Pinuntahan ng Binata ang Nobya sa Tahanan Nito; Hindi Siya Makapaniwala sa Kaniyang Nasaksihan

Pinuntahan ng Binata ang Nobya sa Tahanan Nito; Hindi Siya Makapaniwala sa Kaniyang Nasaksihan

LoveStories

“Hi, I’m Herlene,” magiliw na pagpapakilala ng isang napakagandang dalaga kay Shaun.

“Hello. I’m Shaun. Kaibigan ni Brent,” inabot naman ni Shaun ang kanyang kamay bilang silbi ng pakikipagkilala. Sinama kasi siya ng kababata niyang si Brent sa isang group work nila sa school.

Unang kita pa lamang ni Shaun kay Herlene ay minahal niya na agad ang dalaga. Ginawa niya ng lahat para mahalin siya ni Herlene. Niligawan niya ito nang todo. Nakita naman ng dalaga ang sinsero sa pagsuyo sa kanya ni Shaun kaya hindi niya na pinatagal pa at sinagot din agad ang binata.

Hindi naman nagkamali sa kanyang desisyon si Herlene dahil grabe kung magmahal nga si Shaun, halos wala na itong itinira sa sarili. Todo bigay na nga, buwis buhay pa. Lahat kasi ng allowance at ipon niya, nagagamit niya lahat para sa dalaga.

“Hoy Shaun! Tinawagan ako ng kaklase mo kanina ha? Hindi ka pa raw nagpapasa ng part mo dun sa thesis mo. Paano nangyari yun eh palagi naman kitang nakikitang may gingawang thesis ha?” Naguguluhang tanong sa kaniya ng kababatang si Brent.

“Ah yun ba, kay Herlene yun. Nahihirapan daw kasi siya kaya ako na gumagawa,” sagot niya sa kaibigan. Siya na rin ang gumagawa ng mga proyekto at thesis ng dalaga kahit na ba minsan, ang mismong mga gawain niya sa eskwela ay napapabayaan niya na.

Napataas naman ang kilay ni Brent sa sinabi ng kaibigan. Lumapit siya kay Shaun at malakas na binatukan ito.

“Tanga ka ba ha? Kaibigan kita kaya ngayon palang sinasabi ko na sa’yo ‘wag kang masyadong magpapakatanga sa babaeng yan. ‘Wag mong ibigay ang lahat mo. Magtira ka naman para sa sarili mo. Pati pag-aaral mo napapabayaan mo na dahil dyan sa jowa mo. Hindi masama ang magmahal pero ‘wag naman sana yung sagad. Ang masaklap pa niyan, baka lokohin ka lang ng jowa mo,” pagpapaalala ni Brent sa kaibigan bago ito pumasok sa kwarto niya.

Napaisip si Shaun sa sinabi ng kababata, ngunit sa huli ay ipinag walang bahala niya na lang muna ang mga sinabi ng kaibigan. Mahal niya ang nobya niya at handa siyang gawin at ibigay ang lahat para sa dalaga. Wala na siyang pakialam kung ano man ang sabihin ng ibang tao, basta nagmamahal lamang siya.

Nakababaliw nga naman talaga ang pag-ibig at madalas sa minsan ay nakabubulag din.

Dumaan pa ang mga araw at patuloy pa rin si Shaun sa pagiging dakilang boyfriend kay Herlene. Kahit saan magpunta si Herlene ay para siyang body guard na kasama ng dalaga. All in one na boyfriend nga raw. Taga-hatid at sundo, kahit na ba ang layo ng bahay niya para gawin ito. Tagabili at tagaluto ng mga pagkaing gustong kainin ng dalaga at minsan nagiging parlorista pa at pinaplantsa ang buhok ng dalaga.

Binigay lahat ni Shaun ang makakaya niya, kahit na may sakit pa siya, isang tawag o text lang ng dalaga ay agad na pupunta siya. Ganun niya kamahal si Herlene. Wala na siyang itinira para sa sarili niya.

Isang araw ay naisipan niyang puntahan si Herlene para bisitahin ang nobya. Ilang araw rin kasi siyang hindi nakapunta dahil madami siyang hinabol na mga gawain sa eskwela. Mabuti na lamang at naipasa niya lahat sa itakdang oras kaya panatag siyang hindi siya babagsak.

Napakasaya niya at excited na siyang makita ang maganda niyang nobya, pero hindi niya inaakala na imbis na ang nobya ang masosopresa ay siya pala ang sosopresahin ng dalaga.

Kinabahan siya ng makita ang nobya at ang kaibigang si Brent na magkasamang lumabas ng unit nito. Susundan niya sana ang dalawa para komprontahin ang mga ito pero mas pinili niya nalang na hintayin ang nobya sa loob ng unit ng dalaga at humingi ng paliwanag mula sa dalaga. Panalangin niya’y sana ay nagkakamali siya at hindi siya trinatraydor ng dalawang mahalagang tao sa buhay niya.

Pumasok siya sa loob ng unit ng dalaga. Nagulat si Shaun sa kanyang nakita. Hindi niya inaasahan na ito ang matutuklasan niya sa oras na na iyon.

Napangiti siya at nakahinga ng maluwag. Tama ang kanyang naging desisyon na huwag mo nang mag iskandalo at komprontahin ang dalawa. Hindi nasayang ang tiwala niya sa kanila.

Sa loob ay makikita ang napakaraming nakakalat na mga lobo sa sahig at may nakabitin pang banderitas na may nakalagay na “HAPPY BIRTHDAY BABE!”. May mga nakalagay na mga pictures rin nilang dalawa at mga lobo sa dingding.

Hindi niya inakala na gagawin ito ng dalaga para sa kanya. Malamang ay humingi din ito ng tulong sa kaibigan niya para sorpresahin siya.

Nasanay siyang siya ang labis na nagbibigay sa dalaga kaya hindi niya alam ang mararamdaman sa hinandang sorpresa ni Herlene para sa kaarawan niya. Naluluha siyang umalis ng condo ng nobya bago pa bumalik ang dalaga at malaman na nakita niya na ang sorpresa nito para sa kanya.

Hindi niya man lang naalala na kaarawan niya pala ang araw na iyon. Natawa na lamang siya sa sarili. Dahil sa kanyang nakita ay biglang nawala lahat ng pag-aagam-agam na naramdaman niya dahil sa mga sinasabi ng mga tao sa paligid niya. Na sobra daw siyang magmahal kaya siguradong masasaktan lamang siya.

Kung masaksaktan man siya, okay lang sa kanya. Herlene is worth the pain. Sobrang mahal niya talaga ang dalaga at handa siyang isugal ang puso niya para sa babae.

Lumipas ang ilang oras at tinawagan na siya ng nobya para raw magpasundo at may pupuntahan sila. Natawa naman siya dahil alam niya na ang plano ng dalaga. 

Agad naman siyang nagtungo sa condo ng kasintahan. Huminga muna siya ng malalim bago nakangiting binuksan ang pinto.

“HAPPY BIRTHDAY SHAUN!” Sigaw ng nobya at mga kaibigan nila, syempre nandoon din si Brent na nakita niyang kasama ng dalaga kanina.

Bahagyang nagulat naman si Shaun. Hindi niya inaakala na may marami palang kakutsaba ang nobya at hindi lamang si Brent. Natawa na lamang siya. Parati talaga siyang nasosopresa ng nobya niya.

Niyakap niya naman ng mahigpit si Herlene at naluluhang nagpasalamat.

“Thank you Love,” marahang bulong niya sa dalaga. Sobra niyang na appreciate ang effort na ginawa ng nobya niya. Pakiramdam niya ay sasabog na ang puso niya sa sobrang saya.

“Maraming salamat din sa inyong lahat friends,” pasasalamat niya din sa piling mga kaibigan na nakisama sa sorpresa.

“Ay naku, yung totoo? Parang si Herlene lang naman ang naappreciate mo eh. Parang gusto mo ata kayong dalawa lang ang magcelebrate eh,” biro pa sa kanya ng kababatang si Brent.

Masayang nagcelebrate silang magkakaibigan ng kanyang kaarawan. Inuman. Tawanan. Kwentuhan. Pansamantalang kinalimutan muna ang mundong kanilang hinaharap.

“Mahal na mahal kita babe, maraming salamat sa walang katapusang pagmamahal sa’kin. Kahit minsan ay sobra-sobra na ang ibinibigay mo at halos wala ng matira sayo, hindi mo pa rin ako sinusukuan. Pangako ko sa’yo, susubukan ko ring pantayan ang pagmamahal mo. Hindi kita sasaktan,” puno ng emosyong pangako ni Herlene kay Shaun. Sinagot naman ng binata ang dalaga sa pamamagitan ng isang marahang halik.

More Stories