Pinaliguan ng Ginang ang Isang Batang Marusing, Hindi Niya Lubos-Maisip na Napakayaman Pala Nito
Si Belinda ay isang matandang dalaga na nakatira sa syudad ng Caloocan. Madalas siyang nakatambay sa bintana ng kanyang bahay upang pagmasdan ang mga taong dumaraan. Isang araw ay may nakatawag-pansin sa kanyang bata na tila nababalisa. Marumi at marungis ang bata na tila ilang araw nang hindi nakakaligo. Tila wala rin ito sa sarili. Kaya naman naging dahilan iyon ng pagkasagi niya sa isa pang bata na may kasamang mga kaibigan. Hindi iyon nagustuhan ng mas malaking bata kaya naman tinulak ito at pinagtulungan. Agad na napabalikwas si Belinda sa ginagawa. Lumabas siya ng bahay upang sawayin ang mga batang pinagtutulungan na ang marungis na bata. “Hoy, tama na ‘yan!” Takbuhan naman agad ang mga pasaway na bata, “Aswang!” Napalingon siya sa mga nagtatakbuhan nang bata. “Lahi ng aswang!” Napailing na lamang siya sa mga ito. Dahil sa mga naririnig sa mga magulang ng mga ito ay nagagaya na ng mga bata. Madalas kasi siyang pagkamalang aswang sa lugar nila dahil madalas siyang nag-iisa at sa gabi lang lumalabas. Binalingan niya ang kawawang batang nakalumpasay na sa semento, “Okay ka lang?” Umiyak lang nang umiyak ito kaya naman nagdesisyon siyang papasukin ito sa bahay nila at paliguan. “Kumain ka muna,” yaya niya dito matapos nitong magbihis ng pinahiram niyang damit ng kanyang pamangkin. Hindi ito nagsalita sa halip ay may pinuntahan sa gilid ng bahay niya. Yung mga papel na pinangdikit niya sa butas na kisame. Nagtaka siya kaya naman nilapitan niya ito, “May problema ba?” Imbes na sumagot ito ay nagpatuloy lang ito sa pagtitig sa kisame, “Ano bang tinitignan mo d’yan?” Ngunit nabigla siya nang mamukhaan ang batang nasa papel sa kisame, “Diyos ko po!” Tinitigan niyang muli ang bata, “Ikaw nga!” Niyakap niya ito, “Anong nangyari sayo?” Nanatili pa ring tahimik ang bata na tila wala talagang alam sa nangyari sa kanya, “Ikaw yung batang matagal nang hinahanap sa probinsya natin!” Hindi siya makapaniwala. Halos dalawang-taon nang nawawala ang batang ito, “Halos sumuko na ang ama mo sa pagpapahanap sayo.” Kilalang-kilala niya ang bata, lalo na ang angkan nitong pinakamayaman sa probinsya nila. Agad siyang tumawag sa nanay niya sa probinsya at binalitang buhay pa ang anak ni Don Ramon. Kinabukasan ay isang magarbong van ang agad na sumundo sa bata. Sa loob niyon ay si Don Ramon mismo na halos tumanda ang mukha sa stress. “Anak ko!” Nalaman nilang tinangkang kidnapin ang bata ngunit nakatakas agad ito at nagpagala-gala na pagkatapos noon. Dahil laki sa yaman ay wala itong alam sa realidad ng mundo kaya naman ganito ang inabot ng bata. Biniyayaan ng mayamang lalaki si Belinda ngunit tinanggihan niya iyon sa halip ay sinabi nalang niya na itulong iyon sa mga bata sa lansangan. Agad na pumayag si Don Ramon at nagpasalamat pang muli bago umalis. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.