Inday TrendingInday Trending
Pinwersa ng Ina na Maging Valedictorian ang Anak sa Eskwela, Nagsisi Siya nang Bigla Nalang Itong Matumba

Pinwersa ng Ina na Maging Valedictorian ang Anak sa Eskwela, Nagsisi Siya nang Bigla Nalang Itong Matumba

Walang ibang hangad si Cecil at Roman kundi ang mabigyan ng magandang kinabukasan si Candy, ang kanilang dalagitang anak na kasalukuyang nag-aaral sa high school.

“Ma, pa, alis na po ako. May practice kami para sa nalalapit na school performance kaya maaga po ako ngayon.”

“Sige anak mag-ingat ka ha.” sagot ni Roman.

“Baka naman mapabayaan mo ang pag-aaral mo Candy. Wag kang masyadong naglalaan ng panahon sa mga extra-curricular activities na iyan.” wika ni Cecil.

“Opo ma.” ang tanging nasagot niya.

Bata pa lamang si Candy ay itinimo na ni Cecil sa kaniyang anak na dapat itong maging matalino upang makakuha ng mga medalya at parangal mula sa paaralan. Nang makapagsimula nga si Candy sa high school ay inasam-asam ng kaniyang ina na siya ay maging valedictorian kaya naman puspusan ang kaniyang pag-aaral.

“Candy! Bubuo kami ng volleyball team, gusto mong sumali?” tanong ng kaniyang kaklase.

“Gustuhin ko man, hindi na pwede eh. Nasa teatro na kasi ako at magagalit na si mama pag dinagdagan ko pa ang mga sinasalihan ko.” malungkot na sagot niya.

Maging ang paglahok ni Candy sa mga activity sa paaralan ay pinapakialaman din ni Cecil. Gustuhin man ng bata na sumali upang magkaroon ng mas masasayang alaala sa kaniyang buhay high school ay palagi siyang pinagbabawalan ng ina.

“Ma, sige na po. Nasa ikaapat na baitang naman na ako. Ito na ang huling taon ko sa high school, gusto ko sanang sumali doon sa volleyball team.”

“Hindi Candy! Paano ka magiging valedictorian niyan? Mapapabayaan mo ang pag-aaral mo sa mga practice kaya tumigil ka.” sagot ni Cecil.

“Ma, consistent top student naman po ako. Hindi ko naman napabayaan ang pag-aaral ko nung sumali ako sa teatro diba?”

“Ang gawin mo magsunog ka ng kilay riyan para sa araw ng graduation ay may medal ka.”

Nais man ni Roman na suportahan ang kaniyang anak sa mga hilig nito ay hindi rin naman pinapakinggan ni Cecil ang kaniyang mga paliwanag.

“Hindi kaya masyado mo ng pinanghihimasukan ang mga desisyon ni Candy? Kung masaya siya sa pagsali sa mga school activities bakit hindi mo na lang payagan?”

“Isa ka pa, kaya malakas ang loob ng batang iyon eh dahil kinakampihan mo.”

Dahil hindi pinayagan ni Cecil ay hindi nga nakasali si Candy sa volleyball team ng kaniyang paaralan. Sa halip ay gabi-gabi na lamang siyang tumutok sa kaniyang mga aralin. Sa kaniyang isip ay baka maging mas maluwag na ang kaniyang ina sa kaniya oras na siya ay maging valedictorian.

“Baka pag naging valedictorian ako payagan na ako ni mama na maging aktibo sa school sa kolehiyo.” bulong niya sa sarili.

Sa nalalapit na pagtatapos ng eskwela ay mas lalo pang naging puspusan ang pag-aaral ni Candy. Sa isang gabi ay nakakatatlong bote pa siya ng energy drink upang labanan ang antok. Pumapasok siya na halos dalawa o tatlong oras lamang ang kaniyang naitutulog.

“Candy, ang laki na ng eyebags mo ah. Okay ka lang ba?” tanong ng kaniyang kaklase.

“Ah oo, alam mo naman malapit na ang huling exam natin kaya todo aral na ako sa bahay.” sagot niya.

Nang makauwi sa bahay ay agad na nagtungo si Candy sa kaniyang silid upang umpisahan ang kaniyang mga takdang aralin. Tahimik siyang nag-aaral nang bigla na lamang siyang nakaramdam ng pagkahilo bago nawalan ng malay at bumulagta sa sahig.

“Candy? Candy anak kakain na tayo.” katok ni Cecil sa pintuan.

Laking gulat niya nang makitang nakahiga na ang anak sa sahig at walang malay. Sumigaw siya upang humingi ng saklolo at agad namang dumating si Roman na natataranta sa kung ano ang dapat nilang gawin.

“Dali ihanda mo ang sasakyan bubuhatin ko siya papunta doon!” sigaw niya kay Cecil.

Umalis ang mag-anak patungo sa ospital at agad namang isinugod si Candy sa emergency room. Isang oras na naghintay ang mag-asawa bago lumabas ang doktor na tumingin sa kanilang anak.

“Stable na siya sa ngayon, ngunit sa ikalawang araw ko pa siya papalabasin dahil kailangan ko siyang i-dextrose.” wika nito.

“Ano po bang nangyari? Bakit bigla na lang siyang hinimatay?” tanong ni Roman.

“Sa nakikita ko ay sobrang pagod at puyat ang sanhi nito. Nakita rin sa kaniyang lab tests na halos puro energy drink ang laman ng kaniyang sikmura. Napakasama nito sa kalusugan lalo na kung hindi siya kumakain sa tamang oras.”

“Kasalanan ko ito Roman, sa sobrang pagpipilit ko sa anak natin na makatapos bilang valedictorian ay halos wala na siyang tigil sa pag-aaral.”

Nang magkamalay si Candy ay naroon ang kaniyang ama at ina na nagbabantay sa kaniya. Wala siyang kaalam-alam sa nangyari. Hinawakan ni Cecil ang kamay ng anak at humingi rito ng paumanhin.

“Anak, patawarin mo ang mama ha, pasensya kana, naiintindihan ko na ang pagkakamali ko ngayon. Candy okay lang sakin kung hindi ka maging valedictorian, basta maging malusog ka masaya na ako.”

“Ma, naiintindihan ko naman po kayo, siguro yun talaga ang pangarap mo para sa akin. Pero siyempre may mga bagay na gusto ko din sanang gawin maliban sa pag-aaral.” paliwanag ni Candy.

Makalipas ang isang Linggo ay nanumbalik ang sigla at lakas ni Candy, tamang tama naman ang kaniyang pagbabalik eskwela para sa kanilang exam.

Nang dumating ang araw ng graduation ay laking tuwa rin niya dahil sa kabila ng kaniyang mga pagliban sa klase ay nakamit pa rin niya ang nais na maging valedictorian ng kanilang klase. Masayang umuwi ang kanilang pamilya para sa maliit na salo-salong naghihintay sa kanilang tahanan.

“O ma, nag-valedictorian na ako ha. Sa college pwede na po ba akong sumali sa sports?” tanong niya.

“Oo naman anak, kung saan ka masaya susuportahan ka namin ng papa mo.”

Nang mag-kolehiyo si Candy ay malaya na siyang nakakasali sa mga activity sa kaniyang paaralan. Ngunit ni minsan ay hindi naman niya pinabayaan ang kaniyang pag-aaral. Suportado naman ni Roman at Cecil ang mga grupong sinasalihan ng kanilang mabait na anak.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Advertisement