Inday TrendingInday Trending
Naging Malamig ang Pakikitungo ng Ama sa Kanya Simula nang Bawian ng Buhay ang Kanyang Ina, May Mabigat Pala Itong Dahilan

Naging Malamig ang Pakikitungo ng Ama sa Kanya Simula nang Bawian ng Buhay ang Kanyang Ina, May Mabigat Pala Itong Dahilan

Si Queenie ay naulila sa kanyang ina sa edad na labing-pitong taong gulang. At simula noon ay siya na ang tumayong ina sa kanyang nakababatang kapatid na si Sean. Ngunit sa kabila ng pagsusumikap niyang maibalik sa dati ang saya ng pamilya, ay ganoon naman kalamig ang pakikitungo ng kanyang ama sa kanya. Ito ay nagsimula noong pumanaw ang kanyang ina isang taon nang nakalipas. “Pa, magde-debut na po ako sa isang buwan. Pwede po ba akong maghanda kahit kaunti lang?” tanong niya sa ama isang gabi. “Bahala ka, matanda ka na. Alam mo nang dapat mong gawin,” ika nito nang hindi man lang siya tinitignan. Halos araw-araw ay pinagdudusahan niya ang malamig na pakikitungo sa kanya ng ama. Alam niya namang nasasaktan pa rin ito sa pagkawala ng kanyang ina, ngunit sa tingin niya ay sa kanya lang talaga ganoon ang ama. Dahil sa tuwing nakikita niya namang magkasama ito at ang bunso niyang kapatid ay masayang nagkakahalubilo ang dalawa. Madalas ay hindi niya nalang iniisip iyon, at sa halip ay iniitindi nalang rin ang amang nasa proseso pa ng pagtanggap ng pagkawala ng asawa. Isang buwan ang lumipas at sumapit na ang ika-labinwalong kaarawan ni Queenie. Excited siya sa isiping isa na siyang ganap na dalaga. Mula sa kanyang part-time jobs ay nag-ipon siya ng panghanda para sa espesyal na araw na ‘to. Naging bisita niya ang mga kaklase’t mga kaibigan, “Queen, nasaan Papa mo?” Tumingin siya sa kaibigang si Noriel, “Ah, baka nag-overtime lang sa trabaho.” “Hello? Debut mo, tapos nag-overtime pa rin ang papa mo na dapat ay tinutulungan ka na sa paghahanda dito?” Nalungkot si Queenie sa isipin. Kanina pa niya hinihintay ang ama ngunit sumapit na ang hating-gabi ay wala pa rin ito. Excited pa naman siyang marinig ang pagbati nito sa kanya. Halos madaling-araw na nang umuwi ang ama, “Pa, saan ka po galing?” “Overtime,” malamig na tugon nito. Doon na hindi nakapagpigil ang dalaga, “Pa, galit po ba kayo sakin?” Hindi niya inaasahan ang pagtingin ng ama nang diretso sa kanyang mga mata, “Bakit mo naman nasabi ‘yan?” “Simula po kasi nang mamatay si Mama palagi nalang pong malamig ang pakikitungo niyo sa akin. Kay Sean naman po ay hindi. Pa, may galit po ba kayo sa akin sa pagkawala ni Mama?” Biglang lumambot ang ekspresyon ng kanyang ama. Maya-maya pa’y nakita niya na ang sunod-sunod na patak ng luha nito, “Patawad, anak.” Naguluhan siya sa sinabi nito, “Para saan po, Pa?” “Kasi hindi ko talaga matanggap ang biglaang pagkawala ng mama mo. Pilitin ko man siyang kalimutan ay hindi ko magawa. Lalo na’t nakikita ko siya araw-araw.” “Po?” gulat siya sa sinabi nito. Ngumiti nang mapait ang ama, “Sa katauhan mo, anak.” Doon nagsink-in kay Queenie lahat. Na kaya pala hindi siya magawang tignan nang diretso ng ama ay dahil nakikita nito ang yumaong asawa sa katauhan niya. Kamukhang-kamukha niya kasi ang mama niya. At dahil siguro doon ay parating bumabalik sa balintataw nito ang itsura ng yumaong mahal na asawa. Niyakap niya ang ama, “Sorry Pa, kung inakala ko pong galit kayo sa akin. Hindi ko po alam na nahihirapan pala kayo dahil sakin.” Umiling ang ama, “Hindi, anak. Ako ang patawarin mo. Wala kang kaalam-alam, pero nadamay ka sa paghihinagpis ko sa pagwala ng mama mo. Sorry anak, babawi ako sayo. Sa inyo ni Sean.” Simula noon ay unti-unti nang natanggap ng ama ni Queenie ang pagkawala ng asawa. Bumawi na rin siya sa dalawang anak sa lahat ng pagkukulang niya sa mga ito, lalo na sa panganay na anak na si Queenie. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement