Inday TrendingInday Trending
Nagtaka ang Lalaki Kung Bakit Bayad na ang Bayarin sa Panganganak ng Kanyang Asawa, May Kinalaman Pala Ito sa Kabayanihang Ginawa Niya sa Nakaraan

Nagtaka ang Lalaki Kung Bakit Bayad na ang Bayarin sa Panganganak ng Kanyang Asawa, May Kinalaman Pala Ito sa Kabayanihang Ginawa Niya sa Nakaraan

“Ahhh! Manganganak na ‘yata ako!” sigaw ni Febie nang maramdaman ang pagkirot ng kanyang baywang at tiyan. “Hintay ka lang mahal, tatawag ako ng tricycle!” ika naman ng natataranta niyang asawang si Jonny. Hindi nagtagal ay dumating na ang tricycle na tinawag ng kanyang mister, “Boss sa public hospital nga!” Umiling ang driver, “Naku, boss. Hindi kakayanin. Bahang-baha na malapit doon. Hindi kaya ng motor ko.” “Sa pinakamalapit na ospital nalang!” sigaw ni Febie. Kaya naman napilitan silang dalhin sa isang pribadong ospital sa kanilang baryo. Ngunit agad silang hinarang ng isang hospital attendant at tinanong pa kung may history daw sila ng check up dun. Nang sabihin nilang wala ay agad silang hiningan ng down-payment. Nabigla ang mag-asawa sa laki ng halagang hinihingi sa kanila ng ospital ura-urada. Nainis na si Jonny sa staff ng ospital, “Mamamatay na sa sakit ang misis ko. Baka pwedeng asikasuhin niyo muna! Gagawan ko nalang ng paraan kapag nakaraos siya!” Ngunit matatag na umiling ang lalaking staff, “Sorry, hindi po talaga pwede. Protocol ‘yun, Sir.” Napasuntok nalang sa pader ang lalaki. “Anong nangyayari dito?” Nilapitan ng lalaking staff ang doktora. Marahil ay sinabi nito ang sitwasyon nila. Nakita niya ang doktora na tumingin sa asawa niya at sa kanya. Kapagkuwan ay lumambot ang ekspresyon nito. “Hindi niyo ba nakikitang emergency na ‘yan? Papasukin niyo na!” “Pero, Ma’am…” angal pa ng lalaking staff. “Its my responsibility. Kung may magalit man sa taas, ako ang aako ng kasalanan! Kaya go ahead, asikasuhin niyo na ‘yung manganganak!” Nakahinga siya nang maluwag nang dali-daling kunin ng mga nakatambay na nurse ang kanyang misis. Yung doktora rin ang nagpaanak sa kanyang asawa. Tila siya nabunutan ng tinik nang ibalita sa kanyang okay na ang mag-ina niya. Para siyang lumulutang sa ulap nang masilayan niya ang kanilang unang anak, “Anak ko….” “Congratulations, Sir Jonny it’s a boy.” “Salamat dok,” napatigil siya. “Paano niyo po nalaman ang pangalan ko?” Ngumiti ang doktora sabay abot sa kanya ng isang ID, lalo siyang nagulat nang makita iyon ang nawawala niyang ID card, “Paano po napunta sa inyo ‘to?” “Naalala mo ba ‘nun? Nang may nagkabanggaang SUV at Tricycle?” sagot ng babae. Natandaan niya nga ang pangyayaring iyon. Niligtas niya ang babaeng duguan sa tricycle na halos hindi na makilala sa tinamong sugat sa mukha dahil sa pagkakabangga. Dinala niya iyon, kasabay ng iba pang biktimang pasahero, sa pinakamalapit na ospital gamit ang pinapasada niyang jeep noon. Wala siyang naging balita kung nakaligtas man ang pinaka-napuruhang babae. “Ito na ‘yung halos hindi makilalang babae noon,” naguluhan si Jonny sa sinasabi ng doktora. Maya-maya’y laking pagkagulat niya nang makilala ang mga mata ng doktora, “I-ikaw ‘yun, dok?” Marahan na tumango ang babae, “Yes, ako nga iyon. Akala ko katapusan na ng buhay ko noon. Laking-pasalamat ko sa kabayanihan mo upang iligtas kaming lahat na biktima.” “Napulot ko iyang ID mo na nalaglag mo habang binubuhat mo kami isa-isa. Sabi ko hihiramin ko muna dahil gusto ko talagang makabawi sa pagtulong mo sa amin, lalo na sa akin…” umiiyak na ang doktor. “Wala ‘yun dok, kahit sino naman ay ganoon ang gagawin.” Masaya si Jonny dahil sa hindi niya pa inaasahang pangyayari makikitang muli ang isa sa mga natulungan niya noon sa aksidente. Matagal niya ring pinagdasal na sana okay lang lahat ng biktima sa aksidente. “Miss, magkano ang bill ng misis ko,” binigay niya ang impormasyon nila dito. “Paid na po, Sir.” “Ha?” nagtaka siya sa sinabi nito. “Bayad na po ni Dra. Crisostomo. May sukli pa daw po kayo, magtungo lang daw po kayo dito para sa regular check-up ni baby.” Hindi makapaniwala ang mag-asawa sa narinig. Tunay ngang ang kabutihan na pinakita mo sa kapwa ay babalik at babalik rin sayo kahit gaano katagal na panahon pa ang lumipas.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement