Iba ang Kayabangan ng Atletang Ito na Hindi Nagustuhan ng mga Taga-Nayon, Isang Aral ang Ipinabaon Nila sa Kanya
Isang atleta si Manuel. Palagi siyang nananalo sa running competition sa kanilang eskwela simula elementary, hanggang ngayon college na siya. Nag eensayo siya dahil balak siyang sumali sa palarong pambansa sa susunod na taon. Dahil summer vacation, ipinayo ng kanyang mga magulang na doon siya magbakasyon sa Tita Luz niya na nakatira sa Nueva Ecija, puro bukirin daw doon at hindi pa masyadong okupado ang kinatatayuan ng bahay ng tiya kaya makakapag ensayo siya ng mabuti. Pumayag naman si Manuel dahil nagsasawa na rin siya sa ingay ng Maynila. Baka nga isang lugar na tahimik ang makakatulong sa kanya para mag ensayo. Matapos ang 4 na oras na byahe ay narating na ni Manuel ang bahay ng tita Luz niya, hindi ganoon kalaki ito pero disente naman. May mga puno ng mangga sa paligid, maliit lang ang gate ng bahay nito na hindi katulad ng mga bahay sa Maynila, tanda na malaki ang tiwala ng mga taong ito sa probinsiya, sa mga kapitbahay nila. Napailing si Manuel, samantalang sa Maynila kahit pitaka mong bente ang laman ay nanakawin, kahit mahirap na pamilya ay lolooban, sa isip isip niya. Matapos makakain ay nagpahinga na si Manuel, napagod siya sa haba ng byahe. Kinabukasan ay abala ang mga tao,pista pala ng bayan. Ipinakilala siya ng tita sa Kapitan ng lugar na iyon, nabanggit rin nito na siya ay isang runner. Inanyayahan siya ng Kapitan na sumali sa palarong bayan, may takbuhan raw doon. “Sige po! Pagbibigyan ko na ang mga tao dito na makita kung gaano kagaling ang pamangkin ni Tita Luz.” Aniya, hindi ngumingiti at seryoso sa sinasabi. “Aba matutuwa ang mga kababayan namin, minsan lang kami makakita ng magaling hijo.” sabi naman ng kapitan. “Baka nga mainggit pa kayong lahat no!” pagyayabang muli ng binatilyo. Napailing na lang ang kapitan at ang ibang nakarinig, sana balang araw ay matutong magpakumbaba ang batang ito. Pumayag si Manuel dahil tiyak niyang mananalo siya, syempre nais niyang magpasikat sa mga tao dito. Hindi siya nagkamali, sa unang round ay ni wala sa kalingkingan niya ang bilis ng mga kalahok. Samantala, sa huling round ay isang matandang babae at bulag na binatilyo ang kalaban niya. lokohan ba ito? tumakbo siya sa finish line ngunit walang pumalakpak. “Anong nangyayari kap? Panalo ako ah?” tanong niya sa kapitan. “Bumalik ka roon at isama mo sa finish line ang dalawa. ” utos ng kapitan sa kanya. Sumunod si Manuel muling tumakbo pabalik at inakay ang dalawa sa finish line. Doon ay nagpalakpakan ang mga tao. “Ano ba to? wala naman akong mapapala dito!” angil ni Manuel. “Hijo, higit pa sa ibang premyo ang napanalunan mo sa race na ito, hindi nga trophy o medalya ang nakuha mo- respeto ng mga tao ang naiuwi mo.” sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.