Inday TrendingInday Trending
Hindi Inasahan ng Dalagang Ito na Isang Matandang Sampaguita Vendor ang Makakapagpabago ng Pananampalataya Niya

Hindi Inasahan ng Dalagang Ito na Isang Matandang Sampaguita Vendor ang Makakapagpabago ng Pananampalataya Niya

Si Winnie ay isang dalaga na hindi hilig ang pagsisimba. Ngunit isang araw ay nagtungo siya sa Baclaran kasama ang kanyang boyfriend na si Mico upang mamili ng mga gamit nila. “Simba muna tayo?” nagulat siya nang biglang yayain ng lalaki. “Ha? Ah sige,” nasabi niya nalang. Sumama siya dito papasok ng simbahan. Sa totoo lang, simula nang pumanaw ang pinakamamahal niyang lola ay hindi na siya naniwala sa Diyos. Lumaki siyang walang-takot sa iba– pasaway kung tawagin ng iba. Bata palang kasi ay hiwalay na ang mga magulang niya at pinalaki siya ng mga ito sa buhay ng kahirapan at walang pagmamahal sa pamilya. Tanging ang lola Saning niya lang ang nagpakita ng pagmamahal sa kanya. Kaya ngayong papasok na sila ng simbahan ay bigla siyang nahiya sa kanyang nobyo. “Teka lang, Win.” Nagtaka siya nang bigla siyang bitawan ng lalaki at lumapit sa isang matandang babae, “Lola, magkano pong sampaguita?” Naawa siya sa matandang nagtitinda pa rin ng sampaguita sa gilid ng simbahan kahit pa lumalakas na ang ulan. Bigla niyang naalala ang pumanaw na lola sa katauhan nito. Kaya naman nilapitan niya rin ito, “Lola, magpayong po kayo.” Nagulat ang kanyang nobyo sa inakto niya. Binigay niya kasi ang payong sa matanda. Ngunit maya-maya’y tumawa na rin ito, “Bait naman ng girlfriend ko.” Nahiya siya sa nobyo. Alam kasi nitong hindi naman siya pala-simba pero pagdating sa matatanda ay magaan talaga ang loob niya. Maluwag ang dibdib niyang nagsimba noong araw na iyon. At dahil hindi na rin nawaglit sa kanyang isipan ang matandang nagtitinda sa simbahan ay napapadalas na rin ang kanyang pagsisimba upang masilayan ito at masiguradong may payong ito sa tuwing umuulan. Binibili niya rin halos kalahati ng tinda nitong sampaguita. Kung minsan ay hinawakan nito ang kamay niya, “Salamat, anak. Sa pag-aalala mo sa matandang katulad ko.” Naluha siya sa sinabi ng matanda. Napaka-sinsero niyon at walang tutumbas sa ngiting nakikita niya sa mga labi nito, “Wala po ‘yun, Lola. Masaya po akong palagi kayong nakikita.” Hindi rin mapaniwalaan ni Winnie ang mga nangyayari. Kung dati’y halos hindi niya kilala ang Diyos, ngayon ay isa na siya sa palaging laman ng simbahan. Madalas na rin siyang gumawa ng mabuti, hindi lamang sa kanyang pamilya, kundi pati na rin sa mga taong hindi niya kilala. Ito ay pinapasalamat niya sa kanyang nobyo na nagdala sa kanya sa matandang tinuturing niya na ngayong parang isang tunay na Lola. Dahil sa matanda ay nagkaroon siyang muli ng pag-asa. Pag-asang mabuhay at pag-asang muling makaramdam ng pagmamahal. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement