Kinahiya ng mga Kapatid ang Lalaking ito, Lingid sa Kaalaman nila ang Dahilan ng Lalaki sa Pagpapahiya sa Sarili
Si Henry ay ang panganay sa limang magkakapatid. Siya ang tumayong ama sa mga ito simula nang mamatay ang kanilang mga magulang at tanging lola nalang nila ang nagsilbing tagapagbantay at tagagabay nila. Sa kabila niyon ay si Henry pa rin ang nagtaguyod sa pag-aaral ng kanyang mga kapatid. Tumigil siya ng High school upang mapag-aral niya ang mga kapatid na sina Junar (17 taong gulang), Sonya (14), Charles (10) at Gigi (7). Sa edad na 21, ay napakaraming part-time jobs ang pinasok niya upang may pambaon at pambayad sa tuition ang kanyang mga kapatid. Ngunit sa kabila ng maraming trabaho, ay hindi pa rin sapat ang kanyang kinikita para sa kanilang lahat. Lalo pa at inuungutan na siya ni Junar para sa tuition nito sa nalalapit na ikalawang semester sa college. Isang araw habang naghahanap siya ng trabaho sa Facebook ay nakita niya ang post ng isang kaibigan na naghahanap ng mga contestant. Lumaki ang mata niya sa laki ng papremyong naghihintay sa mananalo. “Sobra-sobra na iyon para sa tuition fee ni Junar, isang linggong pagkain pa namin yun!” tuwang-tuwang pinindot ni Henry ang salitang “interested” sa comment section ng post. Agad siyang nakatanggap ng PM (private message) mula sa may-ari ng post. “Hi pogi!” sabi nito sa message. Agad niya itong nireplyan at doo’y nagsunod-sunod na ang kanilang usapan. Pumayag agad si Henry nang hindi iniisip ang kapalit ng kanyang pagpayag. Natapos ang contest at tuwang-tuwang iniuwi ni Henry ang medalya at syempre ang cash na papremyo sa kanya. Naipanalo niya ang contest kaya sa kanya ang pinakamalaking cash prize. “Andito na si kuya! May uwing masarap na fried chicken!” sigaw ni Henry ngunit sa kanyang pagtataka ay tila mga nakabusangot ang mukha ng kanyang mga kapatid. “Anong problema? Bakit ganyan ang mga mukha niyo?” takang-tanong ni Henry. Ngunit walang sagot ang namutawi sa mga kapatid niya, kaya binalingan niya ang kanyang lola na kasalukuyang nagtutupi ng mga damit, “La, bakit po?” Ngumiti sa kanya ang kanyang lola at tinapik siya sa balikat, “Hindi ko rin alam apo, kanina pa sila ganyan. Ayaw naman sabihin sa akin kung bakit. Aalis muna ako apo ha, ibibigay ko lang ‘tong mga order ni Mary.” Pagkaalis ng lola nila ay biglang dabog ni Junar, “Aalis na rin muna ako!” Sabay sunuran naman ng iba niyang kapatid, ang tanging natira lang ay ang bunso nilang kapatid, “Anong nangyari, Gigi?” Nalungkot ang mukha nito, “Narinig ko sila kuya, nakita ka daw po ni Kuya Junar na babae ang suot.” Nagulantang si Henry, “Paano…” “Dadayo sana sila ng basketball sa kabilang barangay nang makita ka daw ng tropa ni kuya Junar, kaya ayun, niloko daw sya ng mga tropa niya na bakla ka daw pala,” papaiyak na ang kanyang kapatid, “Sabi ko sa kanila, ‘di totoo yun. Diba kuya, hindi ikaw yun?” Hindi siya nakasagot. Hindi na naalala ni Henry ang magiging kapalit ng pagsali niya sa gay contest. Nawala na sa isip niya ang dignidad niya bilang lalaki, basta ng inisip niya lang ay ang premyong naghihintay kapag nanalo siya. Ang tanging naisip niya ay kung papaano matutustusan ang tuition fee ng kapatid niyang si Junar. Napagdesisyunan ni Henry ni tanggapin nalang ang alok ng kaibigan na mamasukan bilang factory worker sa Maynila. Ayaw niya sanang tanggapin iyon dahil inaalala niya pa rin ang kalagayan ng mga kapatid, ngunit napagtanto niya na kahit ilang part-time jobs pa ang pasukin niya ay hindi sasapat ang kikitain niya dito sa probinsya sa pantustos sa gastos sa mga kapatid. Hindi na siya nag-abalang magpaalam pa sa mga ito. Iniwan na lamang niya ang perang napanalunan niya kasama ng isang sulat na naglalamang ng mensaheng: Mga kapatid ko, Pasensya na kayo ha, kung hindi ko maibigay lahat ng gusto niyo. Sorry kung hindi ko kayo maikain sa labas tulad ng mga nakikita nyo sa mga kaklase nyo. At Junar, sorry, napahiya ka sa mga kaibigan mo ‘tol. Ginawa ko lang naman ‘yun para may pambayad tayo sa tuition fee mo. Patawarin nyo ako. Babawi ang kuya sa inyo. Mahal na mahal ko kayo. Tunay na nakakahanga ang sakripisyong ginawa ni Henry para sa mga kapatid. Dapat ba itong ikahiya ng mga kapatid niya? sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.