Hinalungkat ng Babaeng Ito ang Lumang Tool Box ng Ama, Nagulat Siya nang May Mabasang Naglantad sa Pinakatatagong Sikreto Nito
Dahan-dahang naglakad si Josephine sa loob ng bahay, alam niyang nandoon na naman ang tatay niya sa kusina at nagbabasa ng dyaryo. Iyon naman kasi ang gawain ng matanda tuwing umaga, uminom ng kape at magbasa ng dyaryo. Nakatingkayad pa ang mga paa niya habang papalapit dito. “Alam kong nandyan ka,” nakangiting sabi nito. Bigo naman ang dalagang gulatin ang matanda dahil kilalang-kilala na siya nito. Si Josephine, 43 taong gulang. Sa Amerika na siya naninirahan kasama ang mister at isang anak na binata na ngayon, nauna lang siyang umuwi dito sa Pilipinas dahil magpa-Pasko na, bago mag bisperas ay susunod na rin dito ang kanyang mag ama. Samantala, sa kabila ng kanyang edad, kung ituring siya ng ama ay parang baby girl pa rin. Ganoon din naman siya dito, hindi siya nagsasawang lambingin ang matanda. “Pa, pahiram akong barena mo. May bubutasan ako sa dingding ng kwarto ko, isasabit ko yung family picture natin.” sabi niya rito. “Ako na, tsaka nasa basement yung tool box ko dahil matagal na panahon ko nang hindi ginagamit. At baka masira mo ang pader!” pangbibiro nito sa kanya. “Marunong ako no, tsaka baka mapano ang kamay mo. Diba nirarayuma kana?” biro niya rin dito. Napailing na lang ang matanda at ibinigay sa kanya ang susi ng basement. Nakalimutan yata ng kanyang ama na isa siyang Architect at parte iyon ng kanilang pinag aaralan kaya marunong siyang gumamit ng barena. Pagpasok niya sa basement ay halos maubo siya sa alikabok na sumalubong. Takip ang ilong ay sinimulan niyang hanapin ang tool box, isang karpintero ang kanyang ama noong araw. Sa wakas ay nahanap niya rin, pero sa tagal ng panahon na hindi nagamit ay kay hirap nitong buksan. Tiyak niyang may mga kalawang na rin ang ilang kagamitan sa loob nito. Bumungad sa kanya ang puro grasang martilyo, lyabe at lagareng bakal. May screw driver din pero ang nakatawag ng kanyang pansin ay ang nakatuping papel na nakaipit sa mga kagamitan. Resibo?sa isip isip niya. Binuksan niya ang papel at nagulat siya ngmakita na sulat iyon ng kanyang ama, isang buwan bago siya ipanganak. November 18, 1975 Ako si Juanito, bulakbol, hindi nakapagtapos ng pag aaral, naging magnanakaw, manloloko ng kapwa, at ngayon ay madadagdag na sa listahan ang ‘batang ama’. Pero simula sa araw na ito, nangangako akong aayusin ko na ang buhay ko para sa maliit na anghel na paparating, mabubuhay ako ng marangal para maipagmalaki niya ako pagdating ng panahon. Bubuhayin ko siya ng buong puso at dignidad, kahit magkandakuba ako sa hirap. Pangako ko ito sa sarili ko. Juanito Napangiti naman si Josephine at pinahid ang mga luhang di napigilang tumulo na pala. Agad siyang umakyat sa itaas at pinuntahan ang amang nagbabasa pa rin sa kusina, nagulat ito nang makitang dala niya ang papel. “Papa, I love you,” sabi niya sabay yakap rito. “Ikaw ang nagpabago sa buhay ko.Thank you..” bulong ng matanda. sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.