Inday TrendingInday Trending
Matapos ang Maraming Taon ay Muling Nakita ng Mayamang Babae ang Amo na Nangmaltrato sa Kanya Noon, At Ito ang Iginanti Niya Rito

Matapos ang Maraming Taon ay Muling Nakita ng Mayamang Babae ang Amo na Nangmaltrato sa Kanya Noon, At Ito ang Iginanti Niya Rito

Namamasukan bilang kasambahay si Alice, labandera ang kanyang ina at ang ama naman niya,kahit matalino ay hindi na makatulong dahil dinapuan ito ng malubhang karamdaman. Hindi naging madali kay Alice ang lahat, mula sa marangyang buhay ay eto siya, naglalampaso ng sahig. Minsan ay hindi pa siya pinapakain ng amo. Dinalaw siya ng kanyang ina sa pinapasukan at halos mapaiyak ito nang makita ang kalagayan ng panganay, payat na payat at hapung hapo ang katawan sa bugbugang trabaho. “Anak, umuwi na tayo.Sumama ka nalang sa nanay..” halos pagmamakaawa ng kanyang ina. Gustuhin man ng dalaga na umiyak at sumama na sa kanyang ina ay kailangan niyang lakasan ang loob niya, sa mga oras na ito, siya ang kailangang maging matatag para sa kanyang pamilya. Umuwi noon ang kanyang ina na hindi siya kasama. “Alice, ano to? bakit gusot pa rin akala ko pinlantsa mo na?” sabi ng mataray na amo niya, kabit ito ng isang mayamang businessman. “Sorry ate Jo, uulitin ko nalang po.” nakatungong sabi ng dalaga. “g*ga ka pala eh. una palang ayusin mo na ang trabaho para hindi paulit ulit!” hinila pa nito ng bahagya ang buhok niya. Ilang taong dinanas ni Alice ang hirap, pero hindi siya tumigil. Nagsumikap siya at sa pamamagitan ng mga scholarship na naipasa niya naman dahil matalino siya, ay nakatapos siya ng pag aaral. Ngayon ay mataas na ang posisyon niya sa isang magandang kumpanya. Sa kabila ng tagumpay ay nanatiling mababa ang loob ng babae, kahit nga mayaman na ay sumasakay pa din siya sa tricycle at jeep. Minsan nga ay may nakasabay siyang payat na ale, madungis ito at binibilang kung kasya ang baryang pamasahe. “yung hindi pa ho nagbabayad pakiabot na lang.” sabi ng driver. Tila nataranta naman ang ale, kulang yata ang pamasahe nito. Nahalata iyon ni Alice kaya nagmagandang loob siya. “Ako na ho- Ate Joy?!” nagulat siya nang mamukhaan ang babae. Sandaling natigilan rin ito at pilit siyang inalala, maya maya ay nagsalita,”Alice?” Pero nasundan iyon ng pagtungo, marahil ay naalala ang trato nito sa kanya dati, at nahiya sa kalagayan nito ngayon. Napanatag naman ang loob nito sa sunod na sinabi ni Alice. “Wala na yon Ate joy..”

Sabi nga nila, kapag binato ka ng bato ay batuhin mo ng tinapay. Sa kabila ng dinanas ng dalaga sa kamay ng babae ay pinili niya pa ring suklian iyon ng kabutihan. sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement