Inday TrendingInday Trending
Nangungurakot ng Pera sa Barangay ang Babaeng Ito, Di Niya Akalain na Babalik ang Panloloko Niya sa Kanyang Ina

Nangungurakot ng Pera sa Barangay ang Babaeng Ito, Di Niya Akalain na Babalik ang Panloloko Niya sa Kanyang Ina

Si Marlene ay nagtatrabaho bilang sekretarya sa isang maliit na barangay dito sa Maynila, nakapag-aral naman siya ng kolehiyo pero hindi siya nakakapasa sa mga interview para sa mga opisina kaya naman dito na lang siya pumasok kahit na maliit ang sahod, wala pa naman siyang asawa. Hindi man matalino ay tuso ang babae, magaling siyang manloko ng kapwa. c Sa katunayan, kahit maliit ang sahod ay nabibili niya ang gusto niya dahil nakaka-kolekta siya ng pera mula sa mga tao sa barangay na ito, napakadali naman kasing utuin lalo na iyong mga wala namang pinag-aralan. Mga shunga! tatawa-tawang naiisip niya habang nakapila ngayon ang mga tao at pumipirma sa sinasabi niyang ‘savings’ ng barangay. “Ma’am, pag ho ba patak ko ng 60 years old ay may makukuha na akong pensyon?” tanong ni Aling Amelia, isang tindera ng kalamay. “Oo Aling ‘Melia, basta regular ang pagbibigay nyo buwan buwan.” nakangising sabi niya. “Salamat naman, ibinabawas ko ito sa puhunan ko sa kalamay eh. Ayaw pang maniwala ng anak ko, makikita niya. Dalawang taon na lang ay 60 na ako. Nakakapagod na rin hong magtrabaho.” sabi nito, tumango lang naman si Marlene, hindi man lang nakaramdam ng pagka-konsensya sa ginagawa niya. Ang kapitan nila ay wala naman halos pakialam, sa kanya na nito iniwan ang lahat ng trabaho sa barangay. Lalabas lang ito kapag may mga karangalang makukuha o kahit na anong gawain na magpapabango sa pangalan nito tulad na lang ng mga liga, o kaya naman kapag may dumadalaw na mga organisasyon para tumulong sa kanilang barangay. Magpapalagay pa ito ng malaking karatula, salamat sa inyo mga kababayan! Pero mas malaki ang letra sa kanyang pangalan, by: KAP. EMONG RUSIT. Pagkatapos ng paniningil ay pumunta sa mall si Marlene, bumili siya ng bagong cellphone. Habang inaayos ng tindera ang resibo ay isinalansan niya ang laman ng kanyang bag, excited na siyang umuwi sa kanyang nanay sa probinsya. Mahal na mahal niya ang babae at buwan-buwan ay nagpapadala siya rito. Wala na kasi siyang tatay, nag-iisa lang din siyang anak kaya silang dalawa na lang ng nanay niya ang magkasama sa buhay. Pagdating niya sa kanilang probinsya, naabutan niya ang ina na may inaayos na mga papel sa kanilang papag. “Nay!” panggugulat niya rito. “Ay ano ba yan Lenlen! Muntik kong maihagis itong mga resibo ko!” sigaw nito. “Hahaha! Ano ba yan? Importante ba yan? Kung mga resibo yan ng padala ko, pwede mo nang itapon iyan nanay hindi na gagamitin yan.” sabi niya rito. “Ano ka ba, hindi ha. Mahalaga ito para magkaroon ako ng pensyon.” sabi ng kanyang ina na nagbigay sa kanya ng kaba. “A-anong pensyon nanay?” tanong niya. Nakangiti ang matanda na isinasalansan ang mga ‘resibo’ na nang tignan niya ay alam na niya agad na peke, syempre, gawain niya rin iyon. “Ah, sabi ng coordinator ng barangay natin dito anak na kapag 70 ko raw ay magkakaroon ako ng pensyon basta buwan-buwan akong magbibigay sa kanila ng pera parang ipon ng barangay. Iyong pinapadala mo nga ay kumukurot lang ako ng konti, doon ko binibigay lahat.” Parang pinagbagsakan ng langit at lupa si Marlene, alam niyang na-karma na siya. Ang panloloko niya sa mga matandang walang alam ay bumabalik ngayon sa nanay niya. Hindi siya umumik maghapon, nasa kwarto lang siya at umiyak nang umiyak. Sinikap ni Marlene na makahanap ng bagong trabaho, nahirapan siya pero pinagtyagaan niya talaga. Umamin rin siya sa mga tao na isa siyang manloloko, may mga nagalit pero nakakagulat na karamihan pa rin ay kay dali siyang pinatawad. Unti unti, ibinalik niya ang pera ng mga ito. Hindi na nabibili ni Marlene ang mga luho niya pero mas magaan ang buhay niya ngayon, dahil wala na siyang nilolokong tao at binubuhay niya sa marangal na paraan ang kanyang ina. sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement