Isang Biyaya ang Natanggap ng Ale na Ito Matapos Ibalik ang Nahulog ng Isang Matandang Mayaman
Maagang gumising si Ofelia, kailangan niya kasing mauna sa dalampasigan dahil doon ang pwesto ng mga mangingisdang kagagaling lang sa dagat. Doon siya kumkuha ng mga ilalako dahil tiyak na sariwa, kaya lang, nagalaw niya ang puhunan kaya tiyak na tahong lang ang mabibili niya, ayos na yon, kaysa wala. Mangingisda ang asawa ni Ofelia pero nagkasakit ito kaya ngayon ay namumuhunan lang siya. Napailing na lang ang babae, kung sana ay maigi ang pakiramdam ni Jonjon, edi sana ay hindi na niya kailangan pang bumili ng ibebenta. Naglakad lang siya papunta doon, tutal ay madaling araw pa lang naman at hindi mainit. Nakatungo siya at nagulat na lang nang isang pitaka ang bumagsak sa harapan niya, pagtingin niya sa nakahulog ay papalayo na ang nagja-jogging na matandang babae, siguro ay nasa 60 na ito. “Ate! Ma’am!” habol niya rito. Napalingon naman ito kaagad sa kanya, kaya iniabot niya kaagad ang pitaka. “Oh my God! Thank you neng. Hindi ko napansin.” sabi ng matanda na talaga namang gulat na gulat. “Wala po iyon, ingat po kayo sa susunod.” sabi niya rito at nagmadali nang maglakad, baka maubusan siya ng paninda, nakatanaw naman sa kanya ang natuwang matanda. Tanghali na ay di pa nakakaubos si Ofelia, tama siya, mga tahong lang ang kanyang nabili sa maliit na puhunan. “Tahong! Te tahong kayo dyan!” todo sigaw na siya, magtatanghalian na kasi at hinihintay siya ng kanyang mag-aama para sa pagkain, pag hindi naubos ito ay mapipilitan siyang umuwi na at malulugi siya. “Psst, tahong, oy!” sabi ng isang babae mula sa malaking bahay. “Te, kuhanin mo na po. ” sabi niya sa babae. “Tingin nga, sus hindi naman matataba!” pintas ng babae. “Hindi ka lugi dyan ate, matataba po yan. Bigay ko na sayo ng walang tubo, basta po makaubos ako.” pakiusap niya rito. Pinagbubuksan nito ang mga tahong, inamoy amoy rin at pabalibag na hinagis muli sa kanyang timba, nagulat si Ofelia sa inakto nito. “A-ate, kukunin nyo na ho ba?” sabi niya rito. “Hindi! Ang lansa kaya ng tahong, ayoko na pala bigla. Tsaka payat naman ang mga tinda mo, ang mahal pa!” sigaw nito sa kanya. Gumuho ang munting pag-asa ni Ofelia na makakabenta siya. Akala niya pa naman, mababawi niya man lang ang puhunan. “Hindi tama yang ginawa mo sa kanya Vicvic.” sabi ng boses ng isang matandang babae na parang pamilyar, paglingon ni Ofelia ay nakita niya ang matandang babaeng nahulugan ng wallet kaninang umaga. “Pasensya ka na neng, sa kasambahay namin. Ilan pa ba iyang tahong mo? Kukunin ko na lahat. Bukas ay dalhan mo ako ulit ha?” nakangiting sabi nito. Napatango naman si Ofelia sabay sulyap sa kasambahay na ngayon ay di makatingin ng diretso sa kanya. Palihim na lang siyang napailing, kung sino talaga ang hindi totoong mayaman ay sila pa ang mapagmataas sa kapwa, iyon marahil ang dahilan kaya hindi sila umaasenso sa buhay. Ang alam ni Ofelia, hindi rin nagtagal si Vicvic doon, bigla nalang itong hindi umuwi matapos may mawalang gamit ang matandang babae. Di na naman din ito hinanap pa. Habang siya naman, naging regular na ang pagra-rasyon ng paninda sa malaking bahay, kahit pa isda iyon o tahong. Minsang magalaw niya ang puhunan ay gulay ang itininda niya pero binibili pa rin iyon ng matanda, siguro ay paraan na nito iyon ng pagtanaw ng utang na loob sa ginawa niya noon. Hindi akalain ng babae na ang maliit na pabor na pagbalik ng pitaka nito noon ay magbibigay sa kanya ng isang kaibigang maaasahan niya sa panahon ng kagipitan. sa ibaba.Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.