Harap-harapang Kinukutya ng mga Empleyado ang Matandang Boss Dahil Bingi Naman Ito, Nagkagulatan na Lamang Sila nang Lumabas ang Katotohanan sa Huli
Nakangiting umupo si Stephanie sa kanyang cubicle sa bagong opisina na pinapasukan, kaga-graduate niya lang kasi sa kursong Business Management noong nakaraang buwan at ito ang una niyang trabaho kaya naman walang pagsidlan ang sayang nararamdaman niya ngayon. “Hello, ako si Steph. ano’ng name mo?” masayang tanong niya sa katabi. “Ah. Ako si Mae,” simpleng sagot nito. Kahit tila walang pakialam ang kausap ay sayang-saya siyang tumango at sinimulang isalansan ang mga kagamitan niya sa opisina. Maya maya pa ay pumasok ang isang matandang babae, sa itsura palang nito ay masasabi nang mataas ang posisyon ng babae dahil makinis ang kutis nito, kahit may edad na ay makikita pa rin ang ganda ng mukha nito, elegante rin ang pananamit maging ang kilos. “Ayan ang boss natin, bwisit nga ang matandang yan eh, ang tagal tagal na wala pa ring napo-promote sa amin dito. Kesyo wala raw mapili, sus!” iritang sabi ni Mae sa kanya. “Huy, wag ka namang maingay. Baka marinig niya tayo, ayan lang sya o.” saway niya sa babae. “Bingi yan.” sabi pa nito na sinabayan pa ng tawa pagkatapos. “Kahit na, alam mo, boss natin siya kaya dapat i-respeto pa rin.” sabi niya rito. Inirapan lang siya ng babae. Ilang buwan ang lumipas, ginagawa ng maayos ni Stephanie ang kanyang trabaho at hindi siya nakikisali sa mga kasamahan kapag pinagtatawanan ng mga ito ang kanilang boss. Minsan ay harap-harapan pang tumatawa ang mga ito, wala namang kibo ang matanda dahil siguro di nito naririnig ang sinasabi ng mga empleyado. Iniisip ng iba na wala siyang pakisama pero hinayaan niya na lang, boss man nila o hindi, hindi niya matatanggap na mambastos lalo na ng mga taong may kakulangan. Isang araw, ipinatawag siya ng matanda sa opisina nito. Dahan dahang pumasok si Stephanie, naabutan niya ang nakangiting matanda. “Goodmorning po Ma’am,” magalang na sabi niya, medyo nilakasan niya ang boses para marinig siya nito. “Sit down,” sabi ng babae. Umupo naman si Stephanie sa upuan sa tapat ng table nito. “Ipinatawag kita, dahil gusto kitang batiin, ikaw ang napili kong maging bagong assistant manager. Congratulations on your promotion!” nakangiting sabi nito at kinamayan pa siya. Tulala naman ang babae at hindi makapaniwala. “Bakit po ako? 6 months palang po ako dito, marami pa po akong hindi natututunan Ma’am.” tapat na sabi niya. “Wala namang nagsimula sa itaas hija, lahat tayo ay nagsisimula sa wala. Matututo ka rin, kita ko sa’yo na mahal mo ang trabaho, bukod doon, nasayo ang pinakamagandang katangiang nakita ko, marunong kang rumespeto.” sabi nito. Sa totoo lang ay medyo nagtataka na siya, para kasing mahina lang naman ang pagkakasabi niya ng mga salita kanina pero nakakasagot ito, baka may suot n hearing aid kaya agad na nakakaintindi. Tila naman naintindihan ng babae ang iniisip niya, “Natatandaan mo ang sabi mo 6 months ago? Na dapat ay irespeto pa rin ako?” nakangiting sabi nito. “N-Narinig nyo po? Hindi po kayo bingi?!” gulat na sabi niya. Umiling ito. “Nagpanggap ako para lumabas ang tunay na ugali ng mga empleyado. Ang isang assistant manager ay dapat na marunong gumalang sa kapwa sa kabila ng kanyang kapangyarihan, at sayo ko nakita iyon. Congratulations.” Tila isang panaginip ang lahat. Hindi inasahan ng dalaga na sa simpleng pag-respeto na ginawa niya sa kapwa ang magdadala sa kanya sa tagumpay. sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.