Inday TrendingInday Trending
Isang Bata ang Ipinahiya ng Guro sa Klase, Ngunit nang Maaksidente Siya, Hindi Niya Inakalang Ito ang Magiging Katuwang Niya

Isang Bata ang Ipinahiya ng Guro sa Klase, Ngunit nang Maaksidente Siya, Hindi Niya Inakalang Ito ang Magiging Katuwang Niya

Tatlong taon nang guro sa pampublikong paaralan ng high school si Alma Layola, mayroon siyang asawa ngunit wala pang anak. Kilala siyang mataray sa eskwelahan lalo na sa mga estudyanteng mahina ang ulo. Ayaw na ayaw niya nang mga hindi nakikinig, lalo na iyong paulit ulit na niyang ipinapaliwanag ang aralin ay hindi pa rin maintindihan. Kaya naman mas gusto niyang nagtuturo sa star/first section dahil matatalino ang mga estudyante dito. Kahit anong ayaw niya naman ay talagang kailangan niya ring magturo sa lower section, sa mga bobo, madalas na nasa isip niya. Isang araw ay nag init nanaman ang ulo niya dahil sa estudyanteng si Nico. “Tumayo ka nga Nico Delmar! Tayo! Wag kang uupo hanggang di ka nakakasagot.” pamamahiya niya rito. Ilang araw niya nang itinuturo ang systems of equation ay hindi pa rin nito masagot ang simpleng tanong niya. Nakatungo lang ang estudyante. Matapos ang ilang buwan, habang papasok si Alma ay nabangga siya ng isang kotse. Napilayan ang isang paa niya dahilan upang di siya makapasok at makalakad panandalian.Ni hindi siya makakilos sa bahay. “Ma, may naghahanap sa iyo. Estudyante mo raw.” sabi ng mister niya isang umaga. Gulat si Alma dahil lahat ng estudyante ay takot sa kanya kaya sino kaya ang dadalaw? Lalong nanlaki ang mata niya sa nakitang nakaupo sa sala, si Nico Delmar, ang palagi niyang sinasabihan ng bobo sa isip niya. “Ma’am, kumusta ho?” nakatungo ito at tila natatakot. “Ayos naman ako. Paano mo nalaman ang sa amin?” kalmadong tanong niya. “Ipinagtanong ko ho. Naisip ko lang kasi kung papasok na kayo sa eskwelahan ay walang mag aakay sa inyo.. dahil t-takot sila sa iyo pero gusto ko hong malaman ninyo na nandito ako kung kailangan nyo po ng tulong.” mahinang sabi nito. Kinain naman ng kunsensya si Alma. Ang mga matatalinong estudyante na pinuri puri niya at tinututukan ay hindi man lang siya nagawang alalahanin ngunit ang estudyanteng lagi niyang pinapahiya ang siya pang may gintong puso para tulungan siya. Simula noon ay mas naging mabuting guro si Alma. Kapag mahina ay estudyante ay lalo niya itong tinututukan para matuto, sa paraang maayos. Lalo siyang kinagiliwan ng marami, biniyayaan na rin sila ng kanyangbasawa nang isang supling.Marahil ay nakita ng Diyos na handa na siyang mag alaga nang buong puso sa isang bata, mahina man ang ulo nito o matalino ay kaya na iyong tanggapin ni Alma. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page. Disclaimer: Photos are for illustration purposes only.

Advertisement