Ayaw ng Magandang Babae sa mga Lalaking Sikat sa Eskwelahan, Nagulat ang Lahat nang Malaman kung Sino ang Napupusuan Nito
Sa panahon ngayon, karamihan sa mga babae ay praktikal na. Sabi nga ng iba ay “Aanhin mo ang pagmamahal kung wala naman kayong makain?” Maraming mga tao ang kadalasang mapanghusga sa ganitong sitwasyon kung saan mas gusto ng isang babae o lalaki ang mas may magandang hubog ng katawan, mas may magandang hitsura, o di kaya naman ay mas may sinasabi sa lipunan. Pero iba si Lea.
Hinahangaan sa buong campus si Lea dahil sa naiiba niyang ganda. Sa unang tingin ay mapagkakamalan siyang banyaga dahil mukha siyang lumaki sa ibang bansa. Maputi, blonde ang buhok, matangkad at matangos ang ilong kaya’t maraming lalaki ang nagkakagusto at nagkakandarapa sa kanya.
“Hi, Lea yayayain sana kitang lumabas mamaya,” maangas na sabi ng isa niyang lalaking kaklase.
“Sorry, Dan may project pa kasi akong gagawin, e. Next time na lang, ha?” palusot niya.
Ayaw niya kasi sa lalaking maangas ang dating kaya’t gumawa na lang siya ng dahilan para makaiwas rito. Isang sikat na varsity player sa kanilang campus ang lalaki kaya puno ito ng kahambugan sa katawan. Lahat ng magagandang babae ay dinidiskartehan, pero hindi iyon uubra sa dalaga.
Isang araw, habang naglalakad si Lea palabas ng campus ay may nakasalubong na naman siya.
“Lea, baka gusto mong ihatid na kita sa bahay niyo? Dala ko ang kotse ko ngayon,” may pagpapahangang wika ng isa pang lalaki.
“Thank you na lang, Paul. May dadaanan pa kasi ako,” aniya.
Ang lalaking gusto siyang ihatid sa kanila ay si Melvin na isa namang heartthrob sa campus. Isa namang magaling na swimmer ang lalaki na panlaban ng kanilang campus sa mga kompetisyon. Gaya ni Dan ay guwapo rin ito at mayaman ngunit hindi rin pasado sa kanyang panlasa.
Minsan ay nagtatanong na rin ang mga kaibigan ni Lea kung bakit wala man lang itong napipisil o nagugustuhan man lang sa mga lalaking nagpaparamdan sa kanya. Isa lang ang sabi niya sa mga ito…
“M-mayroon na kasi akong ibang gusto,” sagot niya.
“Ha, sino naman? Kilala ba namin, taga dito ba sa campus?” tanong ng isa niyang kaibigan.
“Hindi siya taga rito,” matipid niyang sabi.
Maya-maya ay napangiti si Lea dahil sa nakita niyang parating. Napalingon naman ang mga kaibigan at nakita ng mga ito kung sino ang nginitian ng dalaga. Laking gulat nila kung ano ang paparating.
Pumara sa harap nila ang isang taxi at bumaba ang isang payat at hindi masyadong katangkarang lalaki.
“Nainip ka ba? Pasensiya na, traffic kasi e,” sabi nito.
“No, hindi naman ako nainip kasi may mga kasama ako. Nga pala, mga kaibigan ko,” pagpapakilala sa mga kasama.
“Hi,” masayang bati ng lalaki.
“Si Resty nga pala, boyfriend ko!” bunyag ni Lea.
Nagkatitigan ang mga kaibigan niya sa sinabi niya. Hindi sila makapaniwala na ang maganda, sikat at mayaman nilang kaibigan ay may boyfriend na taxi driver?
Ikunuwento ni Lea na matagal na silang magkarelasyon ng lalaki. Nakilala niya ito ng minsang masira ang kotse niya at ito ang tumulong sa kanya para magawa ang sasakyan niya. Laking pasaaslamat niya at napadaan ang lalaki kundi ay hindi siya nakauwi. Malakas pa naman ang ulan ng araw na iyon.
Mula nang ipakilala niya ang nobyo ay palagi na siya nitong inihahatid sundo kapag pumapasok siya sa campus. May mga natutuwa sa kanilang relasyon ngunit may mga nagtaaas rin ng kilay at nagtatanong kung bakit siya nakipag-boyfriend sa isang taxi driver lang.
Isang araw, nasa loob siya ng toilet cubicle nang bigla siyang may narinig na nagtsitsismisan.
“Maganda nga pero boba naman! Ipagpalit ba ang mga guwapo at sikat na lalaki dito sa campus sa isang taxi driver?” sabi ng mataray na babae habang nagsusuklay ng buhok at nakaharap sa salamin ng CR.
“Sinabi mo pa, sa ganun klaseng lalaki lang pala siya babagsak!” sabad pa ng isang babae.
Huminga siya ng malalim at nilabas ang mga tsismosa.
“Tapos na kayo sa tsismisan niyo?” mahinahon niyang tanong sa mga ito.
“Subukan niyo munang ipasa ang mga subjects niyo bago kayo manghusga ng kapwa. At least, masipag, mabait at responsable ang boyfriend ko, e ang mga boyfriend niyo? Ang tanong, may boyfriend nga ba kayo?” puno ng pagtitimping wika niya sa mga tsismosang babae.
Hindi nakakibo ang mga ito at tahimik na lumabas sa CR.
Napapailing na lamang siya. Nang bilang tumunog ang cell phone niya.
“Hello, beh! Sunduin mo ulit ako ah?” saad niya sa nobyo na nasa kabilang linya.
“Aba, gustung-gusto mong sinusundo kita ah,” anito.
“Siyempre naman, gustung-gusto kong sinusundo mo ako dahil PROUD na PROUD ako na mayroon akong boyfriend na taxi driver na, sweet lover pa!” aniya.
Kahit kailan ay hindi niya ikinahiya na isang taxi driver ang kanyang minahal dahil alam niyang sa lahat ng lalaking inasam siya, ang lalaking pinili niya ang totoong nagmahal sa kanya. Patunay ito na hindi lamang salapi o materyal na bagay ang mahalaga sa iba lalo’t higit ang pag-ibig na nararamdaman nito sa kanyang minamahal at ang kinabukasang naghihintay sa kanilang dalawa at sa pamilyang kanilang bubuoin sa hinaharap.
Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?
I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.