaring magkita pa dahil hadlang ang kanyang ina sa relasyon nila ni James. Ngunit kahit na gano’n, sabi niya ay palagi niya pa ring mamahalin ang lalaki. Nagmamahal, Connie. Kay ganda ng liham na ito, yun nga lang ay wala nang iba pang detalye na tutulong sa kanyang matunton ang may ari ng wallet, bukod sa mga pangalang James at Connie, ni hindi rin niya alam ang apelyido ng mga ito. Nagbakasakali si JM na tumawag sa PLDT at ibigay ang address na nakasulat sa labas ng sobre, baka may number silang maibigay sa bahay na iyon. “Hello? Medyo kakaiba kasi ang hihilingin ko, ganito kasi yan.. nakapulot ako ng wallet, pwede bang makuha ang telephone number sa address na nakasulat sa labas ng sobre?” Sinabi ng babae sa kabilang linya na kakaiba nga ang hiling ni JM atmas mabuting kausapin nitoang kanyang supervisor para kumpirmahin kung pwede ba nilang pagbigyan ang pakiusap. “Sir, may telephone number nga po ang address. Pero hindi ko po kasi pwedeng ibigay sa inyo yun, for confidentiality purposes.Sorry po sana naiintindihan nyo.” sabi ng supervisor kay JM. Idinagdag pa nito na pwede naman nilang tawagan ang kabilang linya, ipaliwanag ang sitwasyon ni JM at kung pumayag ang may ari ng address ay ipapakausap na ito sa kanya, kung sakaling makakatulong iyon. Naghintay ng mga ilang minuto si JM bago bumalik ang supervisor, “Sir payag na po yung may ari ng number na kausapin kayo, ita-transfer ko na po ang tawag.” Sumagot kay JM ang isang may edad na babae, tinanong niya ito kung mayroon bang nakatirang Connie sa bahay nila. “Ah! Binili ng magulang ko itong bahay 30 years ago, ang alam ko, ang mag asawang nagbenta nito ay may anak na ang pangalan ay Connie.” sabi nito. “Alam niyo ho kaya kung nasaan na ang pamilyang yon ngayon.?” tanong ni JM. “Ang huling balita ko sa kanila, nasa home for the aged na si Connie ngayon, may numero ako ng telepono no’n pero hindi ko alam kung napalitan na ba.” At idinikta nito ang number ng Home. Nagpasalamat si JM sa ginang at tinawagan naman ang Home. Nakailang ring rin bago may sumagot, Nakapag isip isip tuloy siya,Ano naman kayang katangahan ito? Bakit siya nagpapakapagod dahil lang sa walang kwentang wallet na may lamang 50 pesos at lumang liham? Ano ba ang pakialam niya rito? “Oo, nandito sa amin nakatira si Connie.” sabi ng nurse sa kabilang linya, ayaw mang aminin ni JM ay tila na-excite siya sa balitang iyon. Sa wakas maibabalik na niya ang wallet, kay Connie man ito o kay James. Kahit alas diyes na ng gabi ay nagsabi siya sa nurse kung maari bang bisitahin ang matandang babae. “ahh, kung gusto mong subukan ayos lang naman.. siguro gising pa siya ngayon at nanonood ng TV.” nag aalangan ang nurse pero pumayag rin naman. Nagpasalamat si JM at dali daling pumunta sa Home. Isang nurse at guard ang sumalubong sa kanya sa gate, umakyat sila sa ikatlong palapag, at doon ay nakilala niya si Connie. Isang mabait, at palangiting matanda. Puti na ang mga buhok nito, meron siyang napakatamis na ngiti at kislap sa mga mata niya. Nang makita ng matanda ang sobre ay nanlaki ang mata nito, huminga ng malalim at nagsalita,”Toy, alam mo bang iyan ang huling contact ko kay James.” Ibinaling niya sa iba ang paningin, at nagsalita ulit, sa isang mahina ngunit punung puno ng pagmamahal na boses. “Minahal ko siya, kaya lang ay, alam mo na,16 years old laang kami noon. Syempre ayaw ng nanay dahil napakabata ko pa, kamukha iyan ni Gregory Peck eh, iyong artista noong araw.. Si James Cuerpo.. mabuting tao iyan. Kung, kung alam mo kung nasaan siya pakisabi mo naman sana na palagi ko pa rin siyang iniisip.” Parang nahihiya sa pag amin at nakagat ng matandang babae ang labi niya, “Pakisabi mong mahal ko pa rin siya, at .. alam mo, hindi na ako nakapag asawa, siguro ay walang tumumbas sa nararamdaman ko sa kanya.” Nakaramdam ng lungkot si JM dahil asang asa ang matandang babae, nagpaalam nasiya at nagpasyang umuwi. Bukasniya na ipagpapatuloy ang paghahanap. “Natulungan po ba kayo ng matanda?” tanong ng guard habang palabassiya ng elevator. “Oo, kahit paano, nakuha ko ang apelyido ng hinahanap ko. Pero bukas ko na siguro itutuloy to. Buong gabi na akong naghahanap sa may ari nito.” at itinaasni JMang wallet para ipakita sa guard kung ano ang tinutukoy niya. “Uy ser! Kay Mr.Cuerpo ‘yang pitaka. Alam ko yan, may pulang design sa unahan, palagi niyang nawawala iyan eh. Napupulot ko lagi sa hallway, siguro tatlong beses na. ” sabi ng guard habang nanlalamig ang kamay ni JM “Sinong Mr.Cuerpo?” Para naming naghihintay siya ng sasabog na bomba dahil sa sobrang antisipasyon. “Isa ho sa matatandang alaga naming ditto, taga 8th floor. Sigurado akong kanya yan, baka nahulog habang naglalakad lakad siya sa labas.” Nagpasalamat si JM sa guard at muling tumakbo papunta sa nurse’s office. Sinabi niya sa nurse ang naging pag uusap nila ng guard, sinamahan naman siya nito sa 8th floor. Iyon na yata ang pinakamatagal na pagsakay niya ng elevator. Nagdarasal siya na sana, sana iisang James Cuerpo lang ang narito sa Home at ang hinihintay ni Connie…sana talaga. Pagdating nila sa 8th floor ay sinamahan siya ng nurse sa nag iisang kwartong bukas ang ilaw. “Siguro ay nagbabasa pa siya, mabait ang lolong yon.”sabi ng nurse bago buksan ang pinto,at naroon nga, isang matandang lalaki ang nagbabasa. Matangkad ito, at moreno. Masasabing gwapo nga ito lalo na siguro noong kabataan niya,kitang kita ang makapal na kilay at matangos na ilong. Aakalain ring suplado ito dahil seryoso ang mukha, na napalitan naman ng ngiti nang makitang may mga bisita. “Good evening po Mr.Cuerpo. Nakapulot kasi ng wallet ang binatang ito at naisip lang naming na baka kayo ang may ari?” tanong ng nurse. Kinapa ng matanda ang bulsa sa likod ng pantalon at nanlaki ang mga mata, “Oo nga! nawawala ang pitaka ko!” Iniabotni JMsa kanya ang wallet at huminga ng malalim ang matanda, halatang lumuwag ang kalooban. “May sasabihin po sana ako, nabasa ko kasi yung sulat dyan sa loob..”nananantyang panimula ni JM. “Binasa mo?” sa halip na magalit ay nakitani JM naparang nahiya ito. “hindi ko lang binasa.. kundi alam ko pa kung nasaan po si Connie.” nakangitingpahayag ni JM. “S-si Connie? alam mo kung nasaan? Maganda pa rin ba siya.. katulad noong dati?” bakas sa mukha niya ang pananabik. “Mabuti naman siya, at oo … kasing ganda noong hulinyo siyang nakita.” Ngumiti ang matanda,” Pwede mo bang sabihin sa akin kung nasaan siya?Gusto ko sanang tawagan siya bukas.” Hinawakan ni James ang kamay ni JM, at muling nagsalita. “Alam mo kasi anak, masyado kong minahal ang babaeng iyon.. kaya naman nang iwan niya ako ay parang natapos na rin ang buhay ko, hindi na nga ako nakapag asawa, siguro ay ganoon ko siya kamahal.” “Halika po.” sabini JMat inakay niya ang matanda, na kahit naguguluhan ay sumunod naman. Bumabasila sa 3rd floor at naglakad patungo sa kwarto ni Connie. Naunang nagsalita ang nurse, “Connie…” Lumingon ang matandang babae, “Kilala mo ba siya?” tanong ng nurse, at nakaturo kay James. “Connie..si James ito.Naaalala mo pa ba ako?” halos pabulong na sabi ng matandang lalaki. Inayos ni Connie ang salamin at nanlaki ang mga mata, “James! Totoo ba ito? Ikaw nga ba yan? James ko!” Lumapit si James kay Connie at nagyakap ang mga ito. Lumabas na ng kwarto ang nurse at si JM habang luhaan ang kanilang mga mata dahil sa nakakaantig na kwentong nasaksihan. Matapos ang isang lingo ay nakatanggap ng tawag si JM dahil imbitado siya sa isang kasal sa Home for the Aged. Ano ang masasabi ninyo sa kwentong ito? sa ibaba. Para sa mas maraming updates, I-like lamang po ang aming Facebook page.

Advertisement