Ikinagulat ng Isang Nurse ang Nakita ng 6-Anyos na Anak sa Pinangyarihan ng Pagsalpok ng Kotse
Nagmamaneho sa kahabaan ng Cavitex( Cavite Express way) si Nelza habang katabi ang 6 na taong gulang na si Earl. Galing sila sa SM Mall of Asia, at ngayo’y pauwi na sa kanilang bahay sa Tanza, Cavite. Isang single mom si Nelza at mag isang naghahanap buhay bilang nurse sa St.Luke’s. Ang nanay niya ang nag aalaga kay Earl lalo na kapag night shift siya. Kapag naman walang pasok ay bumabawi siya sa anak at kumakain sila sa labas, tulad nito. Kahit alas diyes na ng gabi ay gising na gising ang anak, halatang masaya ito sa ginawa nilang mag ina ngayong araw. Nanood sila ng sine sa SM Mall of Asia at tuwang tuwa pa ito sa salamin na kailangang isuot dahil 3d ang palabas. “Ma!” sigaw ni Earl nang makita ang nangyari sa unahan nila. Mabuti at nakapag preno agad si Nelza dahil isang pulang kotse ang bumangga sa gilid ng expressway at nagdire diretso sa isang pader. Halatang masama ang tama ng kotse. Dahil mabuting tao si Nelza, hindi niya natiis na hindi silipin ang mga tao sa loob. Isa siyang nurse at tungkulin niya iyon, ang makatulong lalo na sa pagkakataong ito. Bago bumaba ng kotse ay napaisip siya kung isasama niya si Earl, masyado pang bata ito para makakita ng ganoon. Kaya itinabi niya muna ang sasakyan sa isang ligtas at tanaw na lugar. “Dito ka lang, titignan lang ni Mama yung mga tao kung okay sila. Wag kang bababa okay?” bilin niya sa anak. Madali namang nakaintindi ang bata at tumango lang. Paglapit ni Nelza sa pulang kotse ay nanlumo siya kaagad. Pinulsuhan niya ang babae sa passenger seat pero wala na ito. Masama ang pagkauntog nito sa unahan at marami ring dugo ang nawala rito. Sunod niyang nilapitan ang driver, nakita niyang may pulso pa ito at agad niyang nilapatan ng first aid. Hindi nagtagal ay may dumating nang ambulansya. “Malaking bagay ang ginawa mo, siguro kung wala ka ay hindi na namin abutin ng buhay ang driver.” sabi ng isang paramedic sa kanya. “Wala ho iyon” sagot ni Nelza at bumalik na sa kanyang sasakyan. “Ma, hindi ba nagpaalam sayo yung taong puti?” inosenteng tanong ng anak. “Anong tao?” nagtatakang tanong ni Nelza. “Yung taong puti na lumapit sa kotse! Isinama niya palayo yung babaeng katabi ng driver, nag smile at kumaway pa nga po sa akin.” sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like ang aming Facebook page.