Inday TrendingInday Trending
Minaltrato ng Matandang Ito ang Manugang na Laki sa Hirap, Hindi Niya Akalaing Ito ang Mananatili sa Kanyang Tabi nang Manganib ang Kanyang Buhay

Minaltrato ng Matandang Ito ang Manugang na Laki sa Hirap, Hindi Niya Akalaing Ito ang Mananatili sa Kanyang Tabi nang Manganib ang Kanyang Buhay

“Tapos ka na ba maglaba, Lolita?” tanong ni Aling Carling sa kanyang manugang. “Opo, Mang.” “Ayusin mo ang paglalaba baka mamaya makakita na naman ako ng mantya sa damit ko ha?” pagbabanta niya pa dito. Nasa abroad kasi ang kanyang nag-iisang anak kaya naman tanging ang manugang niya lang ang kasama niya sa bahay. Hindi naman niya masasabing nagpapaalaga siya dito dahil ang lakas-lakas niya pa. Naiinis pa nga siya dito day7hil hindi alam kung paano kumilos nang pino at sosyal. Mayaman ang pamilya nina Aling Carling kaya hangga’t maaari ay gusto niyang maayos rin ang kilos ng mga kasama niya sa bahay, lalo na ng kanyang mga apo. Nagbabayad pa nga siya ng isang private tutor upang turuan ng Ingles ang mga ito. Pero itong tangang nanay nila ay sadyang makulit dahil palagi na lamang kinakausap ng tagalog ang mga anak. “Ano ka ba naman, Lolita? Ilang beses ko bang sasabihin sayo na kausapin mo ng Ingles ang mga anak mo. Nasasayang ang pera ko sa pagbabayad sa private tutor nila! Tapos kakausapin mo lang sa Tagalog, lintik ka!” gigil na gigil niyang turan sa manugang nang marinig na nagbubulungan sa Tagalog na lenggwahe ang kanyang mga apo at si Lolita. “Sorry po, Mang hindi po kasi ako maalam sa Ingles,” paliwanag nito. “Edi pilitin mo, gaga ka! Kaya nga kita tinatambakan ng mga librong Ingles para basahin mo, hindi para titigan mo,” naha-highblood na naman siya dito. “Kunsabagay ay galing ka nga pala sa putik, kaya ang hirap mong iangat.” Hindi niya na alam kung ano ang gagawin sa manugang. Palagi siya nitong sinusuway kaya naman madalas talagang kumulo ang dugo niya dito. Hindi niya na natiis at tinawagan niya na ang anak sa abroad upang magsumbong na naman dito. Ngunit nagtaka siya dahil ibang tao ang sumagot sa kanya, “Nandyan ba si Carlos, pakisabi ako ‘to, Mamang niya.” “Ay pasensya na po, umalis si Carlos noong isang linggo pa. Wala ring paalam sa boss namin, ang balita ay nakipagtanan siya sa kasamahan niyang babae.” Ganoon nalang ang pagkabigla ni Aling Carling sa narinig. Hindi niya muna sinabi ito sa manugang. Sa halip ay pinilit ipahanap sa agency nito sa Macau. Ngunit kahit ang mga ito ay hirap ring mahanap ang lalaki. Ilang buwan ang lumipas ay nahirapan si Aling Carling dahil wala na siyang natatanggap na malaking padala mula sa anak. Tanging ang negosyo niya nalang ang inaasahan niya. Dahil doo’y nagkasakit siya nang malubha at laking-pagtataka niya dahil ang manugang niya pa rin ang nag-asikaso sa kanya. “Hindi ba dapat iwan mo na rin ako?” tanong niya sa manugang, “Tinraydor ka ng asawa mo kaya dapat iwan mo nalang rin ang walang-kwenta mong byenan.” Umiling ang babae, “Hindi po kita iiwan ‘mang. Kahit niloko po ako ni Carlos, kayo pa rin po ang lola ng mga anak ko. Kaya aalagaan ko nalang po kayo kahit hindi na tayo balikan ni Carlos.” Napaluha ang matanda sa sinabi ng mabait na manugang. Naisip niya kasing kapag iniwan pa siya nito kasama ng mga apo niya ay wala na talaga siyang katuwang at kasama sa buhay. Siguro lugmok at napakalungkot ang magiging buhay niya noon. “Patawarin mo ako, Lolita kung hindi ako naging mabuting byenan sayo. Patawad…” wala siyang ibang masabi kundi ang humingi ng tawad dito habang umiiyak, “Wala akong maiharap na mukha sayo.” Hinawakan nito ang kamay niya, “Mang, matagal ko na po kayong napatawad. Sa katunayan nga po’y malaki ang pasasalamat ko sa inyo sa pagmamahal niyo sa mga anak namin. At hindi niyo pa rin kami pinabayaan kahit na nagloko na si Carlos.” Nagyakapan ang mag-byenan. Doon nagbago nang tuluyan si Aling Carling at pinangakong magiging mabuti na siyang lola at byenan sa mag-iina. Sa mga oras ng problema, dito natin mapapatunayang bilog nga ang mundo. Kaya naman hindi tayo dapat manghusga ng ating kapwa. Hindi natin dapat maliitin ang kakayahan ng mga mahihirap. Dahil kung minsan, kung sino pa ang walang laman ang bulsa, ay siya pang mataba ang puso sa pagmamahal at pagpapatawad. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement