Inday TrendingInday Trending
Sikretong Pampaganda

Sikretong Pampaganda

Isang anghel daw itong si Cassidy, ayon na rin sa pagkakakilala sa kaniya ng kaniyang mga kaeskuwela. Mabait, palakaibigan at magalang. Lagi, ay may suot na napakagandang ngiti sa mga labi sa tuwing makikita nila ito. Iyon siguro ang dahilan kung bakit tila hindi man lamang nadaragdagan ang edad nito kada taon, gayong, halos ay magtatapos na ito sa pagdo-doktor. Kaya naman hindi na kataka-takang napakaraming kalalakihan ang nagkakandarapa sa kaniya.

Pinipilahan siya ng mga kalalakihan. Panglaban ang kaniyang kagandahan sa ibaʼt ibang pageant.

“Cass!”

Nilingon ni Cassidy ang boses na iyon ng lalaki nang tawagin siya nito habang naglalakad siya palabas ng campus. “Oh, Paulo, ikaw pala.” Isa pala sa masusugid niyang manliligaw.

“Ako nga. Uuwi ka na ba? Hatid na kita?” sunod-sunod na tanong at alok ng nakangiting binata habang namumungay ang mga matang nakatitig sa magandang mukha ni Cassidy na kulang na lamang ay maglaway sa harapan nito.

Ngumiti ang dalaga. Hindi na sumagot pa, bagkus ay nakangiting iniabot na lamang ang kaniyang mga dala-dalahan sa tagahanga. Buo ang tiwalang, magiging mas maayos ang kaniyang pag-uwi dahil ngayon ay ihahatid siya ng binatang kaniya rin namang hinahangaan.

Samantala, tila nagkaroon naman ng munting pagdiriwang sa loob ng binata dahil sa pagpayag na iyon ni Cass. Mukhang matagumpay niya nang maisasagawa ngayon ang matagal na niyang binabalak na gawin… Isang mahalay at napakasamang balak ng isang lalaking hayok sa kagandahan ng babaeng sa matagal na panahon ay tanging sa litrato lamang niya nagagawang pagparausan.

Ganoon na lamang ang naging gulat ni Cassidy nang bigla siyang hilahin ni Paulo papunta sa isang madilim na eskinita…

“Paulo, anoʼng ginagawa mo?!” kinakabahang tanong ni Cassidy ngunit hindi iyon pinansin ng lalaki. “P-Paulo, huwag!”

Iniitsa siya nito sa pader at sinimulang halikan, saka siya nito sapilitang hinalay nang paulit-ulit bago ito naglabas ng isang patalim at itinarak iyon sa kaniyang leeg.

Ngunit halos kilabutan si Paulo nang hindi man lang masaktan sa saksak si Cassidy. Bagkus ay ngumisi ito. Kitang-kita ng lalaki kung paano naghilom nang mabilis ang sugat dulot ng kaniyang pagsaksak.

Biglang hinapit ni Cassidy ang batok ng lalaki at pinaglapit ang kanilang mga mukha. “Ayaw ko sanang gawin ito. Gusto rin naman kita, Paulo, pero pare-pareho lang pala kayo,” galit na sabi ng babae bago nito hinalikan si Paulo.

Doon ay sinipsip ni Cassidy ang lahat ng dugo ng lalaki hanggang sa matuyuan ito. Sa pagkakataong iyon ay nagbalik sa balintataw ng dalaga ang kaparehong pangyayaring paulit-ulit na lamang niyang nararanasan. Halos lahat ng mga lalaking napapalapit sa kaniya ay gusto lamang siyang pagsamantalahan. Pare-pareho sila! Lahat ng lalaking iyon ay pinarusahan niya. Kinitil ni Cassidy ang buhay nila. Para sa kaniya ay walang karapatang mabuhay sa mundo ang nga ganoong klaseng nilalang kayaʼt siya na ang humatol.

Kinabukasan ay masiglang pumasok si Cassidy sa eskuwela. Pakiramdam niya’y muli na namang nabawasan ng ilang taon ang edad niya. Sinalubong siya ng isa sa kaniyang mga kaeskuwela upang ibalita ang kalat na kalat nang chismis sa kanilang campus…

“Cass, ‘di ba, manliligaw mo si Paulo? Natagpuan daw siyang nakahandusay sa isang eskinita kanina… wala na raw siyang buhay pagdating sa ospital. Nakapagtataka nga lang na sumakabilang-buhay siya dahil sa pagkaubos ng dugo, gayong wala namang nakitang sugat sa katawan niya,” mahabang litaniya ng kaniyang kaeskuwela, na sinagot lamang niya ng isang misteryosong ngiti.

Sa isip ni Cassidy ay mukhang kailangan niya na namang magpalit ng katauhan upang bawasan ang pagtataka ng mga tao tungkol sa kaniyang pagkatao. Kailangan niyang panatilihing lihim ang kaniyang pagiging bampira.

Hindi na tinapos ni Cassidy ang pagdodoktor sa eskuwelahang iyon, at agad siyang lumipat ng lugar na tinitirhan. Muli ay hindi na niya kinausap ang mga dating kakilala. Si Cassidy ay nangupahan sa isang dorm na malapit sa bago niyang eskuwelahan kung saan niya ipagpapatuloy ang pag-aaral ng medisina.

“Cass, sabay na tayong umuwi?” isang bagong kakilala ang lumapit sa kaniya habang papauwi siya nang hapong iyon.

“Sige ba,” pagpayag niya.

Sa pagkakataong iyon ay inaasahan na niya ang balak ng lalaki. Handa na sana siyang busugin ang sarili sa dugo nito, ngunit wala naman itong ginawa upang saktan siya. Inihatid lamang talaga siya ng binata.

“Sige, Cass, thank you sa pagsabay sa akin. Next time ulit, ha? Bye!” Kumaway-kaway pa ito.

Napangiti na lang si Cassidy. Ito ang kauna-unahang pagkakataong inihatid siya nang ligtas ng isang lalaki. Ito ang unang pagkakataon na may lalaking ni hindi gumawa ng hakbang upang mabilis siyang ma-tyansingan. Ito ang unang lalaking hindi niya kinitilan ng buhay dahil hindi ito masama. Puro ang ganda ng kalooban nito at walang dahilan si Cassidy upang itoʼy parusahan.

Advertisement