Pinagbintangan ang Babaeng Ito ng Boss Niya na Nagkalat ng Itinatagong Baho Nito, Takot Lang Pala Itong Maranasan Muli ang Sakit ng Nakaraan
“Pinagsabi mo siguro ang sikreto ko no! Pakiramdam ko’y pinag-uusapan nila ako eh!” sigaw ni Tina sa bagong kasamahan na si Erza. Kabago-bago palang niya sa trabaho ay may nagagalit na agad sa kanya. Hindi niya naman kasi sinasadya na malaman ang sikreto ng kasamahang si Tina. Kakalipat niya lang rin sa isang pinapaupahang maliit na bahay sa iskwater at doon ay natuklasan niya na kapitbahay niya pala ito. Si Tina kasi ay isa sa mga tinitingala sa kanilang opisina. Tinuturing itong Diyosa at perpekto sa trabaho. Kaya naman marami ang nagkakagusto dito. Bukod kasi sa kagandahang taglay nito ay napakagaling pa nito sa trabaho. Alam rin ng lahat na mayaman siya at nakatira sa isang subdivision. Siya na ang perpektong depinisyon ng isang “perfect dream girl.” Kaya nga heto ngayon si Erza na pinagbibintangan at sinesermunan ng senior niya sa trabaho dahil sa pag-aakala nitong pagkakalat niya ng chismis ukol dito sa opisina. “Miss Tina, hindi po. Promise Miss Tina hindi po talaga. Wala akong pinagsabihan ‘ni isa,” mapagkumbaba niya pa ring ika dito. Doon naman huminahon ang babae, “Siguraduhin mo lang Erza, masisira ang image ko dito sa trabaho!” Nang may pumasok na ibang tao sa loob ng restroom ay iniwan na siya ni Tina. Napapailing na lamang si Erza sa inaakto ng babae. Hindi niya malaman kung bakit sobra nitong iniingatan ang imahe sa trabaho. Ngunit ilang oras lamang matapos siya nitong kumprontahin ay dinaanan siya nito sa office desk niya, “Pwede ka bang mayayang magdinner mamayang pag-out natin?” Hindi katulad kanina na tila ito dragon sa galit, ngayon ay mas kalmado na ito at nakangiti. Gusto niya sanang tanggihan iyon ngunit muli itong nagsalita, “Don’t worry, hindi ako mangangagat.” Kaya naman wala na siyang nagawa pa at sumama rin dito upang kumain sa labas nang oras ng uwian nila. Doon ay nagkwento ito habang kumakain. “Sorry sa mga nasabi ko kanina. Alam ko nagtataka ka kung bakit ingat na ingat ako sa imahe ko,” napaangat siya ng tingin sa sinabi nito. “Takot na kasi ako…” Napaangat siya ng tingin dito, “Bakit po?” “Ayoko na kasing mahusgahan dahil lamang sa maliit at mabahong tirahan ko. Dati akala noon walang pinagkaiba ang bahay ng mahihirap sa mayayaman. Masaya kami noon ng pamilya ko na kahit sobrang liit ng bahay namin.” “Pero habang tumatanda ako ay pinapamukha nila sa akin na mahirap lang ako, na kahit sino ako, kahit anong galing ko, in the end mahirap lang ako at wala akong karapatang makihalubilo sa kanila.” Umiiyak na si Tina, “Kaya simula noon ay pinangako ko sa sarili ko na kapag nagkapamilya ako, hindi ko hahayaang maranasan ng magiging anak ko ‘yun. Na kahit anong galing nila ay hindi marecognize dahil mas nangingibabaw ang katotohanang mahirap lang sila.” Nakaramdam ng simpatya si Erza sa sinabi ni Tina. Kaya naman hinawakan niya ang kamay nito, “Okay lang ‘yan Miss Tina.” Ngumiti ito sa kanya, “Pero pakiramdam ko ay malapit na akong umahon sa pagtatago. Nakaipon na kasi ako ng sapat na halaga para maka-avail ng bahay sa maayos na lugar.” Natuwa siya para dito, “Talaga po? Nakakatuwa naman!” Tinapik nito ang balikat niya, “Kaya ikaw mangarap ka rin. Huwag mong hayaang hamakin ka ng iba. Okay lang na tanggap mo kung nasaan ka ngayon, pero huwag mo pa rin kalimutang mas mahalin ang sarili mo at biyayaan ng magandang kinabukasan.” Napangiti si Erza sa payo ni Tina. At iyon ang naging dahilan upang magsimula siyang mag-ipon para sa sarili. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.