Nadurog ang Puso ng Dalaga Matapos Makita ang Pinakatatagong Liham ng Ama na Hindi Niya Nirespeto sa Loob ng Maraming Taon
Nag abroad ang Papa ni Keana sa loob ng 5 taon, mula nang dumating ito sa Pilipinas ay hindi na naging maganda ang takbo ng kanilang pamilya. Ayaw tumigil ng kanyang ina sa pagtatrabaho kaya walang choice ang lalaki kung hindi ang manatili sa bahay, doon ay natuto itong magbisyo, alak, sigarilyo, natatandaan niya pa ngang minsan ay nahuli ito ng mama niya na nagda-drugs- pero itinigil na raw nito iyon. Dahil doon ay lumaki si Keana na malayo ang loob sa ama. Wala kang silbi! Palamunin! Pabigat! Iyan ang mga salitang palaging sinasabi ng kanyang ina sa lalaki, at iyan na rin ang naging tingin niya rito. Mayroon lang siyang maliit na alaala ng kabutihan nito noong bata siya, iyon ay noong nangako itong ibibili siya ng laruan minsan. “Gusto mo ba niyan? Ibibili ka ni Papa ha?” nakangiting pangako nito sa kanya. Masaya namang tumango si Keana. “Wag kang mangako diyan sa anak mo, wala ka namang pera eh. Ikaw nga pinapakain ko lang eh.” sabat naman ng kanyang ina. Kahit magkasalubong sa bahay ay hindi sila nag uusap ng ama, napakaliit kasi ng tingin niya rito. Ni hindi niya ito inaalok kumain kapag naabutan siya nito sa hapag kainan. Para lang itong hangin sa bahay nila, ang maliit na kinikita nito sa ngayo’y pagta-tricycle ay pinagtatawanan lang ng kanyang ina kapag iniaabot nito. Nasanay na siyang ganoon, na hindi siya mahal ng papa niya.Dahil kung mahal siya nito, bakit hindi ito magpakatino para sa kanya? Isang araw ay kinailangan ni Keana na magsubmit ng birth certificate sa kolehiyong papasukan. Naghalungkat siya sa mga lumang maleta at kay rami niyang papel at mga lumang litrato na nakita roon. Ang una ay litrato niya noong siya ay baby pa, may nakasulat na note sa likod nito, my baby. Nagbuklat pa siya ng mga papeles at nakita niya ang ilang medalya, nakapangalan iyon sa kanyang ama, may tinatago palang talino ito. Nakakatawang wala siyang kaalam alam tungkol dito. Sumunod ay may nakita siyang liham, pinadala iyon sa kanyang ina noong 1998. Ma, Miss na miss ko na kayo ni Keana. Kumusta na ba ang prinsesa ko? Hinahanap ba ako, nagsasalita na ba siya? Sana Papa ang unang sabihin niya, hehe! Nagbibiro lang ako Ma. Yung ipinadala ko, ipasyal mo si Keana, pag nandyan na ako tatlo na tayong papasyal, konting tiis na lang. Kapag may natira ay i-bangko mo. Naiiyak ako dito gabi gabi, iniisip ko si Keana, ayoko namang lumaki siya na malayo ang loob sa akin. Alam mo naman, ang prinsesa natin ang kaligayahan ko. Gustung gusto ko nang umuwi Ma. Love, Papa Ang liham na iyon ay nasundan pa ng mga litrato niya na itinago nito sa isang lumang brown envelope. Hindi namalayan ni Keana na tumutulo na ang luha niya, minsan din palang nangarap ang papa niya. Tinawag pa siya nitong prinsesa, minsan din pala ay naging ama ito sa kanya. Ang masasakit na salita ng kanyang ina marahil ang nagtanggal ng pagkalalaki nito, nawalan ito ng silbi bilang isang tao, nawalan ng respeto sa sarili. Saktong dating ng kanyang ama, inabutan siya sa ganoong posisyon. At sa kauna unahang pagkakataon, makalipas ang maraming taon, ay kinausap niya ito. “Papa, kumusta?” sa ibaba. Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.