Inday TrendingInday Trending
Ibinunyag ng Babae na Ampon ang Kuya Niya, Tameme Siya nang Malamang Pareho Pala Sila

Ibinunyag ng Babae na Ampon ang Kuya Niya, Tameme Siya nang Malamang Pareho Pala Sila

“Ano kuya? Maga-adik ka nalang ba? Habang buhay kang magiging pabigat kay mama?!” sigaw ni Gladys sa kaniyang kapatid.

“Ano bang pakialam mo ha, ikaw na the best na anak! Ikaw na huwaran! Kung makapagsalita sa akin akala mo hindi mo ako kuya! Hoy babae! Ako pa rin ang mas matanda sa iyo!” sigaw ni Arnold at saka dinuro duro ang kapatid.

“Hindi ba kayo titigil ha?!” sigaw naman ni Aling Marta,ang nanay nila at pumagitna ito sa dalawang anak na nag-aaway.

“Alam mo Ma mas mabuting magising na yan si kuya sa katotohanan! Para naman mahiya ng kaunti ang apog! T***ina! Palamunin mo na nga dito e pabigat pa lalo! Tubusin mo yung singsing ni Mama hayop ka!” sigaw muli ni Gladys sa lalaki.

“Anong totoong pinagsasabi mo?!” tanong ng lalaki

“Kita mo hindi mo alam?! Mabuti pa ako alam ko! Nakakahiya ang mga taong katulad mo! Hindi kana naawa sa nanay ko!” saad ni Gladys at saka ito lumayo at nagpalakad lalad sa salas.

Si Gladys ay bunsong anak ni Aling Marta, ito ay 22 anyos na ngayon at nagtratrabaho bilang isang call center agent. Ang panganay namn niyang si Arnold ay nasa 28 anyos na at walang trabaho, nalululong ito sa mariwana at sugal kaya napakalaking sakit sa ulo ng lalaki.

Halos ibenta na nito ang kanilang mga gamit sa bahay may pang-isugal lang at ngayon naman ay naisangla pa nito ang singsing ng ina. Kaya galit na galit na si Gladys sa kaniyang kuya.

“Ano Mama!? Ako na ba magsasabi kay kuya tungkol sa katotohanan? Para mahiya na ito!” matapang na tanong ni Gladys sa ina. “O papayag kang ipa-rehab yang anak niyo para magbago! Alam kong mahal niyo kami pero sobra na si kuya Ma!” dagdag pa ng dalaga.

“T***ina! ano ba yung totoong kanina pa mo pa pinagsasabi! nabu-bwisit na ako sayo Gladys! Sabihin mo na!” sigaw muli ni Arnold.

“Pwede bang magsitigil na kayong dalawa!” umiiyak na paki-usap ni Aling Marta sa mga anak. Ngunit talaga hindi na mapipigilan pa ang galit ni Gladys sa kapatid.

“T***ina mo kuya! AMPON KA LANG NI MAMA! HINDI KA KADUGO! KAYA DIPUTRIS KANG HAYOP KA! NAPAKA KAPAL ng MUKHA MO PARA PAHIRAPAN SI MAMA NG GANITO!” galit na galit na sigaw ni Gladys sa kapatid at tuluyan ng napaupo si Aling Marta ng ibinunyag ng anak ang lihim nito.

“Mama totoo ba yun!? totoo ba yung sinasabi ni Gladys!?” tanong ni Arnold na nagkukusot ng mukha.

Umiyak ng malakas si Aling Marta para magakaroon ng katahimikan sa kanilang bahay.

“Ma, sagutin mo naman ako, totoo ba iyon?” tanong muli ni Arnold sa inang nakasalampak sa sahig at umiiyak.

“Oo Arnold, totoo na ampon lang kita,” sagot ng ale at nagsimulang umiyak ang lalaki.

“Bakit ngayon niyo lang sinabi sa akin!?” tanong ni Arnold sa ina.

“Kita mo na! Napakakapal ng mukha mo para pahirapan si Mama! Hindi mo kasi siya tunay na ina! Hindi mo nararamdaman ang nararamdaman ko!” sigaw ni Gladys sa kapatid at dinuro ito.

“Hindi ko kayo parehas na anak, ampon ko kayong dalawa. Magkapatid kayo pero hindi ako ang nanay niyo,” wika ni Aling Marta na labis na ikinagulat ni Gladys. Hindi niya lubos akalain na kasama pala siya sa ampon ng kaniyang ina.

“Iniwan kayo ng nanay niyo sa akin na dating nagbebenta ng laman. Katulad ni Arnold ay nalulong din ito sa droga at hindi na kayo kinaya pang alagaan. Pero hindi ibig sabihin na hindi kayo sa akin lumabas ay hindi ko na kayo mahal,” saad ng ale, natameme si Gladys sa narinig at nagtakip na lamang siya ng mukha.

“Patawarin niyo ako kung hindi ko sinabi sa inyo ang mga tunay niyong pagkatao dahil ayokong isipin niyo na pinamigay o pinabayaan kayo dahil mga anghel kayo sa buhay ko,”

“Arnold parang awa mo na, huminto ka na sa kakahithit ng mga iyan at kakasugal mo. Ayokong mawala ka sa akin, ayokong maranasan mong tratuhin ka ng adik ng mundo,” saad niya sa anak.

“Ikaw naman Gladys, labis akong nagpapasalamat sayo dahil naging napaka-responsable mo sa buhay at tinutulungan mo ako lagi. Huwag sanang magbago ang pag uugali mo ngayong nalaman mo na ang totoo.

Lagi mo rin sanang tatandaan na huwag mong susukuan ang kuya mo dahil kung may mangyari mang masama sa akin sa mundong ito, kayong dalawa lang ang magdadamayan. Mahalin niyo ang isat-isa kahit pa gaano kahirap at ano pang pagsubok ang inyong pagdaanan,” baling naman niya sa babaeng anak na nakaupo na sa kanilang sofa at umiiyak.

“Ngayong alam niyo na ang totoo, pwede niyo na ako iwan at hanapin ang totoo niyong magulang dahil hindi ko na kayo pipigilan pa. Isa lang naman ang hiling ko sa inyo at yun ay ang maging maayos ang inyong buhay,” dagdag pa ng ale at umiyak ito.

“Mama sorry. Pinakialaman ko ang mga gamit mo noong nakaraan kaya nalamang kong ampon si kuya, iyon pala ay ampon din ako. Ang yabang ko pa,” saad ni Gladys sa iba at niyakap ito.

“Ayan kung ano-ano pa ang mga pinagsasabi mo sa akin,” sabay batok ni Arnold sa kapatid. Natawa nalang ang ale sa ginagawa ng kaniyang mga anak.

“Ma, hindi ka namin iiwan dahil kahit ganito kaming magkapatid ay hindi mo kami sinukuan. Hayaan mo ma, titigil na ako sa bisyo ko,” dagdag pa ni Arnold at tinulungan na ang ale na makatayo.

Simula noong malaman nila ang totoo ay tsaka lamang tumino si Arnold sa kaniyang buhay. Nagtrabaho ito sa opisina rin ni Gladys at mas naging malapit sa isat-isa ang dalawa na labis na ikinatuwa ng kaniyang ina.

May mga bagay na hindi pinapaalam sa atin ng ating magulang dahil akala nila ito ang mas nakakabuti. Ngunit may kasabihan din tayong ang katotohan ang siyang magpapalaya sa atin sa kadiliman. Ano’t-ano man, walang makakapantay sa isang matibay na samahan ng isang pamilya.

Advertisement