Palaging Kinukutya ang Lalaki ng Kanyang Bayaw Dahil sa Itsura Niya at Agwat ng Edad sa Asawa, Ngunit Natulala Ito nang Malaman ang Sikreto Niya
“Ano ba naman yan, Flora hahanap ka nalang ng lalaki, yung pangit, walang trabaho at matanda pa!” bulyaw na naman kay Flora ng panganay niyang kapatid. “Kuya Boyet, alam mo namang mahal ko si Albert. Kahit na ganyan pa siya, ipinaglaban ko siya sa inyo at handa ko siyang ipaglaban hanggang sa huli.”sagot naman niya dito. Muli na namang narinig ni Albert ang pag-uusap ng magkapatid sa sala ng kanilang tahanan. Hati ang kanyang nararamdaman sa tuwing napapakinggan ang pagtatalo ng mga ito. Nalulungkot siya dahil sa mga panlalait na inaabot niya sa bayaw niya. Ngunit natutuwa naman siya dahil sa tuwing nangyayari iyon ay hindi nakakalimot ang asawa na ipagtanggol siya. Isang taon palang silang kasal ni Flora. Sa unang anim na buwan ng pagsasama ay okay naman ang pakikitungo ng pamilya ng asawa sa kanya. Ngunit nang magtagal ay tila nag-iba ang ihip ng hangin at tuluyan nang ipinakita ng mga ito ang tunay na kulay. Palagi na niyang naririnig na pinag-uusapan siya mga kapatid ng asawa, nilalait at kung minsan pa’y harapang kinukumpronta at pinalalayas kapag nalalasing. Isang gabi bago sila matulog ay tinanong siya ng kanyang asawa, “Mahal, ano kaya’t sabihin na natin sa kanila ang totoo?” Umiling siya, “Huwag na mahal, hayaan nalang natin. Ayokong mailang sila sa akin kapag nalaman nila ang totoo.” Ipipikit na lamang niya ang kanyang mga mata nang marinig ang pamilyar na boses ng kanyang bayaw. “Hoy, matandang hukluban! Lumabas ka riyan! Ang kapal ng mukha mo! Magpapaalaga ka nalang, sa kapatid ko pa! Lumayas ka dito!” Tarantang bumangon ang asawa niya sa higaan at hinarap ang kuya nitong nagwawala, “Kuya ano ka ba? Gabing-gabi na nag-eeskandalo ka pa, hindi ka na nahiya sa mga kapit-bahay!” “Anong mahiya? ‘Yang asawa mo ang dapat na mahiya! Katanda-tanda na, kapangit-kapangit pa! Ginawa ka nang katulong n’yan ah!” Naiiyak na si Albert sa sakit na nararamdaman. Naninikip ang dibdib niya. Tila hindi siya makahinga. Gulong-gulo na siya at hindi malaman ang gagawin nang marinig ang pag-iyak ng asawa. “Hindi niyo alam ang totoo! Ang totoo na ang asawa ko ang gumastos sa pang-ospital ni tatay! Na kaya wala siyang trabaho ngayon ay dahil rin sa atin! Na kahit lait-laitin niyo siya, ‘ni hindi niya sinusumbat sa atin ang lahat!” Tuluyan na siyang napaluha, naalala na naman kasi niya si Mang Nato, ang matandang nagtitinda ng fishball sa harapan ng eskwelahan niya noon. Palagi niya itong kabiruan at kakwentuhan habang bumibili siya ng paninda nito. Nabuhay siyang walang kinalakihang ama, kaya naman napalapit talaga ng tuluyan ang loob niya dito. Nakilala niya ang dose anyos na si Flora dahil na rin kay Mang Nato. Palagi kasi nitong kinukwento sa kanya ang bunsong anak habang pinapakita ang litrato ng napakagandang bata. Ilang taon matapos siyang makagraduate at makapagtrabaho ay hinanap niya muli ang matanda. Ngunit nalaman niyang kasalukuyan itong nasa ospital at may malubhang karamdaman. Inako niya lahat ng gastusin at doo’y nakilala niya ang bente-anyos na noong si Flora. Sinamahan niya itong magbantay sa ama na noo’y naghihirap na sa sakit nito. Wala ni isa sa mga kapatid nito ang nag-abalang dumalaw o tumulong man lang para sa kalagayan ng ama kaya naman napagdesisyunan niyang magresign sa trabaho upang tuluyang samahan at damayan ang noo’y kasintahan na niyang si Flora. Ilang buwan ang lumipas at bumigay na rin si Mang Nato. Ngunit, bago ito mawala ay may ibinilin ito sa kanya, “Huwag mong iiwan ang anak ko, Albert. Ikaw nang bahala sa kanya. Maraming salamat sa lahat ng kabutihan mo, anak.” Dapat nga ba tayong manghusga dahil lamang sa panlabas na katangian? sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.