Bigla na Lang Hiniling ng Bata na Magpakalbo na Ikinagalit ng Kanyang Lola, Ang Dahilan Nito ay Nakakataba ng Puso
Isang single mom si Myra , ang anak niyang si Tyler ay 5 years old at pumapasok sa malapit na Daycare Center sa kanila bilang isang Kindergarten student. Bibo at mabait ang bata, kahit mag isa si Myra na nagpalaki dito ay hindi ito makulit at napakamaunawaing bata. Pagkahatid ni Myra sa anak tuwing umaga ay papasok naman siya sa trabaho. Alas siyete ng umaga ang klase ni Tyler at alas onse naman ng tanghali kung pauwiin ito ng guro, sinusundo na ito ng nanay ni Myra na napakiusapan niyang mag alaga sa bata habang nasa trabaho siya. Ala sais na ng gabi nang makauwi si Myra ay naabutan niyang pinapagalitan ng nanay niya si Tyler. “Ano’ng kalbo? Hindi pwede! Magpaalam ka sa mama mo tiyak kong hindi iyon papayag, baka pagalitan ka pa noon eh! Puro kalokohan ito.” sabi ng nanay ni Myra. “Lola, haba na rin naman po ng buhok ko. Pa-kalbo na ako please?” pakiusap naman ni Tyler, saktong lapit dito ni Myra. “Baby, Ma, anong pinag aawayan nyong mag-lola?” tanong niya sa mga ito. “Iyang anak mo pinipilit akong gusto raw magpakalbo! Ewan ko ba sa batang dyan!” highblood na ang kanyang ina. “Hayaan mo ‘Ma, kakausapin ko,” iyon lang ang kinarga na ang anak papasok sa kwarto nilang mag ina. “Anak, bakit ba kasi gusto mong magpakalbo?” tanong niya ito at tinignan nang diretso sa mga mata. “Mainit kasi mama, at nakita ko sa TV uso yung kalbo, maganda yun, parang si One Punch Man yung pinapanood ni Kuya Gelo sa cellphone,” kwento nito, na ang tinutukoy ay ang pinsan niyang teenager. “Sige, kung yan talaga ang gusto mo. Basta wag kang iiyak pag wala na ang hair mo ha?” Natatawang sabi niya sa anak, pinagbigyan niya niya na ito dahil mabait na bata naman si Tyler at minsan lang humiling sa kanya. Nagpakalbo nga si Tyler at makalipas ang isang linggo ay kinailangang umabsent ni Myra sa trabaho dahil may meeting raw ang mga magulang, pagdating sa ganoon ay binibigyang atensyon niya ang anak, wala na ngang ama kaya hindi pwedeng pati siya ay walang panahon dito. Pagdating sa eskwela, bago magsimula ang meeting ay niyakap siya ng isang babae. Nagulat man si Myra ay niyakap niya na lang din ito, nanay pala ng kaklase ni Tyler. “Ma’am salamat.. napakabuti po ng anak ninyo.” maluha luhang sabi nito. “S-salamat.. pero bakit? Ano ho bang ginawa ni Tyler?” naguguluhang tanong niya. “Kaibigan ni Tyler si Sheena, ang baby girl ko. Palagi silang magkalaro, pero si Sheena ko ay may Leukemia at dahil sa gamutan ay nalagas ang buhok ng baby ko. Nahihiya na siyang pumasok dahil tinutukso siya ng mga kaklase pero si Tyler ay nagpakalbo rin para pareho na silang walang buhok, dahil po sa anak ninyo kaya lumakas ang loob ni Sheena na pumasok sa school at maging masayahing bata ulit.” umiiyak na sabi nito. Umiiyak na rin si Myra, napakabuti ng anak niya. Wala siyang kasing proud sa nararamdaman niya ngayon. May natutunan ka ba sa batang si Tyler? Ibahagi sa amin ang inyong opinyon sa comments section sa ibaba.Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page. Disclaimer: Photos are for illustration purposes only.