Inday TrendingInday Trending
Kaliwa’t Kanan ang Pagasta ng Pera ng Lalaking Ito Dahil Isa sa Pinakamayaman ang Kanyang Ama, Isang Aksyon ang Ginawa ng Ama na Nagpabago sa Pananaw Niya sa Buhay

Kaliwa’t Kanan ang Pagasta ng Pera ng Lalaking Ito Dahil Isa sa Pinakamayaman ang Kanyang Ama, Isang Aksyon ang Ginawa ng Ama na Nagpabago sa Pananaw Niya sa Buhay

Isinilang sa mayamang pamilya si George. May magandang business dito sa Pilipinas ang kanyang mga magulang. Dahil dito ay hindi na kailangang magbanat ng buto ni George para mabuhay, isang hiling niya lang ay darating na kung ano ang kailangan niya. Namuhay si George na hindi alam ang kahalagahan ng pera at responsibilidad, ‘happy go lucky’ siya, sabi ng iba. Naalarma ang kanyang ama rito, sa edad na 27 years old ay wala pang nararating ang anak niya at tila ba walang plano sa buhay. 4 na taon itong bumalik sa senior year ng kolehiyo at 3 beses nagpalit ng kurso. Kailan kaya matututo sa buhay ang batang ito? Nakaisip ng paraan ang ama niya, pinutol niya lahat ng credit card ng binata, at hinarang lahat ng koneksyon nito, binawalan niya rin itong umuwi sa condo nito at pina-ban ito sa lahat ng disco at clubs sa Maynila. Kinausap niya rin ang lahat ng pwedeng hingan nito ng tulong, na huwag pagbibigyan ang binata. Makapangyarihan ang anak niya, pero mas makapangyarihan siya. “Pa, ano bang ginagawa mo sakin?” iritableng tanong ng binata sa ama. “Simula ngayon, kailangan mong magtrabaho. Kailangan mong mag abot ng 500 sa akin araw araw kung gusto mong makakain ng hapunan.” matigas na sagot naman ng ama. “Ano to lokohan? Bakit ba pa ano bang gusto mo?” naguguluhan na ngayon ang binata, na tila gustong magmaktol. Kahit kotse niya ay kinuha ng ama! “Hindi na magbabago ang isip ko kaya kung ako sayo simulan mo nang magbanat ng buto dahil di ka makakakain dito nang walang bayad.” sabi ng ama at tinalikuran na ang binata. Walang nagawa ang binata kung hindi magkulong sa kwarto niya hanggang nakaisip siya ng paraan, hindi siya matitiis ng mama niya. At tama naman ang naisip niya, dahil pagkasabing pagkasabi niya rito ay agad siya nitong binigyan ng 500. Hindi niya sinabi sa ama niya kung saan niya nakuha ang 500, nagsinungaling siya na ito ay ang perang pinagtrabahuhan niya. “Sige, itapon mo yang 500 sa basurahan at kumain ka na ng hapunan.” sagot ng ama kahit na alam naman niyang hindi pinagtrabahuhan ng anak ang pera. Nagtataka man ay sumunod na rin si George, gutum na rin naman sya. Kinaumagahan ay inis na inis ang binata dahil wala ang mama niya, ayon sa mga katulong ay pinagbakasyon ito ng ama sa Hongkong. Nananadya talaga siya! sa isip isip niya. Naisip niyang pumunta sa lolo, siya ang paboritong apo nito. At hindi siya nagkamali, binigyan nga siya ng 500 ng matanda. Masaya siyang umuwi sa bahay nila para maghapunan. “Itapon mo sa basurahan ang pera at kumain kana ng hapunan.” utos uli ng ama at muli, alam niyang hindi pinagtrabahuhan ng anak ang pera. Sumunod ang binata at kumain na ng hapunan. Kinabukasan, nagpunta sa isang business trip ang kanyang lolo. Hindi niya alam kung kagagawan nanaman ito ng ama pero kailangan niyang makaisip ng paraan. Sa kasamaang palad, hindi siya tinanggap ng mga magagandang kumpanya dahil wala siyang experience at dahil na rin siguro sa pakiusap ng tatay niya. Wala siyang choice kung hindi ang pumasok na construction worker. Maghapon siyang nagsemento at nagbuhat ng mga bakal. Hindi siya marunong pero naging mabait naman ang mga kasama niya para turuan siya. Sugat sugat ang kamay niya, nanginginig ang mga tuhod at halos buong katawan dahil sa pagod. Pakiramdam niya pa nga ay may nabali atang buto sa likod niya. Pag uwi niya sa bahay ay nilapitan niya ang ama. 300 lang ang kinita niya dahil iyon lang ang sweldo ng construction worker kada araw. Naisip niyang makiusap na lang rito para pakainin siya nito kahit konti. Nanginginig sa pagod ang kamay niya nang iabot dito ang gusot na tatlong pirasong tig iisang daan. “Sige, itapon mo yang pera sa basurahan tapos kumain kana rito.” utos ng ama. “H-ho?” tanong ng binata. “Itapon mo kako sa basurahan yang pera.” ulit ng ama. “Bakit ho? Pinaghirapan ko ito, pagod na pagod ako sa maghapong pagtatrabaho!” mangiyak ngiyak ang binata. Napangiti ang matanda at niyakap siya, sabay bulong nito sa kanya, “Ngayon alam mo na ang pakiramdam ko sa tuwing itinatapon mo sa walang kwentang mga bagay ang perang pinaghirapan ko?” Napangiti na lamang ang ama dahil sa wakas ay natutunan na ng anak ang kahalagahan na pagpaguran at pahalagahan ang kinikitang pera. sa ibaba.Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement