Nagtataka ang Magkapatid Kung Bakit sa Kabila ng Hirap ng Buhay ay Nagagawa ng Ama na Mairaos Sila, Huli na nang Malaman Nila ang Katotohanan
Habang hinihintay na tawagin ang pangalan ng mga estudyanteng magtatapos sa araw na iyon, binuksan ni Rolly ang cellphone at binisita angkanyang Facebook account, Rogelio Jumawan, Jr. Karamihan sa mga Facebook friendsniya ay nasa seremonya rin, at sadya lang nakalulugod basahin ang mga status updates nga ito, ang ilan ay brokenhearted quotes, ang iba naman ay congratulatory post para sa mga ga-graduate. Hindi niya maiwasang magbalik- tanaw, ang buhay-estudyante niya’y hindi lang nagsimula at nagwakas sa apat na sulok ng kanilang classroom. Ang pinakamahalagang bahagi ng alaala’y kung paanosiya nakapag-aral. Utangniya ang lahat sakanyang ama. “Edukasyon lang ang maaari kong ipamana sa inyo, mga anak,” ang madalas sabihin ni itay. “Igagapang ko ang pag-aaral ninyo.” Kuwarenta na si itay noong tumuntongsiya ng high school at grade six naman ang nakababatang kapatid ni Rolly na si Rana. Walasilang nagisnang ina. Noon, palaisipan sakanilang magkapatid kung ano talaga ang naging trabaho ni itay. Hindi kasi gaya ng ibaniyang kaklaseng ang mga magulang ay nag-oopisina o may sariling negosyo at maayos na tahanan, sila ni Rana ay lumaki sa isang maliit na silid na kulang pa para sa tatlong katao. Si itay ang alarm clock nila sa umaga. Gigising silang may nakahanda nang tig-dalawang pandesal at malabnaw na kape sa lapag. Aalukinnila si itay ngunit ang bukambibig niya’y nauna na siya, o busog na. Minsan, kapag gumisingsilang walang almusal, hindiito makakatingin sakanila nang diretso. Iaabot nito ang tig-sampung pisong baon nila sabay tatalikod, saka sasabihing mamaya raw pagdating nila ay makakakain sila ng masarap. At hindi sila binigo nito. Sa hapon ay maaabutan nila ito sa labas ng bahay na may niluluto sa kalang de-uling. Ang favorite nila, noodles. Magmamano si Rolly sa kanya at mararamdaman niyang muli ang mga kalyo sa kamay ng matanda. Parang magic nga ang buhay, at si itay ang pinakamagaling na magician. Kailangan nila ng libro, aalis si itay. Kailangang mabayaran ang permit, aalis si itay. Pag-uwi nito’y may bitbit nang isang kilong bigas, ilang lata ng sardinas, mga gamit sa eskuwelahan, at perang pambili ng libro, pangbayad ng field trip, pangtustos sa tuition. Alam nilang ginagawa lahat iyon ni itay para makapagtapos sila, kaya sinusuklian nila iyon ng ibayong pagsisikap sa pag-aaral. Hanggang isang hapon, umuwi silang madilim ang bahay, tanging kandila lang na nakadikit sa takip ng kaldero ang nagsisilbing liwanag. “Blackout,” sabi ni itay. Nagpaalam itong aalis sandali para bumili ng pagkain. Nagkatinginan sila ni Rana, nagtataka kung bakit bukod-tanging ang dampa nila ang walang ilaw sa lugar sa iyon. May examsila kinabukasan ngunit tinamad siyang mag-review. Paanosiya makakapagbasa sa dilim? Ano ang silbi ng kandila? At nang bumalik si itay na walang dala kundi tinapay at isang sachet ng kape, doon pumasok sa isipniya ang katotohanang hindi magic ang buhay, at si itay ay hindi magician. Bumagsaksiya sa exam, salamat sa blackout. Umuwisiyang lulugo-lugo nang hapong iyon. Nakikimi siyang ipakita ang test paper kay itay pero matagal na nitong hinihintay iyon. Hindi man nito sabihin, alamnila niRanana ang matataas na grado nila ang tanging nakakapagpasaya dito. Mukhang mabibigoniya ang matandangayong gabi. Ilang sandali niyang tinitigan ang test paper sa tanglaw ng kandila. Inaasahanniyang sisimangot ito, o pangangaralan siya, ngunit nanatili ang ngiti sa mukha nito, katulad nang mga nagdaang periodic exams na nag-uuwisiya ng perfect scores. Hinaplos nito ang buhokniya at buong pagmamalaking sinabing, “Iyan ang anak ko!” Sa lamlam ng liwanag mula sa kandila’y lihimsilang nagkatinginan ni Rana, at doon nila naintindihan ang lahat. Hindi marunong magbasa si itay. Nagulat na lang si itay nang bumunghalitsiya ng iyak sa dibdib nito at humihikbing ipinangako, “Hindi kita bibiguin itay, magtatapos kami ni Rana. Magiging proud ka sa amin.” Naputol ang pagmumuni-muni ni Rollynang magsimula nang tawagin isa-isa ang pangalan ng mga graduates at mag-martsa ang mga ito paakyat ng stage. Tumayosiya at kumaway kay Rana, isa na itosa mga supervisors ng school na nasa stage ngayon at tagaabot ng diploma sa mga nagsipagtapos. Sinukliansiya nitong ngiti at thumbs up. Naka-leave siyasaopisina para makunan sakanyang cellphone ang napakahalagang araw na ito. “Rogelio Jumawan Sr,” ang sabi ng emcee. Hindi iyon kasama sa seremonya pero lahat ng naroon– mga magulang, kamag-anak, kaibigan, mga guro, estudyante, kapwa graduates– lahat sila nagsipagtayo at nagpalakpakan habang iniaabot ni Rana ang diploma sa pinakamatanda nilangcollege student. “Proud kami sa’yo tatay!!!” sigaw ni Rolly. Maluha luha ang matandang nakasuot ng toga, habang nakangiti sa mga anak at hawak ang diploma. Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.