Inday TrendingInday Trending
Malakas ang Hinala ng Babaeng May Kinakalantari ang Asawa Dahil ang Laki ng Nilosyang Niya nang Manganak Siya

Malakas ang Hinala ng Babaeng May Kinakalantari ang Asawa Dahil ang Laki ng Nilosyang Niya nang Manganak Siya

Si Chynna ay apat na taon nang kasal sa asawang si Martin. Sa loob ng apat na taon ay nagkaroon sila ng isang anak na si Christine, tatlong taong gulang. Sa unang pagsasama bilang bagong-kasal na mag-asawa noon ay masayang-masaya ang dalawa. Excited nilang inayos ang bago at simpleng tahanan nabili nila nang hulugan. Katulad ng mga bagong-kasal ay naenjoy nila ang unang taon ng kanilang pagsasama. Sa ikalawang taon nito ay saka sila biniyayaan ng isang malusog na anak. Ngunit simula nang isilang ni Chynna si Christine ay napabayaan niya na ang sarili niya. Hindi na siya palaayos tulad ng dati. Palagi siyang puyat at pagod sa pag-aalaga ng bata. Kung minsan ay naiinsecure na rin siya sa sariling itsura, lalo na kapag namamasyal sila ng asawa at nakakakita siya ng mga babaeng mas maganda at sexy ang pangangatawan. “Mahal, kapag ba tumaba ako, mamahalin mo pa rin ako?” minsang tanong niya sa asawa. “Oo naman, kahit maging balyena ka pa,” sweet na sagot nito sa kanya sabay yakap sa likod niya. Doon siya nakampante at lumuwag ang dibdib. Napalagay siya sa sinabi ng asawa. Ngunit hindi rin nagtagal iyon. Ilang buwan pa ang lumipas at lalong nalosyang ang itsura ni Chynna. Tumaba pa siya dahil sa stress-eating disorder na nararanasan niya. Sa tuwing nakakaramdam siya ng depresyon o stress dahil sa mga pagbabago sa sarili, pagkain ang nagsisilbing takbuhan niya. Hindi rin niya malaman kung bakit napapadalas rin ang away nilang mag-asawa. Sa asawa niya palagi ibinubunton ang galit. Pakiramdam niya kasi ay nagsisinungaling na lang ito kapag sinasabing mahal pa rin siya nito. Dahil kung siya ang tatanungin ay hindi niya na mahal ang sarili niya ngayon. “Lumayas ka nga muna, naiinis ako sa buhay ko ngayon!” inis na sigaw ni Chynna sa asawa. Nagdamdam kasi siya nang hindi siya nito pinansin pagkadating ng bahay. ‘Ni hindi rin nito naalala na ngayon ang wedding anniversary nila. Sinasabi na nga ba niya, hindi na siya mahal nito at may iba na rin itong kinakalantari. “Siguro may iba ka na, Martin no! Sabihin mo nalang sa akin ang totoo, hindi ‘yung nagmumukha pa akong tanga dito,” naiiyak na siya sa awa sa sarili. Pakiramdam niya ay kawawang-kawawa ang inabot niya sa pag-papamilya. Nagtaka siyang hindi umimik ang kanyang asawa. Dati-rati kasi ay nilalambing siya nito at pinapakalma pero ngayon ay lumabas lang ng bahay ito nang walang anumang sinasabi. Doon siya lalong humagulgol ng iyak. Minsa’y nakokonsensya na siya sa ginagawa ng asawa. Pero hindi niya lang talaga maiwasan ang pakiramdam ng pagse-self pity. Isang oras ang lumipas ay nagulat siyang bumukas ang pinto. Maga na ang kanyang mga mata kakaiyak. Maigi na lamang at hindi pa rin nagigising sa pagtulog ang anak nila. Nakita niyang iniluwa ng pinto ang asawa niya. Gulantang siya nang makita kung ano ang dala-dala nito. Isang bouquet ng paborito niyang bulaklak. Lumuhod ito sa harapan niya, “Mahal, wala akong babae. Diba sinabi ko naman sayo na kahit maging balyena ka pa mamahalin pa rin kita? Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano, ikaw lang at ang anak natin ang mamahalin ko habambuhay,” naluha siya sa sinabi nito, “Happy Anniversary. Mahal na mahal kita.” Hindi mapigilan ni Chynna ang pag-iyak. Mula noon ay wala naman talagang nagawang kasalanan ang asawa niya sa kanya. Nagpatalo siya sa insecurities niya sa katawan. Napakaswerte niya dahil nagkaroon siya ng asawang maunawain at mapagmahal na tulad ni Martin. Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement