Ayaw ng Babaeng Ito sa Kapatid Niya Ngunit Nang Malagay ang Buhay sa Bingit ng Kamatayan ay Laking Gulat Niya sa Isusukli Nito
“Ate pwede ko bang mahiram itong make-up mo?” Tanong ng bunsong kapatid.
“Huwag na huwag mong pakikialamanan ang gamit ko! Umalis ka ng kwarto ko!” Pagbubunganga ni Mildred.
Panganay na anak si Mildred ng mag-asawang Jojo at Delia habang ang nakababatang kapatid nito na si Lelet ay 18 taong gulang. Napansin ng ina na malungkot ang anak habang ito’y may sinusulat sa papel.
“Oh, anak! Bakit ka malungkot?”
“Nay mahal ba ako ni ate? Kasi lagi na lang niya akong sinsigawan.”
“Hayaan mo anak, kakausapin ko ang ate mo, pagpasensyahan mo na ah.” Habang hinahaplos ang likod ng bata.
Mabait na bata itong si Lelet, madalas niyang katuwang ang nanay niya sa gawaing bahay habang ang tatay naman niya ay pumapasok sa opisina. Naging problema na ng mag-asawa ang pag-uugali ng panganay na babae, madalas nitong suwayin at sagutin ang mga magulang kapag hindi nakukuha ang gusto.
“Pa, sumosobra na talaga ‘yang si Mildred kahit ilang beses ko nang kinakausap parang walang naririnig, biruin mo’y madaling araw na naman umuwi kahapon pinagdabugan pa ako noong tinanong ko kung saan galing. Punong-puno na talaga ako sa kanya!” Himutok ng ina.
“Hayaan mo na, ganyan talaga ang mga kabataan ngayon, ako na ang bahala.” Sabay halik sa noo ng asawa.
“Ikaw bahala, ikaw na naman ang bahala. Malamang dadaanin mo na naman sa suhol kaya lalong nagiging sutil ‘yan eh.”
“Ate busy ka ba, may gusto sana akong ipakita sa iyo?” Nahihiyang anyaya ng kapatid.
“Bakit ba ang kulit ng lahi mo, gusto mo tadyakan ko yang pagmumukha mo para tumigil ka?” Nakapangdilat na sigaw ng ate.
“Gusto ko lang naman sana mapalapit sa iyo kasi magkapatid tayo at mahal kita, ate.”
“Grrrr! Halika dito!” Sabay sabunot at pinagduduro ang mukha ng kapatid.
“Alam mo simula ng dumating ka sa pamilyang ito, araw-araw na ‘kong nabwibwiset diyan sa pagmumukha mo, kaya please lang huwag na huwag ka ng papasok ulit ng kwarto ko, naintindihan mo?” Pananakot ng dalaga.
Hindi lubos maintindihan ni Lelet kung bakit ganoon na lang ang galit ng kapatid sa kanya. Hindi naman siya naging masama dito. Walang araw na hindi niya ito kinakamusta tuwing uuwi ito ng umaga na o kaya’y kapag sobrang lasing ang ate niya. Siya pa ang nagbubukas ng pinto at nag-aakay dito papunta sa kwarto, pinagluluto pa niya ito ng makakain pero tuwing dadalhan niya ito ay tinatapon lang nito sa basurahan ang niluto niya.
Isang araw ay narinig ng bata ang dalawang taong nagsisigawan, pinuntahan niya kung saan galing ang ingay at nakitang parang nag-aaway ang mga magulang niya.
“Ano? Puro ako na lang ba ang gagawa ng paraan para disiplinahin ‘yang paborito mong anak? Lahat na lang kasi binibigay mo sa kanya kaya tuloy humahaba ang sungay niyan!” Umiiyak na sambit ni Delia.
“Palibhasa’y ‘di mo masyadong binibigyan ng sapat na pahanon si Mildred, hanggang kailan mo ba ililihim ang katotohanan? Hinayaan kita sa desisyon mo kasi mahal kita pero ano’ng napala natin? Mas naging importante pa yang ampon na ‘yan kaysa sa tunay mong anak.”
“Hinaan mo nga ang boses mo at baka may makarinig sa iyo.” Giit ng asawa.
Hindi makapaniwala si Lelet sa kanyang narinig, dahan-dahang tumulo ang mga luha sa kanyang pisngi. Itinago ng babae ang rebelasyong nalaman, nagpanggap ito na parang wala lang nangyari dahil sa isip at puso nito’y sila ang tunay na pamilya.
Kinaumagahan ay may walang patid na tumatawag sa telepono ni Delia, “Naku sino ba ito at hindi makapag-antay!? Hello, Ano?!?…” Biglang nabitawan ng babae ang telepono niya at para bang may nakakapangilabot na balita itong natanggap mula sa kausap.
“Doc… Female, around 20-30 yrs old, gun shot wound in the chest, lost a lot of blood.” Wika ng nurse.
“Okay prep for surgery, move!” Pasigaw na utos ng doktor.
Natamaan ng ligaw na bala si Mildred ng sumama ito sa nobyo na gangster.
“Kayo po ba ang magulang ng pasyente?”
“Opo. Kami nga, doc.” Sabay na sagot nila.
“Nasa critical condition pa rin po ang anak ninyo, natanggal na po namin ang bala pero malaki po ang naging pinsala nito sa puso niya. Kailangang makahanap tayo ng heart donor na ka-match niya immediately dahil kapag nagtagal ay maaring hindi na nito kayanin pang mag-pump ng dugo sa katawan niya and I’m afraid to say this will lead to her death.” Nakapanlulumong paliwanag ng Doctor.
“Diyos ko, natutulog ka ba? Huwag niyo naman pabayaan ang anak namin.” Panalangin ng ina. Nakita ni Lelet ang lungkot sa mga mata nito.
“Nay, hindi natutulog ang Diyos. Alam kong naririnig ka niya ngayon at hindi niya pababayaan si ate.” Wika ni Lelet habang nakahawak sa kamay ng ina. Nagpaalam din ito na aalis muna.
Kinagabihan ay nainip na sa kahihintay ang ina ni Lelet.
“Bakit wala pa si Lelet?” Sabay tingin sa relo ang ina.
Maya-maya’y naghatid ng isang magandang balita ang doktor. “Misis. may donor na po tayo ng puso. Ihahanda na po natin siya for heart transplant.”
“Panginoon ko, salamat po!” Tuwang-tuwang panalangin ng ina.
Nang matapos ang matagumpay na operasyon ng anak na si Mildred ay walang patid ang pasasalamat ng mag-asawa sa Diyos at sa mga doctor na umasikaso sa anak nila.
Pinuntahan kaagad ni Delia at ni Jojo ang doktor upang kausapin.
“Doc, it’s a miracle! Maraming salamat po!” Maluha-luhang kinamayan nila ito.
“Mr and Mrs. De Leon, don’t thank me. Magpasalamat po tayo sa heart donor ni Mildred.”
“Ehh sino po ba siya para naman mapuntahan namin ang pamilya at lubos na magpasalamat?”
“Uhm.. Here is her record. She passed away on the spot this evening, car accident. When we checked her organs especially the heart, it’s still working and match pa sa blood type ng anak niyo kaya I can say na it’s a miracle pero sayang bata pa naman ang biktima.”
Nabalot ng hindi maipaliwanag na panghihina sa buong katawan si Delia.
“Lelet?!?” Tumagas ang napakadaming luha sa mata ng mag-asawa nang makita nila ang hindi inaasahang nagsagip sa buhay ni Mildred.
“Kilala niyo po ba siya?” Tanong ng doktor. Hindi na makasagot ang mag-asawa dahil hindi na nila mapigilan ang walang humpay na pagtangis ng mga ito.
“Salamat sa pagsagip mo sa buhay ko kahit hindi tayo magkadugo. Kung nasaan ka man ngayon, mapatawad mo sana ako sa lahat ng nagawa ko sa iyo, utang ko sa iyo ang buhay ko. Alam kong nandito ka pa rin kasama namin, dito sa loob ng dibdib, ko Lelet.” Habang dahan-dahang pumapatak ang luha sa mga mata ni Mildred ay wala na itong nagawa kung hindi mag-alay na lamang ng bulaklak kung saan nakalibing ang kapatid.