Inday TrendingInday Trending
Paulit-ulit ang Panloloko ng Mister sa Misis Niyang Marupok, Nang Mapuno ang Babae sa Kanya ay Malupit ang Ganti Nito

Paulit-ulit ang Panloloko ng Mister sa Misis Niyang Marupok, Nang Mapuno ang Babae sa Kanya ay Malupit ang Ganti Nito

Sa umpisa ay naging maayos at masaya ang nina Wren at Blaire. Mayroon man silang mga hindi pagkakaunawaan ay agad nila itong nareresolba at nalalampasan ng magkasama.

“Wren? Nung isang Linggo ko pa sinabi sayo yung butas sa bubong diba? Magtatag-ulan na kailangan maayos na yan.” wika ni Blaire.

“Ay oo nga pala, sorry na love wag ka magalit. Eto gagawin ko na ngayon din.” paglalambing ni Wren sa kaniyang asawa.

Dahil magaling maglambing si Wren ay madali niyang nabobola ang kaniyang asawa sa tuwing nagtatampo ito sa kaniya. Habang si Blaire naman ay napakarupok at isang halik lamang ng mister ay bumibigay agad.

“ikaw talaga Blaire, ang dali mong nagpapauto riyan sa asawa mo. Aba eh kahapon lang gigil na gigil kang nagkukwento sa akin na wala siyang silbi sa bahay, tapos kanina naghahalikan na kayo diyan sa pintuan niyo?” wika ng kapitbahay nila.

“Ano ka ba, alam mo yang asawa ko napakagaling kasi niyang maglambing eh, isang kindat nga lang niyan parang natutunaw na ako.”

“Ewan ko sayo. Ang tawag sa mga kagaya mo marupok! Yan ganyan ka!”

Natatawa na lamang si Blaire sa mga naririnig mula sa kaniyang kausap. Kinagabihan ay umuwing lasing si Wren. Paalam nito ay nakipag-inuman sa mga katrabaho.

“Sabi ko naman sayo wag kang naglalasing, pwede naman yung tamang inom lang.” wika ni Blaire habang hinuhubad ang polong suot ng asawa.

“Di naman ako lasing love, sakto lang.” sagot nito bago tuluyang nakatulog sa higaan.

Dinala ni Blaire ang mga hinubad na damit ni Wren sa kanilang palikuran, ngunit laking gulat niya nang makita ang pulang lipstick sa kwelyo nito. Agad siyang kinutuban, nais man niyang komprontahin ang mister ay lasing na lasing ito at hindi naman niya makausap ng maayos.

“Humanda ka sa’kin bukas.” bulong niya sa sarili.

Isang malaking hampas ang gumising kay Wren nang ihagis sa kaniya ni Blaire ang isang sandok habang siya ay natutulog.

“Hoy tanghali na bumangon ka na diyan at mag-uusap tayo!” sigaw ni Blaire.

“Love, ang aga mo naman yata topakin, anong problema?” tanong niya.

“Problema? Ikaw anong problema mo? Bakit may lipstick na mantsa ang polo mo? Sige nga ipaliwanag mo yun sa’kin ngayon! Ayan o, ayan yung polo mong may lipstick, kanino yan ha?”

“Love, hay ikaw talaga, lipstick to ng ka-trabaho kong babae, nalasing kasi siya kagabi tapos tinulungan ko siyang sumakay sa taxi siyempre inakay ko siya kaya ayan, nalagyan ako niyan.” palusot nito habang niyayakap ang asawa mula sa likod.

“Talaga? Totoo? Wala kang babae?”

Tumango na lamang si Wren saka binigyan ng matatamis na halik ang kaniyang asawa sa batok habang ito ay nagluluto. Ngunit sa loob niya ay nagpapasalamat siya dahil muntik-muntikan na siyang mahuli.

Bagaman hindi pa rin nawawala ang hinala ni Blaire ay pinili niyang paniwalaan ang asawa alang-alang sa kanilang pinagsamahan. At kahit may ilan ng nakapagsasabi sa kaniya tungkol sa pambababae ni Wren ay ipinagsawalang bahala niya iyon.

“Love naman, wag kang nagpapaniwala sa mga yan. Naiinggit lang sila kasi masaya tayo.” dahilan ni Wren.

“Eh ano yung sabi nila na may kasama kang babae sa coffee shop?”

“Marami akong client na inilalabas sa coffee shop love. Kasi alam mo na, kailangan maganda ang ambiance sa meeting namin. Wag ka na mag-isip ng kung ano ano ha.” sabay halik sa noo ng kaniyang asawa.

Agad nanamang nauto si Blaire at naniwala sa mga palusot ni Wren. Makailang ulit niya na ring nalalanghap na amoy pabango ng babae ang kaniyang asawa ngunit dahil wala naman siya hawak na ebidensiya ay ipinagkikibit balikat niya na lamang.

Isang araw ay nakatanggap si Blaire ng tawag mula sa isang di kilalang numero. Nagdadalawang isip man ay sinagot niya ito.

“Hello?”

“Hi Blaire? Ikaw ba yan?” ayon sa lalaki.

“Oo, sino to?”

“Mico ang pangalan ko. Kasama ko ngayon dito ang asawa mo, si Wren. Alam mo ba kung ano ang ginagawa niya nang magkita kami?”

“Ha? Nasa trabaho ang asawa ko, anong ibig mong sabihin?”

“Kung gusto mong malaman ay pumunta ka sa address na ite-text ko sa iyo.” sabay baba sa telepono.

Dali-daling nagbihis si Blaire at nagtungo sa lugar na ipinadala ng lalaki. Labis siyang nag-aalala para sa lagay ng kaniyang asawa. Hindi naman siya sinagot ng lalaki kung ano ba ang totoong nangyayari. Laking gulat niya nang datnan ang asawa na nakahubad katabi ang isang babae habang tinututukan sila ng patalim ng lalaking kanyang nakausap.

“Hi Blaire! Welcome to the party!” bungad nito.

“Alam kong naguguluhan ka, ipapaliwanag ko. So itong asawa mo at misis ko ay nahuli kong nagtatalik sa kama namin. Kaya eto hindi ko alam kung anong gagawin sa kanila. Tingin mo?” pagpapatuloy pa niya.

“Hayop ka Wren, napaka-baboy mo. Pinaikot-ikot mo ako, tama naman pala lahat ng hinala ko.” naiiyak na wika ni Blaire.

Upang makaganti ay naghubad siya sa harap ng tatlo at humarap sa lalaking may patalim, inakit niya itong halikan siya na pinaunlakan naman nito. Sa harap ng dalawang taksil ay nagtalik ang dalawa upang iparamdam sa kanila ang kahayupang ginawa nila. Habang inaangkin siya ng lalaki ay nakatitig si Blaire sa kaniyang asawa na walang magawa kundi ang magwala sa isang sulok.

“Blaire tama na yan! Wag mong gawin yan!” sigaw ni Wren.

Lalo pang iniusli ni Blaire ang kaniyang bewang at hinawi ang buhok upang maipakita ang katawan habang patuloy pa ring nakapako ang kaniyang mga mata sa asawa.

Nang makatapos ay isinuot ni Blaire ang kaniyang bestida at nagpaalam. Kung paano niya dinantnan ang tatlo ay ganoon niya rin sila iniwan.

Umalis siya at umuwi sa kanilang bahay. Kinuha niya lahat ng kaniyang kagamitan at umalis. Sa pagkakataong ito ay desidido na siyang iwanan ang taksil na asawa.

Samantalang si Wren naman ay pinalabas ng lalaki matapos siyang mabugbog nito. Nang makauwi siya ay wala na ang kaniyang misis. Nagpakalayo-layo si Blaire sa kaniya at hindi na umubra dito ang kaniyang pambobola.

Mula noon ay hindi na sila muling nagkita. Nabalitaan niya na lamang na nangibang bansa na ang babae at nakatagpo na ng bagong pag-ibig.

Magsisi man si Wren ay wala na ang misis niya sa kanya.

Malalaman mo lang talaga ang halaga ng isang tao kapag wala na ito sayo.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Advertisement