Tampulan ng Panunukso ang Lalakeng Patpatin; May Malaking Pasabog Siya sa Kanyang Pagbabalik Makalipas ang Ilang Taon
Hasykul pa lamang si Patrick ay binansagan na siyang “Patrick Patpatin”. Dahil sa kaniyang payat at maliit na pangangatawan ay naging tampulan siya ng panunukso at madalas na nabubully.
“Hoy patpatin, tumabi-tabi ka nga kung ayaw mong hanginin ka diyan!” Wika ng isa niyang kaklase. Sabay tawanan ng lahat.
Hindi na lamang niya pinapansin ang mga ito dahil alam niyang pagtutulungan lamang siya.
“Bakit kasi hindi ka sumagot, Pat? Lalo ka tuloy nilang pinagttripan.” Sabi ng nag-iisa niyang kaibigan.
“Wag na, gulo lang ‘yan, tsaka hindi ko naman sila masisi, patpatin naman talaga ako eh.” Sagot niya.
Sa paglipas nga ng mga taon niya sa hayskul ay puro pang-aasar at pang-iinsulto ang inaabot niya sa paaralan.
Sa pagpasok niya sa kolehiyo ay nakakilala siya ng mga bagong kaibigan. Isa na rito ang kaniyang propesor sa subject na PE.
“Good morning sir, pinatawag niyo daw po ako.” Wika niya.
“Ikaw pala yan Patrick, oo gusto sana kitang makausap, magkakaron kasi ako ng bagong grupo ng mga estudyante para sa basketball, gusto mo bang sumali?”
“Nako sir, sa payat kong ‘to baka sa balyahan palang matalo na kayo. Iba na lang po.”
“Patrick, pag-isipan mong mabuti, isa tong magandang opurtunidad para matuto ka sa isports.”
Magalang niyang tinaggihan ang alok nito at umalis. Maisip pa lamang niyang pinagtatawanan siya ng mga manonood sa kaniyang pag babasketball ay kinikilabutan na siya.
Gayunma’y hindi siya sinukuan ng propesor at araw-araw pa rin siyang kinukulit.
“Tutulungan kitang magkaroon ng malakas na pangangatawan sa training Pat, tamang ehersisyo at tamang pagkain bago kita isabak sa mga laro.”
“Eh hindi naman po ako magaling mag-basketball.”
“Kaya nga may training eh, lahat naman yan ay mapag-aaralan.”
Nang minsan siyang mapadaan sa gymnasium ng kanilang paaralan ay nakita niya ang masayang paglalaro ng basketball ng ilang estudyanteng tinuturuan ng propesor. Nakita rin niyang nanonood doon ang kaniyang crush na si Irma. Bagay na nagpalakas ng kaniyang loob kaya’t tinanggap niya ang alok ng guro.
“Tama ang desisyon mo, Pat! Ito ang iskedyul ng training, magdala ka ng damit ha.”
“Salamat sir.”
Halos araw-araw matapos ang klase ay nagpapraktis at nagte-training si Patrick kasama ng grupo, binigyan din sila ng guro ng gabay para sa vitamins at mga pagkaing makakatulong para sa kanila. Nahikayat din siya ng ibang manlalaro na sumama sa kanila sa gym kapag walang training.
“Tara, Pat! Sama ka samin sa gym.”
“Ha? Eh wala akong alam doon.”
“Kaming bahala sa ‘yo.”
Napakasaya niya na makatagpo ng mga kaibigan at gurong may malasakit. Sa paglipas ng panahon ay unti-unti na ngang nagbabago ang hubog ng kaniyang katawan at hindi na siya patpatin. Lalo rin niyang pinagbutihan ang paglalaro ng basketball.
“Sabi ko naman sayo Pat, diba? Ang saya magbasketball? May bago ka pang mga kaibigan.”
“Oo nga po sir, salamat sa inyo kasi binigyan niyo ako ng pagkakataon.”
Isang araw matapos ang kanilang praktis ay biglang lumapit sa kaniya si Irma.
“Hi, Pat!” Wika nito.
“Oh, hello sayo Irma.”
“Gusto ko lang sabihin na ang galing mo na maglaro ngayon kumpara noong naguumpisa ka.” Saka ito umalis habang nakangiti sa kaniya.
Parang batang kinilig si Pat lalo pa’t nagkumpulan na ang kaniyang mga kagrupo upang tuksuhin siya. Simula noon ay lagi na niyang nakakausap si Irma at minsan ay lumalabas silang dalawa. Hindi nga nagtagal ay naging nobya niya na rin ito.
Minsan siyang inimbitahan ni Irma sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan. Pati ang kaniyang mga ka-team ay inimbitahan din nito. Laking gulat niya nang makita ang dating mga kaeskuwela na nambully sa kaniya na naroon din sa party.
“Patrick? Ikaw na ba yan?” Wika ng isa.
“Laki ng ipinagbago mo ah.”
Lahat sila ay napatingin sa kaniya habang buong pagmamalaki naman siyang ipinakilala ni Irma sa kaniyang mga kaibigan.
“Hello, eto nga pala ang nobyo kong si Patrick, star player ng school namin yan.” Wika nito.
Buong araw siyang nagsaya kasama si Irma at mga bago niyang kaibigan. Nginitian na lamang niya ang dating mga ka-eskuwela na hindi pa rin makapaniwala sa malaking pagbabago hindi lamang ng kaniyang pisikal na itsura kung hindi pati na rin ang kaniyang kumpiyansa sa sarili.
Mahalaga ang ating pagtitiwala sa sarili, walang anuman ang maaring mag-angat sa atin kundi ang ating pagpupursigi at paniniwala sa ating mga kakayahan. Huwag hayaang ang pambabatikos ng iba ang magbaba sa atin.
Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?
I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.
Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!