Kinurot ang Puso ng Mayamang Lalaki na Ito nang Makilala Niya ang Mahirap na Magkapatid na Nagpakita sa Kanya kung Ano ang Buhay
Masayang-masaya ang binatang si Lawrence dahil sa wakas ay tinupad rin ng kanyang nakatatandang kapatid ang pangako nitong regalong sasakyan para sa kanyang kaarawan. Agad niya itong ginamit upang mamasyal sa labas. Huminto siya sa isang convenience store upang bumili ng makakain habang nagjo-joyride. Ngunit sa kanyang paglabas sa store ay may nakita siyang binatang halos kasing-edad niya lang rin. Medyo marumi ang damit nito na tila galing pa sa trabaho bilang construction worker. “Yes? May maitutulong ba ako?” tanong niya dito dahil napansin niya itong nakamasid sa sasakyan niya kanina pa. Ngumiti ito sa kanya, “Namamangha lang ako sa sasakyan mo. Bagong bili mo ba ito?” Napangisi siya, “Hindi ako bumili niyan. Regalo sa akin ng kuya ko.” Lalong namangha ang lalaki, “Wow! Ang galing naman, sana…” Napatigil ito sa sinasabi. Tila may gusto pa itong sabihin. “Baka gusto niyang sabihin na sana may kuya rin siya katulad ng kapatid ko na nireregaluhan siya ng mamahaling sasakyan.” “Sana katulad rin ako ng kuya mo na kayang regaluhan ang kapatid ng ganyang bagay ang nakababatang kapatid,” malungkot na sabi nito. Nakita niya kung gaano ito kaseryoso sa sinabi. Kaya naman nagdesisyon siyang yayain itong ihatid sa bahay nito. Masaya naman nitong tinanggap ang paanyaya niya. Nalaman niyang construction worker nga ang lalaki. At matagal na daw nag-iipon ito para sa kaarawan ng nakababatang kapatid. Ito rin daw ang nag-aalaga mag-isa dito. “Matagal na kasi kaming inabandona ng tatay namin simula nang mawala ang nanay namin.” Naawa siya lalo sa sitwasyon nito. Naalala niya ang madalas niyang pagrereklamo sa buhay. Kung minsan kasi, kulangin lang ng isang libo ang lilibuhing allowance niya ay todo-reklamo na siya sa mga magulang. Nagkaroon pa sila ng masayang kwentuhan. Sa loob lamang ng maiksing oras ay nakilala niya ito nang lubusan at marami siyang natutunan. “Pare pwede mo ba akong ibaba sa tapat ng bahay ko?” pakiusap pa nito. Napangiti tuloy siya habang may lumalaro sa isip niya ang isiping, “Baka gusto niyang ipagyabang sa mga kapitbahay na nakasakay siya sa magarang sasakyan.” “Saglit lang pare, papakilala kita sa kapatid ko,” masayang ika nito sa kanya. Ngunit nagtaka siya nang makita itong inaalalayana ng kapatid palabas ng bahay. Pilay pala ito at may kapansanan. Masaya nitong tinuro ang magarang sasakyan niya. “Sabi ko sayo totoo eh. Bigay lang ‘yan ng kuya niya. Huwag ka mag-alala Jeron, kapag yumaman tayo, ibibili rin kita n’yan!” Tila hinaplos nito ang puso niya at hindi niya alam kung bakit bigla nalang siyang naluha sa senaryong nakita. Kaya naman bumaba siya ng sasakyan at inalalayan ang nakababatang kapatid ng bagong kaibigan patungo sa sasakyan niya. “Tara, mag-joyride pa tayo!” Masayang-masaya ang dalawa sa pagyaya niya. Doon ay mas lalo niya pang nakilala ang mga ito. At doon nagsimula ang pagkakaibigan nilang tatlo. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.