Inday TrendingInday Trending
Tuwang Tuwa sa Pamboboso ang Lalaki, Nangilabot Siya Nang Makilala Kung Sino ang Dalagang Binobosohan

Tuwang Tuwa sa Pamboboso ang Lalaki, Nangilabot Siya Nang Makilala Kung Sino ang Dalagang Binobosohan

Dahil pagod sa trabaho, agad na umuwi si Alvin isang Biyernes ng gabi upang makapagpahinga na sa kanyang apartment. Masakit ang kanyang ulo kaya naman hindi na siya sumama sa mga kaibigang nagyayaya pang lumabas upang magkainan at mag-inuman.

Ilang buwan na rin nang bumukod ng bahay ang binata. Kaya naman mag-isa siyang nakatira sa isang maliit na apartment na inuupahan malapit sa kanyang trabaho. Nang makarating sa may pintuan ng kanyang bahay, nagmamadali siyang hanapin ang susi sa kanyang bag nang makita ang isang napakagandang dilag na nakatayo sa tapat ng katabing pinto. Nagtaka naman siya agad dahil alam niyang matagal nang walang nakatira roon.

“Miss! Bagong lipat ka lang?” nakangiting pagbati ni Alvin sa magandang babae. Pansin niya agad ang maputi at makinis nitong kutis. Malambing ang mukha nito at may mahaba at makintab na buhok.

Hindi sumagot ang babae ngunit tiningnan lamang siya nito at ngumiti. Ngumiti na lamang din pabalik si Alvin at pumasok na sa kanyang bahay.

“Swerte ko naman. Ganda nun ah. Mukhang wala pang kasama sa bahay,” ‘ika niya sa sarili.

Inilabas na ni Alvin ang pinalamig na beer sa kanyang ref at nagpalit na ng damit na pambahay. Binuksan niya ang TV upang mag-relax na dahil pagod na pagod siya sa trabaho. Nang bigla niyang napansin ang isang maliit na butas,kasing laki ng piso, sa pader na kinatatayuan ng kanyang TV. Nagtaka siya agad dahil ngayon niya lang napansin iyon.

Agad siyang tumayo dahil naalala niya ang magandang babae sa kabilang bahay. Sinilip niya ang butas sa pag-asang masilayan ang babae.

Nanlaki ang mata niya sa nakita. Saktong-sakto ang butas sa kwarto ng dalaga. Kitang-kita niya ang babae na mahimbing na natutulog sa kama nito. Umiral ang kamanyakan niya dahil manipis na puting tela lamang ang suot ng dalaga, at halatang walang panty at bra.

Titig na titig si Alvin at halos tumulo pa ang laway. Busog na busog ang kanyang mata sa malulusog na dibdib ng dalaga. Kaya naman imbis na manood ng TV ay ang babae na lamang ang pinanood nya hanggang sa antukin siya. Nagawa pa niyang kuhanan ng litrato at video ang babae upang ipagyabang sa mga ka-opisina.

Kinabukasan, nagising nang masakit ang ulo ng binata. Napasobra ata siya sa nainom niyang beer kagabi. Pagkagising ay agad niyang sinilip ang butas ngunit wala na ang dalaga. Dahil sa nakita niya kagabi, pagkaligo ay agad niyang pinuntahan ang taga-bantay ng mga apartment doon upang ipagtanong ang pangalan ng babae.

“Manong Oscar! Magandang umaga po!” pagbati ng binata.

“Magandang umaga. Mukhang maganda ang gising mo ah?” nakangiting sagot ng caretaker.

“Siyempre naman! Kasing ganda ho ng bago kong kapitbahay. Kaya nga ho ako nagpunta rito. Ano hong pangalan noong babae sa katabing apartment ko?” nakangising tanong ni Alvin. Desidido siyang kilalanin ang babae dahil balak niya itong ligawan.

Hindi makapagsalita si Mang Oscar. Napansin ni Alvin na namumutla ito kaya naman agad niyang tinanong ang dahilan.

“Bakit ho? May problema ho ba?”

“Hijo.. Wala namang bagong lipat doon..” sagot ng matanda.

“Anong wala? Baka hindi niyo lang ho alam. E tingnan niyo ito, kinuhanan ko pa ng litrato kagabi. Teka, ipapakita ko sa inyo ha?” nagmamadaling binuksan ni Alvin ang kanyang cellphone upang ipakita ang larawan ng babaeng natutulog sa kama.

Nangilabot si Alvin sa nakitang larawan. Imbis na napakagandang babae na mahimbing na natutulog sa kanyang kama, isang larawan ng duguang kama at isang babaeng wala nang buhay ang nakahimlay doon.

“P*ta! Ano ‘to?! Hindi ‘to ganito kagabi!” sigaw ng takot na takot na binata.

“Kumalma ka, Alvin. Sumama ka sa akin. May kailangan kang malaman.” ‘ika ng matanda na tila alam ang lahat ng tungkol sa sinasabi niyang babae.

Nang makarating sila sa bahay ng matanda, pinaupo siya nito at inabutan ng kape. Nagsimula na rin itong magkwento.

“Hindi ka ba nagtataka kung bakit napakamura ng renta dito? Sa totoo lang kasi ay nahihirapan akong paupahan ang apartment na nirerentahan mo. Kaya naman sa maliit na halaga na alok mo ay pumayag na akong tumira ka doon. Wala kasing ibang nangangahas na tumira doon kapag nalalaman nila ang tungkol sa babae na nakikita mo,” kwento ng matanda.

Nangilabot ng husto ang buong katawan ni Alvin.

“Ano ho bang sinasabi niyo? Sino ho ba iyon?! Ilang buwan na akong nakatira dito, ngayon ko lang nakita ito!”

“Huminahon ka. Sylvia ang pangalan ng babaeng nakita mo. Kaarawan niya kagabi, parehong araw na binawian siya ng buhay. Isang magnanakaw ang pumasok sa kanyang bahay noong natutulog siya, eksaktong tatlong taon na ang nakakaraan. Ngunit nang makita niya si Sylvia na natutulog, imbis na pagnanakaw lamang ang gagawin niya ay naisip niyang halayin ito. Siyempre, agad na nagising si Sylvia at nanlaban kaya naman walang habas na pinagsasaksak ng gagong iyon ang kawawang dalaga.”

Natahimik si Alvin sa narinig. Halos maihi na siya sa takot sa mga naririnig niya.

“Hindi ko na nga alam ang gagawin ko. Kahit na ilang pari na ang pumunta dito upang mag-alay ng dasal, hindi pa rin matahimik ang kanyang kaluluwa. Tuwing anibersaryo ng pagpanaw saka siya nagpapakita.”

“Nahuli na ho ba ang lalaking iyon? Nakakulong na ba?” tanong ni Alvin. Iniisip niyang baka kaya hindi pa natatahimik ang kaluluwa nito ay dahil malaya pa ang lalaking kumitil sa kanyang buhay.

“O-Oo. Matagal nang nakakulong iyon,” pautal-utal na sagot ng matanda.

Habang iniinom ni Alvin ang kanyang kape, nagpaalam naman ang matanda na kukuha lamang ng makakain. Naiwan ang binata na mag-isa sa sala ng bahay ng matanda. Halos maibuhos niya sa sarili ang mainit na kape nang maramdamang may malamig na hangin ang humaplos sa kanyang balikat.

“Tulungan mo ako.. Siya ang gumawa nito..” boses ng isang babae ang narinig ni Alvin habang ramdam pa rin ang tila malamig na kamay na nasa kanyang balikat.

Hindi na nahintay ni Alvin si Mang Oscar at nagtatakbo na ito palabas ng bahay. Dahil sa takot, dumiretso ito sa isang malapit na park dahil takot na siyang mag-isa. Habang nakaupo, doon niya naisip ang narinig.

“Tulungan mo ako.. Siya ang gumawa nito..” paulit-ulit na tumatakbo sa isip ni Alvin ang boses ng babae. Sigurado siyang si Sylvia iyon.

“Kailangan ko siyang tulungan.” ‘ika ni Alvin sa sarili.

Inisip niya ang mga paraan kung paano mapapatunayan na si Mang Oscar nga ang gumawa nito sa dalaga. Alam niyang matalino ang matanda dahil nagawa nitong lokohin ang mga pulis na ibang lalaki ang gumawa noon kay Sylvia.

Habang malalim na nag-iisip, muling nakarinig ng pagbulong si Alvin.

“Ang dating nakatira sa apartment mo.. Nakita niya lahat.. Hanapin mo siya..”

Kinilabutan na naman ang binata. Ngunit naisip niyang si Sylvia nga lang ang makakatulong sa kaniya na lutasin ang lahat ng ito. Kaya naman agad niyang hinanap kung sino ang dating naninirahan sa apartment na tinitirahan niya.

Sa tulong ng internet, nakita niya ang babaeng nagngangalang “Cecille” na dating nakatira sa apartment niya. Agad niya itong sinend-an ng message sa Facebook upang makipag-usap at makipagkita.

Noong una’y nahirapan siyang kumbinsihin ang babae, ngunit nang ikwento niya ang kanyang mga nalalaman ay agad itong nakipagkita.

“Nakita ko ang lahat. Narinig ko ang mga takot na takot na sigaw ni Sylvia. Nakasilip ako doon sa isang butas sa pader na pagitan ng bahay namin. Tatawag na sana ako ng pulis upang tulungan siya, ngunit bigla akong nakita ni Mang Oscar. Hindi ko na hinintay na ako naman ang isunod niya sa panghahalay niya, kaya nagmadali akong umalis at hindi na bumalik kailanman.” paliwanag ni Cecille. Labis ang pagbuhos ng luha nito habang nagkukwento.

“Ganoon ba? Pero paano natin mapapatunayan na siya nga ang may gawa?” tanong ng awang-awang si Alvin.

Hindi na nagsalita si Cecille ngunit inabot nito ang kanyang lumang cellphone. Nagtaka naman si Alvin ngunit kinuha niya pa rin ito at tiningnan. Nanlaki ang mata niya sa mga nakita. Kuhang-kuha sa isang video ang masasamang ginawa ni Mang Oscar sa kaawa-awang si Sylvia.

Nagpaliwanag si Cecille na hindi agad niya ito ipinakita sa mga pulis noon sa takot na siya ang isunod ng matanda. Kolehiyala pa kasi noon si Cecille. Pero ngayon ay buo na ang loob niyang tumestigo laban sa demonyong matanda.

Agad na nagpunta ang dalawa sa presinto at ipinaliwanag ang lahat. Noong una ay hindi pa sila pinaniwalaan ng mga pulis, ngunit nang ipakita ang video ay agad nagtungo ang mga ito sa bahay ng matandang si Mang Oscar upang arestuhin. Agad napawalang-sala ang napagbintangang lalaki noon.

Ilang araw matapos mahatulan ang matandang manyakis ng panghabambuhay na pagkakulong, napagdesisyunan ni Alvin at Cecille na pabendisyunan ang dalawang apartment.

Habang nasa loob ng simbahan ang dalawa at nakaluhod upang ipagdasal ng mataimtim ang namapayang kaluluwa ni Sylvia, sabay silang nakaramdam ng malamig na hangin at makarinig ng mahinang boses, “Maraming salamat.”

Nagsara na ang tabi-tabing apartment na nasa pangangalaga noon ng matanda. Magmula noon ay natahimik na ang kaluluwa ng babae. Ipinangako naman ni Alvin na kailanma’y hindi na siya maninilip pa.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement