Inday TrendingInday Trending
Kinainggitan ng Babaeng Ito ang Ate na Nakapangasawa ng Amerikano, Hindi Niya Inasahan ang Patong-patong na Kamalasan sa Pagsunod sa Yapak Nito

Kinainggitan ng Babaeng Ito ang Ate na Nakapangasawa ng Amerikano, Hindi Niya Inasahan ang Patong-patong na Kamalasan sa Pagsunod sa Yapak Nito

Si Marlyn ay isang dalagang nangangarap na makapunta sa Amerika. Bata pa lamang siya nang mabuo niya ang pangarap na ito. Ito ay dahil madalas niyang mabalitaan ang tagumpay at pagyaman ng mga kakilala niyang nagtutungo sa Amerika. Lalo siyang nabuhayan ng pag-asa nang may makilalang Kano ang kanyang ate at ‘di kalauna’y kinuha ito at pinakasalan sa Amerika. Inggit na inggit siya dito at pinangakong tulad ng kapatid niya’y makakatuntong rin siya sa kanyang pangarap na lugar. Hindi nga nagtagal, bunga ng madalas na pangungulit niya sa kanyang ate Laura ay tinulungan siya nitong makapunta ng Amerika. “Mabibigyan ka namin ni John ng tourist visa. Pero ipangako mong 6 months ka lang mag-istay dito. Maliwanag?” Natuwa siya sa sinabi ng ate. At kahit wala sa loob niya ay agad siyang um-oo sa kundisyon nito. Sayang-saya si Marlyn nang sa wakas ay matutupad na rin ang kanyang pangarap. Nakasakay na rin siya ng eroplano at nakatapak sa sinasamba niyang lupa–ang Amerika. Ngunit lumipas ang mga buwan at nalungkot siya dahil patapos na ang kanyang visa. Hindi rin naman siya nakahanap ng trabaho doon dahil masyado siyang nag-enjoy sa pamamasyal. Talagang ginawa niya lang bakasyon ang pagtungo niya doon. “Hindi ako papayag. Ngayon nandito na ako ay hindi na ako aalis dito,” pangako niya sa sarili. Kaya nga nang matapos ang visa niya, kahit awayin pa siya ng ate niya, ay hindi siya nagpatinag. Nagmakaawa at nagdrama siya dito. Dahil hindi siya matiis nito ay pumayag rin sa huli. Sa huli’y naging isa siya sa mga tinaguriang TNT o “tago ng tago” sa Amerika. Nanatili siyang nakitira siya sa kanyang ate. Ngunit isang gabi ay narinig niya ang usapan nito at ng asawa nitong Amerikano. “How long should we be burdened by your jobless sister?” Dahil doo’y napilitan siyang umalis sa puder ng kanyang ate. Hindi lang kasi iyon ang unang beses na narinig niya ito sa kanyang bayaw. Nag-iwan na lamang siya ng sulat sa ate niya. Ilang araw ang lumipas ay wala pa rin siyang trabaho. Naranasan na niyang matulog sa malamig na semento ng pinapangarap niyang bansa. Naisip niyang hindi pala ganoon kadali ang lahat. Noon akala niya, kapag nakarating siya ng Amerika ay yayaman na siya agad. Hindi pala totoo iyon. Kapag hindi ka masikap at swerte, hindi rin agad-agad ang pagyaman ng isang tao. Hindi basehan ang bansa, at lalong hindi basehan kung piso o dolyar ang kikitain mo. Nasa pagsisikap at determinasyon iyon ng tao. Dahil doo’y umuwi muna ng bansa si Marlyn. Pagkatapos ay nagsumikap siyang makapagtapos ng pag-aaral upang makahanap ng matinong trabaho mapa-Pilipinas man o Amerika. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement