Inday TrendingInday Trending
Dahil sa Pagsisikap at sa Mabait na Amo ay Nakapagpatayo na ng Sariling Bahay ang Isang Pilipinang OFW

Dahil sa Pagsisikap at sa Mabait na Amo ay Nakapagpatayo na ng Sariling Bahay ang Isang Pilipinang OFW

Katatapos lang magluto ni Sally ng meryenda, maya maya ay susunduin niya na ang dalawang alaga sa eskwelahang pinapasukan ng mga ito. Maingat na iniligpit ni Sally ang mga pinaglutuan niya ng banana cue at nagbihis na, mayroon siyang balabal sa ulo dahil konserbatibo ang mga tao sa Saudi. Kailangang laging may takip ang ulo kapag lumalabas. “Sally! we’re here!” sigaw ng mga batang tumatakbo palapit sa kanya. Ito ang mga alaga niya, si Ahmed 8 taong gulang at si Hussain, 6 taong gulang. Kinuha niya ang bag ng dalawang alaga at niyaya na ito pabalik sa kotse. Agad naman silang pinagbuksan ng pinto ng driver na Pilipino rin. “Salamat po Kuya Ernie.” magalang na sabi ni Sally rito. Ganoon ang takbo ng araw araw na buhay niya sa Saudi, noong unang taon niya rito ay gabi gabi siyang umiiyak. Ang unang amo niya ay napakalupit, dumating sa puntong ang pinapakain nito sa kanya ay dog food, pero dahil sa gutom ay sinikmura niya iyon. Isang buwan siyang hindi pinapalabas at pinapagamit ng telepono, napakababa ng tingin nito sa Pilipino. Akala ng babae ay hindi na matatapos ang paghihirap niya sa impyernong iyon. Nang makauwi sa Pilipinas ay bumili siya ng ilang baboy at iyon ang ginawang negosyo. Pero tila sinusubok talaga ng tadhana dahil na-peste ang mga iyon at nangamatay. Ang mister niya ay mahina ang kita, lumalaki na ang mga anak niya at lumalaki na rin ang gastos kaya walang nagawa si Sally kung hindi ang muling sumugal sa abroad. “Nanay,babalik ka agad ha?” sabi ni Stella, ang panganay niyang anak. Nakahawak dito ang mas maliit na kapatid na si Stacey, parehong umiiyak ang dalawang bata. “Oo naman, tatawagan ko kayo palagi.” pinilit ngumiti ni Sally kahit ang totoo ay sobrang sakit ng kanyang puso. Niyakap niya ang asawa at mga anak at pagkatapos ay tumalikod na para sumakay ng eroplano. “Hey Sally! Sally!” naudlot ang pagbabalik tanaw ng babae nang tawagin siya ni Ahmed. “Yes?” tanong niya rito. “I said your banana cue is so good! and mama is here already.” tinuro ng bata ang ina nitong kanina pa pala nakamasid sa kanila. “Ay! Hello madam, I already cook snacks for the kids.Here madam eat too, with us. I will get fork for you try banana cue, in the Philippines this is my favorite meryenda. Meryenda, is, it’s snack in the afternoon.” natataranta niyang tawag sa amo. Tumango tango lang naman ang babae, nakangiti lang ito.Kabaligtaran ng dating amo, ay napakabait nito. Strikto pero kahit kailan ay hindi siya nito pinagbuhatan ng kamay, palaging may ‘please’ ang bawat utos, at itinatrato siya bilang tao. “Sally, we have to talk. This is serious.” halata sa mukha ng amo na seryoso ito. Nagsimula nang kabahan ang babae. “Yes madam?” sabi niya rito. “Sally I don’t want you to be our maid anymore,” maikling sabi nito. “Po? Ay, why madam?” Hindi maaari! marami pang bayaran sa eskwela ang mga anak niya, siya rin ang tumutulong ngayon sa nanay niya kaya di sya maaaring makauwi ng Pinas. “I’ve seen you work hard, and I think you deserve more. I would be happy if you’ll be part of my business as one of the kids party planner. We usually require educational attainment but you will be an exception since I saw your passion in taking care of my kids and making them happy.” mahabang sabi nito. Nakanganga lang ang babae dahil di nya masyadong naintindihan basta ang pagkakaunawa niya, na-promote siya! Nagbunga rin lahat ng hirap at pagtitiis niya abroad. Si Sally ay isang magandang halimbawa na kapag may tyaga, may nilaga. Ang buhay ay walang thrill kung walang problema, ang pinakamahalaga sa lahat ay nagagawa pa rin nating ngumiti sa kabila ng lahat. Makalipas ang ilang taon ay nakapagpatayo na si Sally ng isang magandang bahay para sa nanay niya at sa sariling pamilya. Mayroon na rin siyang maliit na negosyo dito sa Pilipinas. Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. Ano ang napulot mong aral sa kwento ni Sally? Kung ikaw ang nasa lugar niya noong minaltrato siya ng unang amo, susugal ka pa rin bang bumalik sa abroad? sa ibaba. Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement