Masama ang Loob ng Dalagang Ito sa Ina Dahil Labis na Siyang Napapahiya sa Pangungutang Nito, Isang Sikreto Pala ang Tinatago ng Ina Upang Hindi Sila Masaktan Magkapatid

“Katherine, pakisabi sa mama mo, yung utang niya kay mommy bukas na daw ang due date,” sabi sa kanya ng kaklase niyang si Clarice isang araw.

Nahihiya siya dahil maraming nakarinig dito kaya naman kinausap niya ito sa gilid, “May utang na naman pala si Mama sa inyo? Pasensya na Clarice ah, pwede ba next time itext mo nalang ako?”

Napaismid ang kaklase, “Mama mo naman ‘yun, bakit mo ikakahiya?”

“Yun na nga eh. Mama ko ‘yung nakakahiya.”

“Ano?” naguluhan ito.

Umiling siya, “Wala, wala basta next time itext mo nalang ako ah. Ito number ko.”

Ibibigay niya palang ang cp number niya nang may matanggap siyang text message.

Katherine paalalahanan mo ‘yung mama mo ‘yung utang niya sa akin dami ng interest.

Advertisement

Napahawak nalang sa ulo ang dalaga, sumasakit ang ulo niya. Siya palagi ang tagasambot ng sakit ng ulo sa dami ng utang ng nanay niya.

Umuwi siya ng bahay ng ang bunsong kapatid lang na si Christine ang naabutan.

“Asan si Mama?” tanong niya dito.

“Nasa palengke,” tanong nito habang gumagawa ng assignment sa school.

“Ano? Umuutang na naman? Wala na siyang ibang ginawa kundi umutang. Tama nga ‘ata mga classmate ko, naaadik na siya sa pangungutang!” inis na bulyaw ni Katherine.

Nagulat sila nang may marinig na kalampag sa sahig. Nasa pintuan na pala ang mama nila at narinig ang lahat ng sinabi ng panganay na anak. Gulat ang reaksyon ng mukha nito at tila pinipigilan lang ang luha.

“Ma, tulungan na po kita d’yan,” si Christine sabay kuha ng mga pagkaing de-lata sa sahig.

Hindi sila pinansin ni Katherine sabay alis padabog ng bahay. Tumakbo siya nang tumakbo. Naiinis siya sa mama niya, “Bakit ba kailangan niya pang mangutang? Nasa abroad naman si Papa, sigurado namang hind iyon nagkukulang sa sustento!” Advertisement

Gabi na ng makauwi ng bahay ang dalaga. Madilim na ang kabahayan nila kaya sigurado siyang tulog na ang mama’t kapatid niya sa kwarto, “Dito nalang ako sa sala matutulog.”

Pagkabukas niya ng ilaw ay nagulat siyang naroon pa pala ang mama niya. Nakaupo sa sofa at hinihintay siya.

“Ma…” sambit niya dito.

“Upo ka, anak.”

Marahan siyang umupo sa upuang katapat nito.

“Pasensya ka na ‘nak kung puro utang si mama, ha?”

Napasimangot na naman siya, naalala na naman niya kung bakit siya naiinis dito.

“Kasi ang Papa mo ‘nak, matagal na tayong hindi sinusustentuhan…” Advertisement

Naguluhan siya sa sinabi nito, “Po? Pero paano…”

“Matagal nang may ibang pamilya si Papa mo sa Dubai. Hindi ko masabi-sabi sa inyo kasi ayokong magalit kayo sa sarili niyong ama.”

Nabasa niya ang katotohanan sa mukha ng ina.

“Palagi siyang nangangako na susustentuhan niya pa rin daw tayo,” gumaralgal ang tinig ng kanyang ina, “…kapag nakaraos sa panganganak ‘yung kabit niya. Wala akong ibang magawa, anak kundi maghintay sa pangako ng Papa mo, para nalang sa inyo ng kapatid mo.”

Tuluyan na itong napaiyak, hindi namalayan ni Katherine na naiiyak na rin pala siya sa awa sa nanay niya, “Ma!”

Niyakap niya ito at lubos ang pagsisisi sa kanyang dibdib sa mga nagawa niya dito. Kaya pala ang laki ng ipinayat nito ay dahil sa labis na stress at paghihirap na dulot ng papa niya. Ngunit imbes na mapansin niya iyon ay nainis pa siya rito dahil napapahiya siya sa pangungutang nito sa nanay ng mga kaklase niya. Hindi niya alam na para din pala sa kanilang magkapatid ang lahat ng ginagawa nito.

“Sorry po, Ma…” iyak siya ng iyak, “Patawarin mo ‘ko, Ma…”

Simula noon ay hindi na ikinahiya pa ni Katherine ang Mama niya. Nag-apply rin siya ng part-time job upang kahit papaano ay makatulong siya dito.

Advertisement

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.