Inday TrendingInday Trending
Mula sa Pagiging Maganda’t Batang Itsura ay Naging Matandang Pangit ang Mukha ng Dalagang Ito, Ano ang Kinalaman ng Katapat nilang Malaking Puno Dito?

Mula sa Pagiging Maganda’t Batang Itsura ay Naging Matandang Pangit ang Mukha ng Dalagang Ito, Ano ang Kinalaman ng Katapat nilang Malaking Puno Dito?

Isang magandang dalaga si Mikaela o mas kilala sa pangalang Mika. Marami ang nagkakagusto sa kanya sa eskwela pati na rin sa barangay nila. Kasalukuyan siyang nakatira sa probinsya ng Quezon kasama ng nanay niya at ng stepfather niya. Italyano daw ang tunay niyang tatay. Kaya napakaganda niya bilang resulta. Maraming umaakyat ng ligaw kay Mika ngunit kataka-takang lahat ng mga iyon ay hindi na nagbabalik. Hindi niya naman magawang tanungin ang mga ito dahil nahihiya siya. Sa tuwing iniisip ang palaisipan na iyon sa buhay niya ay nakadungaw siya sa bintana at nakatingin sa tanawin sa labas. Isa na doon ang matandang malaking puno sa tapat nila. Nahihiwagaan siya dito dahil kahit na anong putol ang gawin ng mga taga-baryo nila ay hindi ito maputol-putol. Masyado daw itong matibay sabi ng mga kalalakihan. May misteryo naman daw na bumabalot dito sabi ng mga nakatatanda. Pero hindi siya naniniwala doon. Masyadong maganda ang punong ito para magkaroon ng misteryo. Isa pa ang nasa makabagong panahon na sila. Hindi na naman siguro uso ang mga kakaibang elementong sinasabi nila. Tuwing pagkagising sa umaga ay naghihilamos siya at tumitingin sa salamin. Natutuwa siya sa nakikita, “Napakaganda ko talaga.” Wala na siyang mahihiling pa sa buhay lalo na nang sa wakas ay makita niya ang ama sa Facebook. Nakilala din siya nito nang ipakita niya ang litrato ng ina. Nangako itong pupuntahan siya sa Pilipinas at ipapasyal sa Italy. Isang araw nalang bago dumating ang araw na pinakahihintay niya. Bukas na ang dating ng tunay niyang ama. Excited siyang naghilamos at tumingin sa salamin. Ngunit nagulantang siya sa nakita at biglang napasigaw, “Sino ka?” Hinawakan niya ang sariling mukha, hindi na ito kasing-kinis tulad ng dati. Iyak siya ng iyak lalo na nang makumpirmang mukha niya talaga ang nakikita sa salamin. Hapon pa dumating ang kanyang ina mula sa pagtatrabaho sa palengke. Gulat na gulat din ito nang makita siya, “Anong nangyari sayo, anak?” “Ma, hindi ako ‘to. Ayoko ng mukhang ito, Ma!” iyak siya nang iyak nang yakapin ang ina. Agad siya nito pina-albularyo at doo’y lumabas ang imahe ng isang engkantong naninirahan umano sa puno. “Palagi ka bang nakadungaw sa bintana, ineng?” nagulat siya sa tanong nito. “Paano niyo po nalaman?” tanong niya rin dito. “May isang kakaibang elementong naninirahan sa malaking punong iyan,” turo niya sa malaking puno sa tapat nila, “Marahil ay nagkakagusto sayo iyan. Binabantayan ka niya upang walang sinumang ibang makalapit sayo.” Nagulat siya sa narinig. Kaya siguro wala ni isa sa mga manliligaw niya ang bumabalik. “May balak ka bang umalis nitong nakaraang mga araw?” lalo siyang nagulat sa tanong nito. “Opo,” nahiya siya bigla sa nanay niya, “Ma, sorry nakita ko na po kasi ang tunay kong tatay. At sabi niya sa akin uuwi daw siya dito at ipapasyal ako sa Italy.” Pero dahil nga sa nangyari sa kanya ay agad siyang nagchat sa tatay niyang cancel na muna ang pagkikita nila. Nagulat ang ina sa narinig pero naintindihan niya rin ang anak sa pagkasabik sa tunay na ama. “Kaya ginawa niyang ganyang ang itsura mo dahil ayaw ka niyang umalis, ineng.” “Ano pong dapat naming gawin?” tanong ng nanay niya sa matanda. “Hindi niyo mapuputol ang punong iyan, pero kailangan niyong pabendisyunan,” suhestiyon nito. Ganoon na nga ang ginawa nila. Naghanap sila ng paring pwedeng bumendisyon sa puno. Kataka-takang umulan nang malakas ng hapong iyon samantalang noong umaga’y sikat na sikat ang araw. Ngunit hindi sila nagpapigil. Binendisyunan nila ang puno at dinasalan. Taimtim ring nagdadasal si Mika, “Sorry, Lord kung hindi ako madalas magsimba. Kung masyado kong minahal ang sarili ko noon. Pangako po, iaalay ko na ang buong buhay ko sa pagsisilbi sa Inyo.” Ilang araw ang lumipas ay unti-unting nawala ang kulubot ng mukha ni Mika. Araw-araw pa rin silang nagrorosaryo ng ina. Hindi na rin nawala sa tabi niya ang Bibliya. Gabi-gabi niya itong binabasa. Hanggang sa tuluyan siyang makarecover. Dinalaw pa rin siya ng ama ngunit hindi na siya sumama sa Italy. Tinupad niya ang pangako sa Panginoon. Nanilbihan siya sa simbahan. Nag-volunteer siya bilang miyembro ngchoir at alagad ng simbahan. “Thank you, Lord hindi Niyo pa rin po ako pinabayaan,” taimtim niyang dalangin. Hindi man nila alam kung ano talaga ang pinagmulan ng nangyari sa kanya, ang mahalaga’y mabuti na ang kalagayan niya ngayon sa tulong ng makapangyarihan na panalangin.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement