Inday TrendingInday Trending
Naawa ang Lalaki Kung Kaya Inalok Niya ng Tubig at Pagkain ang Lalaking Naglalako sa Kalsada, Ilang Taon ang Lumipas at Nagkita Silang Muli

Naawa ang Lalaki Kung Kaya Inalok Niya ng Tubig at Pagkain ang Lalaking Naglalako sa Kalsada, Ilang Taon ang Lumipas at Nagkita Silang Muli

Si Jonas ay isang binatang naglalako ng mabigat na mga cabinet sa ilalim ng tirik na araw sa kalsada. Gutom at uhaw na siya kaya naman napagdesisyunan niyang kakatok siya sa isang bahay at makikiinom.

“Ano po ‘yun?” tanong ng kapwa niya binata.

Tila naumid ang kanyang dila sa hiya, “Mag-aalok lang sana ng cabinet.”

Ngumiti ito na tila nagets ang gusto niya sanang gawin, “Pasok brad.”

Nagulat siya sa sinabi nito.

“Makikiinom ka no?” nakangiting turan nito sa kanya.

Nahihiya siyang tumango at napakamot sa batok. Dahil maliit lang din ang bahay nito ay nakita niyang kumuha ito ng tubig sa ref. Binigay nito ang isang baso ng tubig sa kanya, “Salamat brad.”

“Tanghalian na brad, kumain ka na ba?” tanong nito habang nasa kusina pa rin ng bahay.

“Ah eh…” nahihiya siyang sabihin dito na hindi pa. Nagulat nalang siya nang bigla siyang hainan nito ng kanin at ulam.

“Brad ‘wag na, nakakahiya.”

Ngumiti ito sa kanya, “Huwag ka ng mahiya. Alam ko ang hirap mo sa paglalako sa mainit na araw. Ganyan rin dati ang trabaho ko. Tara kain na tayo.”

Masayang-masaya siya na tama ang napuntahan niyang tahanan. Napakabait ng lalaking ito at sa sobrang pasasalamat ay tinandaan niya talaga ang pangalan nito.

Ilang taon ang lumipas at naging abogado ang binatang maglalako noon. Dahil sa pagsusumikap at talino ay nakapagtapos siya ng abogasya.

“Atty. Reyes, may kliyente po kayo,” ika ng sekretarya niya.

“Papasukin mo.”

Nakita niya ang isang lalaking bugbog-sarado ang mukha, “Anong nangyari sayo?”

Nagulat si Atty. Reyes nang malaman ang pangalan nito,”Kaya pala pamilyar siya.”

Napangiti ang attorney, sa wakas ay makakabawi na rin siya sa lalaking matagal niya nang gustong makita. Pinilit niyang ipinanalo ang kaso nito. At hindi naman siya nabigo sa huli.

Muli siya nitong pinuntahan, “Atty. pwede ko na po bang malaman kung magkano ang babayaran ko sa inyo?”

Matagal na kasi siyang kinukulit nito sa pagtatanong kung magkano ang atty’s fee niya. Pero lagi niya lang sinasabi na sabay-sabay na pagtapos ng kaso.

Nagsulat siya sa isang maliit na papel at binigay iyon sa lalaki.

Client Mark Joseph Navarro,

Matagal ka nang fully-paid sakin. Salamat sa masarap na tanghalian at malamig na tubig noon.

Atty. Reyes

Anoangaralnanatutunanmosakathangito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Advertisement