Inday TrendingInday Trending
Alam ng Ama na Ito na Duwag at Mahina ang Loob ng Nag-iisang Anak, Kaya Naman Kakaibang Sakripisyo ang Ginawa Niya Para sa Nag-iisang Dito

Alam ng Ama na Ito na Duwag at Mahina ang Loob ng Nag-iisang Anak, Kaya Naman Kakaibang Sakripisyo ang Ginawa Niya Para sa Nag-iisang Dito

“Anak, kapag nawala ako, anong gagawin mo sa buhay?” minsang tanong ni Eddie sa anak na si Claud. Nakita niya agad ang pamumuo ng luha sa mga mata ng anak kaya naman tumawa siya sabay sinabing, “Joke lang, hindi ka na mabiro.” Dalawa nalang sila ng anak sa buhay. Mag-sasampung taon na rin simula nang iwan siya ng asawa upang magtrabaho sa abroad at hindi na sila binalikan. Sumuko na rin siya kaka-kontak dito, pinagpasyahan niya nalang ng ilaan ang natitirang buhay niya para sa anak na ngayon ay dalawampung taong-gulang na. Tuwang-tuwa siya dahil nalalapit na rin ang graduation nito. Kahit pa magkanda-kuba kuba siya sa pagtatrabaho ay tiniis niya upang mapagtapos sa kolehiyo ang anak. Hindi naman nasayang ang paghihirap niya dahil running for Cum Laude si Claud. Kaya naman proud na proud siya dito. “Huwag ka nga po magbiro ng ganyan, Tay,” sabi nito. “Ang lakas-lakas mo, ikaw pa kaya ang magsasabit ng medal sa akin.” Tama ang sinabi ng anak, siya ulit ang magsasabit ng medal dito, at excited na siya doon, sa katunayan ay bumili pa siya ng bagong black shoes para sa pag-akyat niya sa stage. Ngunit sa sinabi nitong malakas pa siya ay hindi ‘ata niya mapapaboran. Habang tumatagal kasi ay nanghihina na ang katawan niya. Matanda na siya, sampung-taon ang tanda niya sa asawa at idagdag pa na may sakit siya sa puso. Nag-aalala na nga siya sa kalagayan ng anak. Nag-iisang anak ito, walang kapatid na gagabay at sasamahan siya kung sakaling mawala siya. “Sama tayo sa hirap at ginhawa,”ang motto nilang mag-ama. Araw ng graduation ni Claud, tuwang-tuwa si Eddie dahil sa wakas ay napagtapos niya na rin ang anak. “Tay, ako naman po. Promise, tutubusin na natin ‘yung ATM mong matagal nang naka-sanla. Ipagsha-shopping kita at igagala kung saan mo gusto. Ako naman ang mang-iispoiled sayo.” Naiiyak siyang niyakap ang anak. Ito na ‘ata ang pinakamasayang araw niya. Hindi naman siya binigo ni Claud. Binigay nito sa kanya ang lahat. Dinala siya nito sa mga lugar na hindi niya pa napupuntahan. “Anak, salamat. Sobra-sobra na itong isinukli mo sa akin,” minsang sabi niya sa anak habang nakain sila sa isang restaurant. “Wala pa ‘to ‘tay. Kulang pa ito sa lahat ng sakripisyo mo noon para sa akin. Hindi mo ko iniwan. Kahit ilang beses sinabi ng mga kapatid ni nanay na kukunin nila ako, laking-pasalamat ko sayo na hindi mo ko ipinamigay. Bagkus ay iniraos mo pa ako kahit na magkautang tayo. Promise ‘tay hinding hindi mo na po mararanasan mangutang.” Iyak ng iyak si Eddie, hanggang ngayon kasi ay hindi niya masabi-sabi sa anak ang iniinda niyang sakit. Masayang-masaya sila ngayon at tila walang problema. Ayaw niyang sirain ang kasiyahan ng anak. Isang gabi habang nasa panggabing trabaho ang anak niya ay bigla nalang nanikip ang kanyang dibdib. Kakaibang sakit ito kumpara sa mga paninikip ng dibdib niya dati. Hindi siya makahinga at naiiyak na siya sa sobrang sakit. Kinapalan na niya ang mukha niya at tinawagan sa cellphone ang kaibigang kapit-bahay, si Tonyo. “Tonyo, ang sakit-sakit ng dibdib ko. Hindi ko na ‘ata kaya…” Taranta agad ang kaibigan pagkakita sa kanya, “Diyos ko, Eddie! Namumutla ka na! Teka dadalhin na kita sa ospital.” Hinawakan ng malamig na kamay ni Eddie ang kamay ng kaibigan, “Huwag na Tonyo, nararamdaman ko hindi na rin ako magtatagal. Sayang lang ang pang-ospital ko.” “Ano bang pinagsasabi mo?” dinampot nito ang cellphone “Teka, tatawagan ko ang anak mo.” Umiling si Eddie, “Parang-awa mo na Tonyo, huwag mong tawagan ang anak ko.” Naguluhan si Tonyo sa sinabi ng kaibigan. Kahit nahihirapan ay pinilit pa rin nitong magsalita, “Nasa Makati pa ‘yun. Napakalayo nun dito sa Laguna. Ala-una na ng madaling-araw, ayaw kong mapaano ang anak ko.” Umiiyak na siya. Masakit sa dibdib niyang iiwanan na nga niya ang anak, “Ipangako mo nalang sa akin Tonyo, huwag niyong pababayaan ang anak ko. Mahina ang loob n’yan kapag wala ako sa tabi niya.” Umiiyak na rin si Tonyo sa sinasabi ng kaibigan, alam niyang namamaalam na ito, “Palakasin niyo ang loob niya, huwag niyong iiwan, hangga’t maaari sa burol ko marami kayong kasama niya. Pakisabi rin na mahal na mahal siya ng tatay niya.” Buhos ang luha sa libing ni Eddie, hindi naman siya binigo ng mga kaibigan at kapit-bahay. Walang oras na nag-iisa ang kanyang anak. Kahit pa nag-iisa nalang ito sa buhay ay hindi ipinaramdam ng mga kapitbahay niyang nag-iisa nalang siya. Doon nakita ng dalaga kung gaano ka-palakaibigan at kabait ng tatay niya.

Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. Happy Father’s day sa ating mga dakilang ama! sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement