Galit ang Lalaking Ito sa Asawa Kung Kaya Umalis Siya sa Bahay na Tulog Pa Ito, Nanlumo Siya nang Malamang Hindi na Ito Nagising Nung Umagang Iyon
Isang taon nang kasal sina Jamaica at Mark. Napagdesiyunan nilang huwag muna mag-anak at sa halip ay i-enjoy muna ang kanilang buhay-mag-asawa. Masaya sila palagi. Palabiro si Mark kaya naman palagi niyang napapasaya ang asawa. Siya ay nagtatrabaho sa opisina sa Ayala samantalang ang asawa niya naman ay isang homebased teacher. Isang gabi matutulog nalang sila nang biglang may magtext sa cellphone ni Jamaica. Nabasa ni Mark ang pangalang nakarehistro doon–Manuel. Ito yung pinagseselosan niyang ex-fiance ni Jamaica. Muntik na silang ikasal nito kung hindi nahuli ni Jam ang pambababae nito sa mismong condominium nila. Kapit-bahay niya noon nang dalawa. Simula noo’y palagi na niyang nakikita ang babae na nag-iisa. Iniwan na rin daw siya ng fiance niya. Paalis na rin sana ang dalaga sa condo nang pigilan niya ito. Binigyan niya nang rason ang dalaga upang manatili at bumalik sa dating pamumuhay. Araw-araw niya itong hinahatiran ng pagkain bago siya pumasok. Palagi niya rin itong sinasamahan tuwing weekend–sinasabihan ng mga jokes, pinapatawa nang malakas at kung minsa’y pinapaiyak sa kwento ng buhay niya. Doon sila nagsimula hanggang sa lumipas ang isang taon ay naging sila at nagdesisyong magpakasal. Bumili sila ng sariling bahay. At nagtatravel kung kailan nila gusto. Pareho silang mahilig mag-ipon. Kaya naman magaan para sa kanila ang pasok ng pera. Ngunit hindi katulad ng ibang mag-asawa na pera ang pinag-aawayan ay naiiba sila, kailaman’y hindi ito pinagmulan ng di nila pagkakaintindihan. Isang bagay lang talaga ang pinag-aawayan nila, ang pangungulit ng ex nitong si Manuel. Tila napagod na rin si Mark kumprontahin ang asawa tungkol dito kaya naman natulog na lamang siya at hindi na pinansin ito. Sa kabilang banda ay nagtaka naman si Jamaica sa biglang pagiging cold ng asawa. Sigurado siyang nabasa nito ang pangalan ni Manuel sa phone niya. Pero ang kinaiinis niya ay hindi man lang nagtanong ito. Sinabi niya kasi kay Manuel na kung hindi siya nito titigilan ay ipapapulis na niya ito. Doon nagmessage muli ang lalaki at pinangakong hindi na mangungulit. Excited niya sanang sasabihin ito sa asawa pero bigla nalang siyang hindi pinansin nito at tinulugan. Nainis siya at nagdesisyong matulog nalang din. Pero sumapit na ang hatinggabi ay hindi pa rin siya makatulog. Masama ang loob niya dahil first time itong ginawa ng asawa sa kanya. Sinubukan niyang hawakan ang likod nito ngunit wala siyang nakuhang sagot dito kundi ang mahinang paghilik nito. Inis na inis siya lalo, “Paano niya nagawang matulog nang magkagalit kami?” Kinabukasan ay dire-diretsong naligo si Mark habang tulog pa ang asawa. Hindi na rin siya nag-abalang gisingin ito dahil hindi na naman siya mag-aalmusal. Pero sa opisina ay naisip niya rin ang ginawa dito. Masyadong tumaas ang pride niya at hinayaang matulog ang asawa na magkagalit sila. Nasaktan siya sa isipin. Kaya pagka-out niya sa trabaho ay bumili siya ng regalo para dito. Excited rin siyang umuwi ng bahay. Pero nadisappoint siya nang patay pa rin ang ilaw at wala pang pagkaing nakahanda para sa kanila. “Galit pa rin ba siya sa akin?” Inikot niya ang buong bahay wala doon ang asawa. Nagtungo siya sa kwarto at gulat na nakitang naroon pa rin ang asawa, sa parehong pwestong pinag-iwanan niya dito. Kinabahan siya at agad na tumakbo palapit dito. “Jam? Jam? Okay ka lang ba?” pinulsuhan niya ito. Nanlambot siya nang walang marinig na pulso at heartbeat sa asawa, “Jam!” Sa ospital ay nalaman niyang atake sa puso ang kinamatay ng asawa. Sising-sisi siya sa ginawa. Inis na inis rin sa sarili kung bakit mas pinili niya ang pride kaysa sa asawa. Nabasa niya rin ang text messages nila ng ex-fiance nitong si Manuel. Lalo siyang nanlambot nang makitang wala naman palang ginagawang panloloko ang asawa. Kung nag-usap sana sila nang gabing iyon at kung hinarap niya sana ito nang maramdamang hinawakan siya sa likod, at hindi nagpanggap na tulog–buhay pa sana ang asawa niya. Masaya pa rin sana silang dalawa.
Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?
I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.
Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!