Nagtataka ang Nobyo kung Bakit Tuwing Sasapit sa Hapon ng Kanilang Pamamasyal ay Naiinis sa Kanya ang Nobya, Inalam Niya ang Ugat Nito at Naghanda ng Kakaibang Surpresa
Nag-aaway na naman ang magkasintahang Clint at Lora sa shopping mall kung saan sila madalas mamili. Hindi malaman ng binata kung bakit palagi nalang mainit ang ulo ng kasintahan sa tuwing papatapos na silang mamili. “Ano bang problema mo?” tanong niya kay Lora. “Wala!” inis na bulyaw ng kasintahan niya. Napapakamot na lang siya sa ulo. Halos ganoon palagi ang sistema nila. Nagtataka lang talaga siya kung bakit tila may oras ang pag-iinit ng ulo ng kasintahan. “Kakaiba talaga ang mga babae…” bulong niya. Kinagabihan ay inisip ni Clint ang nobya. Hindi na niya namalayan kung anong oras siya nakatulog kakaisip. Isang buwang pinagmasdan at pinag-aralan ni Clint ang galaw ng nobya. Nahirapan siya noon una dahil nakakahalata ito sa ginagawa niya. Hanggang isang araw ay napasigaw nalang siya ng, “Alam ko na!” Matagal pinaghandaan ng lalaki ang gagawin. Nanghiram ng mga gamit sa ate niya at nagpatulong na rin dito. “Ano bang gagawin mo dito sa heels ko, Clint?” tanong ng Ate Chacha niya. “Basta, Ate tulungan mo nalang ako.” Hindi muna siya nakipagkita sa nobya. Talagang hirap na hirap siya sa paghahanda ng surpresa dito. Laking-pasalamat niya rin dahil todo-support naman ang kapatid niya. “Ililibre mo ko sa labas kapag natuwa si Lora dito ah!” “Oo ate, promise!” Hanggang dumating ang araw ng anibersaryo nina Clint at Lora bilang magkasintahan. Excited na siyang ipakita ang surprise sa nobya. Kahit pa puro pang-aaway na ang inabot niya dito dahil ilang araw din silang hindi nagkita dahil sa paghahanda niya ng surpresa. Sa wakas ay nasa harap niya na si Lora. “Ano bang pinaggagawa mo sa buhay, Clint?” iritableng tanong agad nito sa kanya. “Diba sabi ko sayo tinulungan ko si Ate sa work project niya?” Inismiran lang siya nito. Nagpatuloy sila sa pamamasyal. Dinala niya ito sa isang themed park at natuwa naman ito. Tinitignan ni Clint ang oras. Mahaba pa ang oras nila. Sumakay sila sa maraming rides at bumili ng paboritong stuff toy ni Lora. Maya-maya’y napatingin na naman siya sa orasan. “Bakit ba kanina ka pa tingin ng tingin sa relo mo?” napapansin na pala siya ng nobya. “Ah, wala tinitignan ko lang syempre kung anong oras na.” Sumapit ang alas-sais, ito na ang oras. Tumingin siya sa nobya, nakasimangot na ito. Ngunit magsasalita palang ito ng bigla siyang lumuhod. Kumunot ang noo ng kanyang nobya. Maya-maya’y hinubad niya ang sapatos na takong ng nobya. Nakita niyang namumula na ang paa nito, “Sabi ko na nga ba.” “Ha?” naguguluhan na si Lora. “Palagi kasi akong nagtataka bakit tuwing pahapon na naiirita ka sakin. Tama ako, ito nga ‘yung dahilan,” tiningala niya ito at nginitian. “Nagpatulong ako kay ate paano suotin ‘to at paano maglakad ng napakalayo nang suot-suot ang sapatos na may takong, para naman maintindihan ko kung anong pakiramdam mo. Ang hirap pala, babe.” Natawa ang nobya niya, “Kaya ba ilang araw kang hindi nagparamdam?” Tumango siya, “Simula ngayon, iintindihin ko na lahat ng topak mo. Alam kong mahirap intindihin ang mga babae, pero kailangan lang ng pasensya ng lalaki upang malaman kung ano talaga ang iniinda ninyo.” Naluha ang nobya niya, iniisip na napakaswerte niya sa lalaking ito. “Doon kasi nagtatagal ang relasyon, diba? Bukod sa love, kailangan din ng patience, respect at understanding.” sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.