Inday TrendingInday Trending
Gabi-gabing Lasing ang Amang Pedicab Driver at Kinaiinisan Ito ng Kanyang Anak, Nang Malaman ng Anak ang Dahilan Nito ay Naawa Ito sa Sinapit ng Ama

Gabi-gabing Lasing ang Amang Pedicab Driver at Kinaiinisan Ito ng Kanyang Anak, Nang Malaman ng Anak ang Dahilan Nito ay Naawa Ito sa Sinapit ng Ama

Si William ay isang working student na 19 taong gulang. Ang ina niya ay nasa Saudi Arabia samantalang ang ama naman ay isang pedicab driver. Kahit parehong may trabaho ang mga magulang ay kailangan niya pa rin ng extrang pagkakakitaan para sa mga gastusin sa eskwela bilang kolehiyo. Ngunit gabi-gabi ay may problemang kinakaharap si William. Gabi-gabi kasi ay umuuwing lasing ang ama. Naiinis na siya dito dahil ang kakarampot na kinikita nito bilang pedicab driver ay nagagawa pang ipang-inom. “Pa, bakit ba lagi nalang kayong lasing?” tanong niya dito nang bigla siyang gisingin nito sa pagtulog isang gabi. “Huwag ka nang magtanong, William ipaghain mo nalang ako,” ika nito na lalo niyang kinainis. Sa kabila ng inis ay nagawa niya pa ring ipaghain ng makakain ang ama. Sinamahan niya rin ito sa mesa habang kumakain, “Pa, nagpadala na po ba si Mama?” Napatigil sa pagkain ang ama, “Bukas na po kasi bayaran ng tuition namin.” Scholar si William sa school pero kalahati lang ang bawas sa tuition fee niya, ang kalahati ay ang ina niyang nasa Saudi ang nagbabayad. Nabasa niya ang lungkot sa mukha nito, “Oo, nandun sa wallet ko kunin mo dun.” Nakahinga siya nang maluwag. Mabuti’t kahit anog paglalasing ang ginagawa ng ama ay hindi nito nagagastos o nawawala ang perang pambayad niya ng tuition. Kinabukasan ay masayang nagbayad si William ng tuition fee sa cashier. Doon ay nakita niya ang dating kinakapatid na si Donny. “Pre, kamusta na?” tanong nito sa kanya. “Okay lang pre, ikaw?” “Okay lang din. Nag-aaral ka pa pala?” nagtaka siya sa tanong nito. “Oo naman pre, bakit?” “Sabi kasi ni Mama baka daw tumigil ka na sa pag-aaral kasi hindi na nagpapadala mama mo sa inyo.” “Ha? Anong ibig mong sabihin?” naguguluhan siya sa sinabi nito. “Noong isang araw kasi dumating papa mo sa amin, nangutang. Hindi na nga daw nagpapadala mama mo. Syempre si mama kinumpirma iyon kay ninang,” tukoy nito sa mama niya, “Ayun doon niya nalamang sumama na pala sa iba mama mo. Hindi mo ba alam?” Naluluha si William sa mga naririnig, “Pre sabihin mo, nagbibiro ka lang. Huwag mo sabihing seryoso ka d’yan pre. Huwag mong ganyanin nanay ko pre.” Umiling, “Hindi pare, seryoso. Tanong mo pa sa mama ko.” Agad na nagtungo si William sa pinakamalapit na computer shop. Sinubukan niyang kontakin ang ina pero walang sagot mula dito. Hindi siya mapakali kaya naman pinuntahan nito ang ama sa pila ng mga pedicab. “Pa, pwede po ba tayong mag-usap?” tanong niya dito. Nabasa niya sa mukha nito ang pagkabigla. Tila alam na nito ang sasabihin niya. “Pa, totoo po ba?” garalgal agad ang boses niya. Nalungkot ang mukha nito, “Hindi ko alam kung paano mo nalaman pero oo anak.” Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa. Iba ang hinihiling niyang marinig mula dito. “May iba na ang mama mo anak, noong isang taon kaya siya hindi nakauwi sa atin dahil doon siya umuwi sa bahay ng lalaki niya. Nahuli ko sila pero nagmakaawa ako sa mama mo na huwag niya tayong iwan. Hindi para sa akin kundi para sayo anak.” “Ayoko na Willy, sawang-sawa na ako sa kakarampot na sahod mo. Ako nalang lahat. Ikaw nang bahala sa anak natin, alam kong hindi mo siya pababayaan.” “Kaya po ba kayo laging umuuwing lasing?” umiiyak na tanong niya sa ama. “Hindi dahil sa mama mo anak,” naguluhan siya sa sagot nito. “Kundi para sayo. Kung hindi kasi ako makikipag-inuman sa mga kaibigan ko ay hindi ako makakautang sa kanila pambaon mo kinabukasan.” Gulantang siya sa sinabi ng ama, “Paano po…” Ngumiti ito ng malungkot, “Hindi na rin nagpapadala ang mama mo, lahat ng gastos natin dito ginagawan ko ng paraan pati pang-tuition mo makagtapos ka lang. Nagpapasalamat din ako dahil kahit papaano’y nakakatulong ka sa akin sa pamamagitang ng part-time job mo,” umiiyak na ang kanyang ama, “Pero kung may sapat lang akong pera ay hindi na kita hahayaang magtrabaho para makapagfocus ka sa pag-aaral.” Niyakap niya ang tatay niya, “Pa huwag mo ng isipin ‘yun. Sorry din po kung naiinis ako sa inyo dati kapag nalalasing kayo. Hindi ko alam na hindi nyo naman pala gusto ‘yun. Salamat po Pa, sa lahat. Mahal na mahal ko po kayo.” sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement