Buong Buhay ng Binatilyong Ito ay Nag-aasam Siya na Makita ang Hindi Nakagisnang Ama, Ngunit Hindi Niya Inakalang Makikilala Niya Ito sa Paraang Hindi Niya Inaasahan
Unang araw ng pasukan para kay Arwin at sa kanyang mga kaibigan na sina Joseph, Jessy at Samantha. Sa kanilang pagpasok ay dala-dala pa nila ang mga masasayang alaala ng bakasyon. Lahat sila ay excited sa pagpasok maliban kay Arwin. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa siya nakakabili ng mga gamit para sa eskwela. Ang lumang bag at mga gamit nang notebook ang dala-dala niya ngayon sa pagpasok. Walang kapatid si Arwin at ang tanging nanay niya lamang na si Arlyn ang nagpalaki sa kanya. Kwento ng ina niya, simula nang maipanganak siya ay hindi na sila pinanindigan ng kanyang ama. Natakot daw ito sa responsibilidad na kakaharapin sa pagpapamilya. Mataas daw ang pangarap ng mga magulang ng tatay niya para dito. Kaya naman nang malaman nitong pinagbubuntis siya ng nanay niya ay agad itong nag-abroad at hindi na nagparamdam sa kanila kailanman. Sabi ng nanay niya marahil ay pinagpatuloy nito ang mga pangarap sa buhay. Walang itinanim na galit ang kanyang nanay sa tatay niya. Bagkus ay palagi pa siya nitong pinapaalalahan na huwag daw siyang magagalit sa tatay niya. Na tanggapin niya pa rin daw ito kapag muli silang nagkita. “Hoy, Arwin! Nakatulala ka na naman d’yan!” tawag sa kanya ng kaibigang si Joseph. Nagising ang kanyang diwa, “Bakit ‘pre?” “Sabi ko may dalawang transferee tayong chicks na kaklase. Buy one take one!” anito kasabay ng nakakalokong ngiti. Binatukan naman ni Samantha ang lalaki, “Loko-loko ka talaga! Anong buy one take one, kambal ‘yan! Charrie at Cherry ang pangalan nila.” “Oo nga Seph, High school ka na, isip-bata ka pa rin,” sabad naman ni Jessy. Nagtawanan ang magtotropa. Masaya si Arwin dahil kahit papaano ay nawawala ang lungkot at problema niya sa buhay kapag nasa eskwelahan siya at kasama ang mga kaibigan niya. Kaya naman palagi niyang nasasabi sa sarili na maswerte pa rin siya kahit lumaki siyang walang kinilalang ama ay napakabait at mapagmahal naman ng nanay niya at ng mga kaibigan niya. “Oo nga pala, may bago rin pala tayong teacher!” ika ni Samantha. Buhat doo’y nakita niya ang may kaedaran nang lalaki at nakasalamin. Nanikip ang dibdib niya, hindi niya alam kung bakit tila pamilyar sa kanya ang mukha noon. “Okay class, ilabas niyo ang libro sa History.” Naging masaya ang klase kay Mr. Edwin, ang bagong guro nila. Hindi katulad ng dati nilang History Teacher na parating boring ang klase. Tuwang-tuwa silang magkakaibigang makinig sa klase nito. “Aba, first time ‘yata nating makinig sa history ah!” ika ni Joseph. Hindi na iyon pinansin pa ni Arwin at agad-agad na umuwi ng bahay. Magsasaing pa kasi siya at magluluto para sa kanilang mag-ina. Ngunit pag-uwi ni Arwin ay laking-gulat niya nang gumulantang sa kanya ang napakagulong bahay. Naabutan niya si Mang Jose na inaayos ang mga gamit nila. “Mang Jose, ano pong nangyari dito?” kinakabahang tanong niya. “Naospital ang nanay mo, pero huwag ka mag-alala dahil nadulas lang naman siya at medyo sumakit ang ulo kaya dinala na namin sa ospital.” Tarantang nagtungo si Arwin sa ospital na sinabi ni Mang Jose. Hinanap niya ang kwarto ng ina, ngunit sa kanyang pagtataka ay may nakita siyang lalaking tila namomroblema sa labas ng kwarto ng kanyang ina. Laking gulat niya nang makilala ang lalaki. Ito ang bagong guro nilang si Mr. Edwin! “Ano pong ginagawa niyo dito, Sir?” Ngunit imbes na sagutin ay umiiyak na niyakap lang siya nito. Yakap na sobrang higpit at nagpabilis ng pagtibok ng kanyang puso. “Anak…” naabutan sila ng nanay niya sa pintuan. Nakita niyang may benda ito sa ulo. Umiiyak na rin ito. “Siya ang tatay mo.” sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.