Inday TrendingInday Trending
11 Taong Nawawala at Pinaghahanap ng Ginang na Ito ang Kanyang Asawa, Ngunit Nakakapagtakang Hindi Siya Maalala ng Asawa nang Muli Silang Nagkita

11 Taong Nawawala at Pinaghahanap ng Ginang na Ito ang Kanyang Asawa, Ngunit Nakakapagtakang Hindi Siya Maalala ng Asawa nang Muli Silang Nagkita

“Ma, nakatingin ka na naman sa labas. Hindi na po babalik si Papa.” Nilingon ni Alice ang 11 years old niyang anak na si Alvin. Hindi niya mapigilan ang sariling yakapin ang anak. Literal na nawawala ang asawa niya. Saktong araw ng panganganak niya sa anak ay saka naman nawala nang parang bula ang asawa niyang si Arthur. Hindi lang iisang beses siyang nagpatulong sa pulis upang hanapin ang asawa, ultimo mga pulis ay nagsawa na ring tulungan siyang hanapin ito. Limang taon niyang tiniis ipagtabuyan at laitin ng mga tao habang hinahanap ang asawa. Ngunit nang lumaki at magkaisip na ang anak nila ay tila doon siya natauhan. “Mama, bakit lagi ka po wala? Miss na kita. Niloloko ako ng classmates ko, sabi nila wala na nga daw ako Papa, wala pa ko Mama,” tinig ng isang limang taong gulang na bata ang nagpagising sa kanya sa katotohanan–na wala na nga ang asawa niya. Simula noon ay nag-focus na lamang siya sa anak niya. Naging masaya siya sa piling ng anak niya. Ngunit ngayong araw na ito, birthday ng anak niya, at anibersaryo ng pagkawala ng mister niya. Hindi niya mapigilan ang sariling alalahanin ang mga masasayang araw nilang mag-asawa bago ito mawala. “Anak, sorry ha. Kung minsan nagkukulang si Mama sayo.” “Hindi ko lang kasi mapigilang maisip kung saan na ba napunta ang Papa mo. Maigi pa nga sana kung nambabae nalang siya eh.” Nakakaintinding niyakap siya ng anak niya, “Huwag ka mag-alala Ma, sabi ng teacher ko, ‘pag may nawala daw sayo, kapag sayo talaga siya, babalik at babalik din siya sayo.” Kinabukasan ay naghanda na upang mamili ng mga tela sa Divisoria si Alice. Hindi namalayan ni Alice na nakatulog na pala siya sa biyahe. Medyo nagulat pa siya dahil may katabi na pala siya. Tumango siya, ngunit laking gulat niya nang mapansin ang daliri ng lalaki. Pamilyar sa kanya ang singsing na suot nito– “Ang singsing namin ni Arthur!” Tumingin siya sa lalaking katabi, at ganun nalang ang pagkagimbal niya nang makita ang asawa. “Arthur!” kahit pa lumusog ang katawan nito at medyo tumanda ang itsura ay hindi niya maipagkakailang ang asawa niya nga ito. Ngunit ang mas kinabigla niya ay ang kawalan ng reaksyon ng asawa. Nagmukha din siyang baliw nang sabihin nitong, “Sino ka?” Gusto niyang saktan ito. Labindalawang taon siyang nag-antay tapos ganito lang ang magiging reaksyon nito? Gusto niyang murahin at saktan ang lalaki. Ngunit bago pa man niya magawa iyon ay may isang matandang babae na ang lumapit sa kanila. “Jaime!”tawag ng matanda. Kumunot ang noo niya dahil nakatingin ito kay Arthur. Yan ba ang kabit niya, ipagpapalit nalang ako sa matanda pa! Ngumiti sa kanya ang matandang babae, “Hija, pasensya ka na sa anak ko ha?” Anak ko? Matagal ng patay ang mga magulang ng asawa ko! “Sino ho kayo?” hindi na niya napigilang tanong sa matanda. Naliwanagan si Alice sa lahat ng pangyayari. Dinala siya sa isang coffee shop ni Arthur at ng matanda. Noong araw daw ng panganganak niya ay nagmamadaling tumawid ang asawa at doon ay nabangga ito ng isang truck at nakita ng matandang babae. Tinulunungan ito ng matanda at sinubukan ipagamot ngunit hindi kakayanin kung sa ospital lang ng bansa ipapaopera. Kinontak nito ang sinumang kamag-anak ng lalaki. Nalaman nitong patay na ang mga magulang nito. At dahil nga kakakasal palang nila ni Arthur at hindi pa sila rehistrado ay inakala ng matandang babae na nag-iisa na ito sa buhay kaya naman agad na itong nagdesisyon na sa Amerika na ito ipaopera. Magaan agad ang loob ng matanda kay Arthur dahil namatayan rin daw ito umano ng anak na kasing-edad ng lalaki. Nalaman niya rin na simula nang maoperahan ito ay naapektuhan ang utak ni Arthur at nagkaroon ng amnesia. Hindi na ito nakakilala at bumalik sa pagkabata ang pag-iisip nito. Dinala siya ng matanda sa Pilipinas upang unti-unting maibalik ang alaala nito. Hindi makapaniwala si Alice sa mga nangyayari. Muling nakita ng kanyang anak ang ama at tila kahapon lang nawala ang kanilang padre-de-pamilya dahil sa sabik na nararamdaman nila. Kahit hindi pa sila tuluyang nakikilala ni Arthur ay alam niyang naaalala ng puso nito kung sino sila. Tama nga ang sinabi sa kanya ng kanyang anak, “Kapag may nawala sayo, kapag sayo talaga, babalik at babalik din sayo.”

Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement