Inday TrendingInday Trending
Hindi na Kumakain ang Dalagang Ito Upang Magpa-sexy, Nang Makita ang Mag-i-inang Walang Makain ay May Mahalaga Siyang Natutunan

Hindi na Kumakain ang Dalagang Ito Upang Magpa-sexy, Nang Makita ang Mag-i-inang Walang Makain ay May Mahalaga Siyang Natutunan

Maganda si Ruth, marami ang pumupuri at nanliligaw sa kanya. Halos lahat rin ng ka-opisina sa kanyang pinagtatrabahuhan ay naiinggit sa taglay niyang ka-sexyhan. Ang hindi alam ng lahat, katakut-takot na hirap ang inaabot niya ma-achieve lamang ang ganoong katawan.

Halos hindi na siya kumakain, makatikim lamang siya ng ice cream ay parang inuusig na siya ng kanyang konsensya na nagkamali siya. Ang tanging bawi na lamang sa lahat ng iyon ay ang papuri ng mga taong nakakakita sa kanya, deep inside ay di talaga siya masaya. Pinaniniwala niya lamang ang kanyang sarili.

“Girl, tara lunch?” yaya ni Sonia, isa sa mga officemates niya.

“Sige lang, I had some pasta sa bahay. At saka, may tinatapos pa ako. Sunod na lang ako.” nakangiting sabi niya, pilit na ini-ignore ang mabangong amoy ng baon ni Sonia, bakit ba kasi binuksan nito agad ang lunch box eh nasa opisina pa ito? Dapat sa canteen na nito ginawa iyon! Hindi rin totoo na kumain siya ng pasta, wala siyang kinakaing kahit na ano.

“Uy pasensya ka na ha, amoy ulam. Naku sorry!” sabi nito nang maamoy rin ang mabangong halimuyak ng adobo.

Tumango lang si Ruth, maya-maya pa ay tumalikod na ang kausap at nagmartsa palabas ng opisina, papunta sa canteen. Pero napalingon ito nang may biglang maisip, “Hindi ka naman susunod eh! Lagi kang ganyan, tara na kasi sabay ka na. Mamaya na yan, break time eh,” yaya ulit nito.

“Hindi na girl, may hinihintay kasi akong tawag.. uhm, 12 daw sya tatawag. Nasa ibang bansa ang kausap ko at limited ang oras niya kaya kailangan ko talagang sagutin.” pagsisinungaling niya. Tama naman kasi ito, wala talaga siyang balak pumunta sa canteen, matatakam lang siya sa mga pagkain doon -mga makasalanang pagkain. Magtyatyaga na lamang siya sa baon niyang pinakuluang patatas na walang lasa, kahit nga ito ay nakukunsensya siyang kainin dahil baka tumaba siya.

“Sige, bahala ka. Eto na lang o, siguro naman di ka tataba dito.” nakangiting sabi ni Sonia, iniwan nito ang biscuit.

Nasapo ni Ruth ang kumukulong tiyan, 24 lang ang sukat ng kanyang bewang pero parang takot na takot pa ring kumain ang babae.

Mabilis na lumipas ang oras at di namamalayan ni Ruth na uwian na, lutang kasi siya marahil na rin sa kakulangan sa pagkain. Halos masuka na siya sa tubig at sa tea para lamang maramdamang busog siya.

Naglabasan na ang lahat ng ka-opisina at may tinapos lang siya sandali kaya nahuli siya ng labas. Nasa tapat na siya ng building at ilang minuto nang naghihintay roon pero wala pa ring taxi.

Napagpasyahan ng babae na maglakad-lakad muna, malapit lang naman ang paradahan ng taxi doon. Habang naghihintay sa 60 seconds na stoplight ang dalaga ay napasulyap siya sa mag-iinang pulubi na nakaupo sa isang tabi. Hawak-hawak ng nanay ang isang maliit na pandesal, nakaabang naman ang tatlong maliliit na anak nito. Siguro ang pinakamatanda ay limang taon, sumunod ang tatlong taon at mag-iisang taon pa lamang ang pinakamaliit.

Madungis ang mga ito at halatang gutom na gutom.

“Hati-hati kayong tatlo,” sabi ng nanay, kahit pa halatang gutom na rin ito. Hinati nito sa tatlo ang tinapay tapos ay iniabot sa mga bata, ang bilis namang naubos iyon ng mga ito.

Nakaramdam ng awa si Ruth at naalala ang biscuit na iniabot sa kanya ni Sonia, buti na lamang at inilagay niya iyon sa loob ng bag kanina upang di sya matuksong kainin.

Agad niyang nilapitan ang mag-i-ina at iniabot ang biscuit, kalakip niyon ay ang three hundred pesos, hindi kasi siya naka-withdraw kanina. Sana ay makatulong iyon.

Gulat na gulat naman ang nanay na pulubi at halos maiyak sa tuwa.

“Salamat, dalawang araw na kaming hindi kumakain..” nanghihinang sabi nito.

Tila nagningning naman ang mata ng mga bata nang makita ang strawberry flavored na biscuit na binuksan ng ina. Kapansin-pansing kahit na marumi ang mga ito, kay ganda ng kanilang mga mukha dahil sa masasaya nilang ngiti. Sakto ring nag-green na ang ilaw, tanda na maari nang tumawid. Nakangiting tumawid si Ruth, baon ang isang aral.

Sa loob ng 60 segundo, napakahalagang leksyon ang natutunan niya. Hindi ang pisikal na anyo ang nagpapaganda sa isang tao kundi ang ngiti nito. Kung masaya ang kalooban mo ay makikita iyon sa panlabas na anyo, at napakaganda ang magiging resulta.

Na-realize rin ni Ruth ang kahalagahan ng pagkain. Tinatanggihan niya ito pero halos mamatay ang iba makakain lang. Ma-swerte pa nga siya.

Simula noon ay hindi na tinipid pa ni Ruth ang sarili. Maingat pa rin siya sa mga sobra, pero hindi na umaabot sa puntong nagugutom siya.

Kapag may pagkakataon rin ay bumabalik siya sa pwesto ng mag-i-ina pero di na niya natagpuan pa ang mga ito doon. Alam niya na ang isang beses na pagkikita nila ay tila itinakda ng Diyos upang katukin siya at imulat ang kanyang mga mata.

sa ibaba. Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement