Walang Pusong Tinanggal sa Trabaho ng Lalaki ang Dalaga Dahil sa Sobrang Istrikto Nito; Isang Malagim na Trahedya Pala ang Naghihintay Sa Kaniya

Walang Pusong Tinanggal sa Trabaho ng Lalaki ang Dalaga Dahil sa Sobrang Istrikto Nito; Isang Malagim na Trahedya Pala ang Naghihintay Sa Kaniya

KarmaMysteryStories

“What the f*ck is wrong with you?! Ano ‘to? Mali na naman ‘tong mga gawa mo! Napakawalang kwenta!” galit na galit na sigaw ni Daniel.

Maririnig na naman ang sigawan sa loob ng office ni Sir Daniel. Hindi na ito bago sa ibang empleyado dahil halos araw-araw may sinesermunan ang lalaki sa loob ng kanyang office.

Si Daniel ang manager nang department na may top performance sa kanilang kompanya kaya naman sobrang istrikto niya at ayaw niyang madungisan ang pangalan ng department nila. Kinakakatakutan siya sa kanilang departamento dahil sa kaunting pagkakamali ay makakatikim ka ng hagupit niya at kung sa kasamaang palad ay masisipa ka palabas ng kompanya. 

“I’m sorry sir,” nakatungong sagot ng empleyadong si Marie. Aminado naman ang babae na may ilang pagkakamali siya. Baguhan lamang kasi siya at kakagraduate lang ng kolehiyo.

“Sorry?! I don’t need your sorry! Ang kailangan ko ay 100% performance evaluation mo by next week! Understand?!” malakas na sigaw ng lalaki. Rinig na rinig ito hanggang sa labas.

“Yes sir,” nakatungong sagot ng dalaga sa galit niyang boss.

“Wait. Are you crying? If you want to cry, doon ka sa inyo umiyak! Hindi namin kailangan ng balat sibuyas dito. Wala akong pakialam kung may problema ka kung saan man! Hindi ko kailangan ng excuses! Kailangan ko ng magagandang results!” walang awing sigaw pa ni Daniel sa dalaga.

“Y-yes sir. I understand, I will do my best next time,” sagot ng dalaga habang patuloy na nagpupunas ng luha at inayos ang sarili.

“Well, I hope you do. ‘Cause this will be your last chance,” mariin na saad ni Daniel sabay talikod sa dalaga at humarap sa kanyang computer.

Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay umalis na si Marie at dumiretso sa CR at doon ibinuhos ang kanyang sama ng loob. Umiyak siya nang umiyak hanggang sa mapagod siya sa kaiiyak.

Matapos ang isang linggo ay muling nagharap si Daniel at Marie. Kabado ang babae dahil hindi nagsasalita ang manager at nakatitig lamang ito sa kanya. Lumipas ang ilang minuto at nag salita nag salita na ang kanyang leader.  

“So how do you think you did last week?” seryosong tanong ng lalaki sa dalaga.

“I-I’m not so sure Sir, but I’m hoping I did great,” sagot ng dalaga sa manager niya.

Inabot ng ni Daniel sa dalaga ang ang isang folder na naglalaman ng evaluation niya tungkol sa performance niya sa kompanya. Tiningnan niya ang laman nito at halos tumalon sa tuwa sa nakita.

“I got 95% sir!” masayang pahayag ng dalaga. May kaunting pagkakamali lamang ngunit mataas na ito kumpara sa iba niyang nakuha noon.

“It’s not enough!” sigaw ni Daniel na ikinagulat naman ng dalaga. Biglang nawala ang ngiti sa kanyang mga labi.

“I didn’t ask you to give me a 95% I asked you to give me a 100% sa next evaluation mo ‘di ba?!” galit na bulaw niya sa dalaga. Mabilis na naglaglagan ang ang mga luha ni Marie nang iniabot ng lalaki ang termination paper.

“S-sir please! I-I need this job. Please I’ll do better next time. Please! I’ll improve myself!” pagmamakaawa pa ng dalaga habang humahagulgol.

“Don’t make a scene here! Stop crying! Crying won’t change a thing anyway! ‘Wag mo na akong pahirapan at pirmahan mo na ang bwiset na papel na yan!” inis sigaw ni Daniel. Tumitig lamang ng masama ang dalaga sa kanyang leader.

“Oh? Tititig ka lang dyan? May problem ka?” galit na sigaw ni Daniel.

“Oo, ikaw!” Agad na pinirmahan ng babae ang papel at galit na lumabas ang babae sa kanyang office.

“At ikaw pa ang galit?!” sigaw ni Daniel sa dalaga bago pa ito tuluyang makalabas.

Kinabukasan ay maagang pumasok si Daniel sa trabaho. Wala kasi siyang pamilya kaya naman sa trabaho lang umiikot ang buhay niya. Binuksan niya agad ang kanyang computer at agad na tinignan ang emails at mga memo niya. Natigil lamang ito ng makaramdam siya na may tao sa likod niya kaya agad naman siyang lumingon. Nagulat ito nang makita si Marie.

“Oh what are you doing here?!” pagalit na tanong niya upang maitago ang gulat niya. Nguni’t nakatingin lamang ang dalaga sa kanya.

“Well, do you need something?! Come on! I don’t have all day! Wag mo ubusin ang oras ko!” galit na sigaw ng niya. Nakakakilabot lamang na ngiti ang isinukli ng dalaga at naglakad na ito papalayo.

Napatingin naman sa kanya ang manager ng kabilang department na si Mark at tinanong siya kung ayos lang siya. Tumango lamang siya bilang sagot sa tanong ng katrabaho. Agad din siyang humarap sa kanyang computer at pinipilit na ikalma ang sarili.

“Oh by the way, I’ve heard about Marie. It must’ve been really hard for you,” malumanay na pahayag ni Mark.

“Who? Marie? She got what she deserved,” Walang interes na sagot ni Daniel.

“What?! How can you say that?” hindi makapaniwalang sagot ni Mark. May halong galit ang pagkakabigkas ni Mark sa mga salitang binitiwan niya. Napalingon si Daniel sa kausap dahil sa tono nito.

“What’s the problem? You know how I work. Kung hindi nila kayang ibigay maging the best ay hindi sila nararapat sa aking team. I worked really hard to be number 1 kaya hindi ko kailangan ng magpapababa ng rank ko sa kompanyang ito,”sagot ni Daniel.

“What? I’m not talking about that,” nalilitong sagot ni Mark.

“Wait… Oh my God! No one told you yet?!” hindi makapaniwalang saad ni Mark.

“What? Ano bang meron? Come on, tell me!” halos sumigaw na sabi ni Daniel kay Mark.

“Well… I don’t want to be the one to tell you this, but I guess I have no choice…” huminga ng malalim si Mark, “Marie… she k*lled herself. Nahanap yung katawan niya sa CR dito. Naglaslas siya,” malungkot na balita ni Mark sa nangyari sa dalaga.

Natulala na lamang si Daniel sa sinabi ni Mark. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. Ang babaeng kanyang nakausap niya lamang kahapon ay wala na ngayon.

Napatulala na lamang sa gulat si Daniel. Hindi malaman ng lalaki kung ano ang gagawin, halo-halong emosyon ang nararamdaman niya.

Lumabas muna ang siya sa kanyang opisina upang pumunta sa banyo. Naghilamos muna siya upang mahimasmasan ng kaunti. Nakatingin siya sa sarili sa salamin habang iniisip kung ang pagpapatalsik ba niya sa dalaga ang dahilan ng pag papatiwak*l ni Marie? Nagulat ang lalaki ng may sumagot sa kaniyang likuran.

“Oo… oo ikaw nga…“ sa gulat ay napatakilod agad ito at nanlalaki ang matang tumingin sa kanyang likuran.

“Wala kang ginawa kundi gawing impyerno ang buhay ko. Ngayon, ipatitikim ko sayo ang totoong impyerno!” tumakbo ang babae patungo sa kanya. Rinig na rinig ni Daniel ang tunog ng nababali nitong leeg at dumudugong bibig at kung paano ito maghabol ng hininga.

Sa takot ni Daniel ay tumakbo ito palabas ng CR at dali-dali siyang papasok sa kanyang opisina, ngunit nakita niya na sinusundan siya ni Marie habang gumagapang. Hindi niya malaman ang gagawin dahil parang kahit saan siya magpunta ay matutunton pa rin siya ng dalaga.

Wala nang tao sa paligid dahil oras na ng trabaho, kaya naman nasa sariling station na ang mga agents. Wala namang makarinig sa kanya dahil soundproof ang mga room doon.

Unti-unti nang nawawalan ng pag-asa si Daniel nang makitang duguan na rin ang mga sahig na ginagapangan ni Marie. Umiiyak na siya sa takot at hindi na makatakbo ng maayos.

Parang natanggalan siya ng tinik sa dibdib nang makita ang fire exit sign sa dulo at may pintuan palabas. Laking pasasalamat niya na makakatakas na siya sa babaeng gustong maghigante sa kanya. Sa sobrang bilis tumakbo ni Daniel ay hirap na pigilan nito ang sarili at pumreno, kaya naman pag kabukas ng pinto ng fire exit ay tuloy-tuloy ang pagtakbo ng niya, hindi niya alam na ang fire exit na ‘yun ay bakal na hagdanan lamang sa gilid ng building.

Ang akala niyang fire exit ay ang hagdan na may pader na tatakbuhan pababa. Nanlaki ang mata ng lalaki dahil hindi na niya napigilan ang sarili sa pag takbo. Nasa 15th

Naging mabilis ang pagbagsak niya habang nakatingin sa taas. Bali-baling buto at basag na ulo ang natamo ni Daniel. Bago bawian ng buhay ang lalaki ay parang narinig niya sa kanyang isip na bumulong si Marie na nakikita niya noon na nakatingin sa kanya sa 15th floor fire exit.

“Hihintayin kita sa dilim,” nakangiting sabi ng dalaga.

Napag-alaman na si Marie na lamang pala ang bumubuhay sa kanilang dalawa ng kanyang ina. Binawian ng buhay ang ama ng dalaga noong nakaraang taon lamang dahil sa isang aksidente.

Hindi pa man nakakaraos sa pagkawala ng ama ay siya namang nagkasakit din ng malubha ang ina at noong oras na sinesante ang dalaga ay nasa ICU na ang ina at nag-aagaw buhay.

Sinabi ng ospital na kung hindi ito makakabayad nang araw na iyon ay tatanggalan na ng mga tubo na bumubuhay dito. Dala ng matinding pag-iisip, depresyon, at galit ay hindi na nakayaan ng dalaga at pinili na lamang na tapusin ang buhay nito. Mas pinili niya na lamang na tapusin na ang paghihirap niya dito sa mundong ibabaw at sumunod sa kanyang mga magulang.

More Stories